Chapter 9

13 0 0
                                    

*Perez' Mansion*

Hindi parin ako makatulog :(
Binuksan ko nalang yung laptop ko at bumisita sa S.A.E.'s News Flash.

S.A.E.'s Trending Board

1. #Dating??
2. #H.S.DancePreparation
3. #Boo2BlackFame
4. #ReadyForHSD
5. #S.A.E.

Nagtaka ako dahil nagttrending ay yung 'Dating??' I click it and I saw a photo that includes me and Ryo. Kumakain kami sa fishbolan at ang masama pa, yung umiinom ako sa softdrinks nya. *facepalm*

Fr: B
Nakita mo yung trending??

Nakita na pala nya, ano kaya yung reaksyon nya. Tsaka sino naman yung kumuha ng litrato namin? Tss.. Chismoso/chismosa. Pero may point yung hashtag, are we dating?
Tinawagan nya ako at sinagot ko naman.

"Hello?"

"Gising ka pa ba? Sorry kung natutulog ka na ha? Na-shock lang kasi ako na, nagtrending tayo."

"Gising pa ako. Actually, hindi ako makatulog kaya tinignan ko nalang yung page. Nagulat din ako nung nagtrending tayo"

"Ganun ba? Yun nga sana yung gusto kong tanungin sa'yo e, are we dating?"

Shoot! Anong sasabihin ko, anong gagawin ko?

"Umm, A-ano k-kasi e"kumamot ako sa ulo

"Well... Kung okay lang ba sa'yo?"

"B, hindi ko pa alam e, ang alam ko lang is, okay lang sa akin. Kaso--" pinutol nya yung sasabihin ko.

"Kaso baka hindi tayo payagan ng tita at Dad mo? Ako na ang bahala. Alam kong masyadong mabilis pero bibigyan kita ng sapat na oras para pagisipan mo. Okay ba sa iyo yun Miss Beautiful?"

"O-okay"

"Sige matulog ka na, bukas nalang uli"

Binaba ko na yung phone ko at nadapuan na rin ng antok.
_________________
*Kalagitnaan ng tulog...*

Nagising ako kasi nauuhaw ako. Pumunta ako sa baba at binuksan yung ref. Habang hinahanap ko yung malamig na tubig sa pitchel, nakarinig ako ng kalabog. Mukang may nadapa.

"S-sino yan?" Tanong ko pa. Kinabahaan ako at bumilis yung tibok ng puso ko. Haluh baka may multo sa bahay. "S-sino yan?" I repeated once more. Pabilis ng pabilis yung heartbeat ko at yung footsteps palapit ng palapit. Sobrang dilim na at yung ilaw sa ref lang yung tanging nagbibigay liwanag lang sa mata ko.

Unti-unti ko ng nakikita yung image nung tao, lalake sya na naka white na sando at black na shorts tipong hanggang tuhod lang.

"Jammm" sabi nung lalaki

Napapikit nalang ako sa takot at unti-unting dumilat uli. Mukhang familiar yung mukha.

"K-kuya?!" Takang tanong ko.

"Jamm... Nasaan yung water?" Tanong sa akin nung lalaki na mukang lasing.

"Kuya lasing na lasing ka, at kelan ka dumating?" Tanong ko habang binigay yung baso na hawak hawak ko. Uminom sya ng tubig.

Hindi sya sumagot kaya ang ginawa ko nilagay ko yung braso nya sa balikat ko at hinatid ko sya sa kwarto nya. Mukhang lasing na lasing 'tong lalaking 'to. "Kuya, magpahinga ka muna. Bukas nalang tayo mag-usap" inayos ko sya sa kama at natulog na sya. Iniwan ko na sya sa kwarto nya at ako rin, natulog na.
_________________________

Over my Teenage BodyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon