#DiaryNiMrL
ENTRY # 25
Hay DD!!!
Wala na! Paktay na ako!!!
Ngayon ko lang napatunayan sa sarili ko talaga na kung gaano kabilis ang mga mata ko na humanga sa kagwapuhan sa isang lalaki, ganun rin kabilis ang puso ko na mahulog sa mga ito.
Oo DD! I admit na to myself na tuluyan na akong nahulog kay Zeus. I admit na may nararamdaman na ako sa kanya. Napalitan na niya si Red sa puso ko. Siya na ngayon ang masasabi kong... minamahal na ng puso ko.
Tuluyan na niyang sinakop ang loob ng puso ko na dati'y si Red ang nilalaman.
DD! Anong gagawin ko? Ito na naman ako... Nahuhulog ang puso sa isang lalaking walang kasigaruduhan kung sasaluhin ako. Nagmamahal ng isang lalaking hindi ko alam kung mamahalin ba ako pabalik.
I admit na ngayon, natatakot na ako... Natatakot ako sa realization na pwede akong masaktan dahil sa pagkahulog kong ito. Daig pa ng takot na ito ang takot ko kapag nanunuod ako ng mga horror movies.
Ayoko ng masaktan muli. Naramdaman ko na ang klase ng sakit na iyon kay Red at ayoko ng maulit na maramdaman iyon. Pero anong magagawa ko? Ito na at nahulog na naman ako... Kailangan ko na bang ihanda ang sarili ko para muling masaktan?
Kunsabagay, lahat naman yata ng klase ng pagkahulog... Masakit sa umpisa. Tulad na lang ng pagkahulog sa hagdan o sa kahit saan pang mataas na lugar. Ang kaibahan nga lang, kapag ika'y nahulog sa mataas na lugar, sure kang masasaktan pero kapag nahulog ka sa isang tao at minahal mo ito ng hindi sinasadya... Hindi ka sigurado kung masasaktan ka... Pero I'm sure na masasaktan lang ako dahil alam niyo naman kung bakit. Lalaki si Zeus... Hindi siya nababagay sa akin dahil hindi naman ako babae na gaya ng hanap niya. Masakit para sa akin ang katotohanang iyon.
Bakit ba kasi hindi ako nahuhulog sa isang lalaking katulad ko rin? 'Yung tipo ng lalaki na... Hindi tunay na lalaki at maaaring magmahal ng katulad ko? Bakit ako nahuhulog sa mga lalaking alam ko na sa umpisa pa lang, wala na akong pag-asa dahil sa alam kong hindi ko naman sila katulad? Hindi pareho ng itinitibok ng puso.
Hay! Inihuhulog ko talaga ang sarili ko sa isang kumukulong mantika...
Anyway highway DD... Wala na... ang dapat ko na lang sigurong gawin ngayon ay gawin ang ginawa ko dati nung minahal ko si Red... 'Yun ay ang hayaan na lamang itong nararamdaman ko at go with the flow na lang sa life. Wala na rin naman akong magagawa eh, hinayaan ko ang sarili ko na mahulog so bear the consequences. Consequences talaga? Kasalanan ko ba na nagmahal ako ng hindi sinasadya at ngayon, kailangan ko talagang tanggapin ang mga kaparusahan na kaakibat ng pagmamahal na iyon? Ewan...
-Law Adrian Mendoza
PS: Sana... this time... Hindi na ako masaktan ng todo... Ayoko na kasing maramdaman muli 'yung sakit na naramdaman ko dati... Feeling ko... Baka kapag naramdaman ko na naman 'yun... Baka bumigay at mabiyak na ang puso ko sa sobrang sakit... Weh?
DATE POSTED: OCTOBER 24,2015 (SATURDAY)
BINABASA MO ANG
DIARY NI MR. L [BOYXBOY DIARY FORMAT SERIES]
HumorTARA NA'T BASAHIN NATIN ANG NILALAMAN NG DIARY NI MR. L... "DIARY NI MR.L" BOYXBOY DIARY FORMAT SERIES DATE STARTED: SEPTEMBER 26,2015 (SATURDAY) DATE FINISHED: OCTOBER 24,2015 (SATURDAY) A FRANCIS ALFARO'S ORIGINAL SERIES ALL RIGHTS RESERVE, 2015 C...