Parang bula syang biglang sumulpot noong isang mainit na tag-araw.
Suot nya ang puting damit, mahaba, maaliwalas, at malapit na matakpan ang kanyang sakong. Napansin ko ito dahil nakapaa lamang sya, dala nya ang mga halimuyak ng mga bulaklak na huli kong ibinigay sa kanya. Nasa katawan sya ngayon ng isang dalaga, isang napaka-gandang dalaga.
Tama pa ba ito?
Natanong ko sa sarili, mabuti pang hindi ko muna pansinin.
Itinikom ko ang mata ko.
Sabay dilat.
Nandoon parin sya, at bakas sa mukha nya ang ngiti na may halong pagtataka.
"Anong ginagawa mo dyan chukoy?" Naitanong ng babaing kahawig ni mutya.
Hindi ko muli pinansin. Itinikom muli ang mga mata.
Dilat.
"Nawala" banggit ko sa aking sarili.
Tila naglaho ang babaing kahawig ni mutya.
"Ang sabi ko 'anong ginagawa mo?'" Mala anghel na bulong ng babaing kamukha ni mutya.
Biglaan nalang syang naka-upo sa tabi ko, may masayang ngiti.
"Waaah!! M-multo!" Sinigaw ko habang tumakbo papunta sa kwarto ko.
Sinundan lamang ako ng tingin ni mutya. Sya talaga iyon, wala na akong duda.
Mula pa noong bata ay may sakit na akong hika, at iyon nga ang inabot ko sa sobrang nerbyos. At pagkatapos noon ay nagcollapse nalamang ako.
"Iho! , iho!," boses ng isang matandang lalaki.
Marahan kong idinilat ang mga mata. Nadoon si doc at si lolo.
"Nagising na ho sya" sagot ni doc. Si doc ang kapitbahay naming beterenaryo, at sa kanya din ako laging nagpapakonsulta. Kuripot ako alam ko.
"Ano hong nangyari?" Matamlay kong tanong. Sabay ng marahan kong pag-upo mula sa pagkakahiga.
"Hinimatay ka. Dahil sa init? At inatake ka na ng asthma mo" paliwanag ni doc.
"Alam mo kasi kailangan ng oxygen ng atin.... Utak sa gayon ay...."
At tuloy pa ang pag papaliwang ni doc tungkol sa mga parts ng katawan kung paan ito gumana, para syang isang teacher na may itinuturo sa klase. Pangarap din kasi ni doc na maging doctor na pangtao.
Sa ngayon ang atensyon ko ay inagaw ng liwanag ng mapulang araw ng hapon sa labas.
hapon na pala humigit limang oras ako walang malay,
Sa pagkakalkula ko ng oras ay bigla nalang sumingit sa tinitingan ko si mutya, masayng kumakaway.
"...at dun nagmumula ang sper-" naudlot si doc nang hablutin ko ang balikat nya.
"Doc, may itatanong ako?" Paalam ko.
"Anong nakikita nyo doon?" Dagdag ko bago pa man sya makapg react, at tinuro ko ang hardin kung san naka-upo at nakangiti si mutya.
"Ah gusto mong malaman kung paano nabubuhay ang puno? Ganito yan kumu-" pinigil ko uli si doc, at tumingin sa kanya ng seryoso.
"Ahh ano kasi doc, may nakikita ako na hindi nakikita ng iba, ahh eehh di bale na doc." Pinigil ko nalang ang tanong ko at dinaan nalang sa tawa.
Baka kasi isipin nila na weirdo ako o nababaliw na.
Pero malinaw sya sa paningin ko. Naglalakad, nagsasalita, ngumingiti na parang nabubuhay pa si mutya.
Kalokohan.
"Siguro may posibilidad ang sinasabi mo" singit muli ni doc.
"Sa sobrang stress gumagawa ang isip natin ng mga hallucinations para mabigyan
Relief ang pressure, kahit anong form ang pwedeng iproject nito, pwede lugar, bagay, o tao." Dagdag nya pa.
"Tama, tama hallucinations lang nga sya." Sabi ko sa sarili.
"Stress lang to, na naipon dati, tama" ulit ko sa sarili.
"Anong pinag uusapan nyo?" Sabi ni mutya, na nasa tabi ko na bigla, hindi ko man lamang napansin na lumapit sya.
"Wag mo sya papansinin mawawala din yan, hingang malalim, exhale" binubulong ko sa sarili.
Nakatitig lang si doc at lolo,
Nagtatakang nakatingin din sakin si mutya, ngunit masaya parin parang batang nasasabik.
"O pano ho, mauna na ako. Alagaan mo sarili mo chukoy ha." Pagpapa alam ni doc kay lolo, at pagpapa alala sakin.
Hinatid ko si doc paptuntang bahay nila mga tatlong bahay ang pagitan mula sa amin, at masayang naglalakad si mutya sa likod namin, habang nililikot ang buhok ko at damit pero. Hindi ko siya pinapansin hangang mahatid ko si doc papunta at noong pauwi na ako.
Nakikita ko na nakikita sya ng mga aso at pusa sa amin, dahil nalalaro nya ang mga ito.
Bakit ko din sya nakikita may lahing aso o pusa ba ako?
Hindi, nababaliw na yata ako dahil ang susunod kong gagawin ay hindi ginagawa ng isang normal na tao.
Kinausap ko ang hallucination ni mutya.
"Bakit ka nandito?" Tanong ko.
"Huh?!" Pagtataka nya. "Anong ibig mong sabihin, chukoy?" May kasamang ngiti.
Sa puntong ito madilim na at ang buwan lang ang nagsisilbing liwanag.
Nasa tapat kami ng isang park na may playground, laruan ng mga bata
Mga bata na dati rin ay kami ni mutya.
Mga ala alang bumalik sakin.
Ang mga ala ala ko...
".....p-patawad" bulong ko, halos hindi na marinig.
"Chukoy" tinig ni mutya.
"...patawad" inulit ko, malinawa at medyo malakas.
At hindi ko napansin na umiiyak na pala ako. Tahimik na bumabagsak ang mga luha ko. Lumuhod sa lupa. Tikom ang mga kamay.
Akala ko naghilom na ang puso ko, hindi pa pala, kahit gaano katagal ang oras na gugulin ko para mawala ang sakit ay naroon parin ito, naghihintay.
"Patawad, patawad, patawad" paulit ulit ako, nauutal. Ngunit tila naiintindihan ni mutya ang gusto ko sabihin.
Marahan syang lumapit papunta sa aking harapan ko
Marahan nyang binalot ang braso nya sa akin.
Nahahawakan nya ako?
Malambot, mainit at puno ng paghihintay ang ramdam ko sa yakap nya.
"Chukoy.... .. Hindi ka parin talaga nagbabago"
BINABASA MO ANG
Ang pangako ng bakasyon
AcakIsang himala ang nangyari sa maliit na bayan kung saan nakatadhana muli magkita ang dalawang pusong nagmamahalan. Sundan natin ang istorya nila, Sinubok ng panahon at trahedya. Ngunit maraming misteryo ang itinatago ng munting bayan na iyon Magwawag...