Ang kulit mo (oneshot)

5.3K 299 49
                                    

A/N: Hello po! Dedicated po to kay ate Zee o Filipina kasi ang galing niya gumawa ng stories. Lalo na oneshot at lahat nito ay nakakakilig. Inaabangan ko nga po kung may susunod ka pong oneshot. Sana marami pa po kayong magawa na hindi lang magpakilig sakin kundi sa buong bayan. Yieee! Para sayo po to. First time ko magdedicate sayo! Idol po kita hoo! Sana magustuhan mo po...



Oneshot: Ang kulit mo!

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

" Kuliiiit!" Napatigil naman ako sa paglalakad sa hallway at napatingin sa likod ko . Si Yena na naman, ang kulit ko, ang crush ko


" Himala kulit. Hindi ka late ngayon ah" sabi nito habang hinihingal pa sa tabi ko. Ang cute talaga ni Yena


" Oi! Kulit. Bingi ka ba o ano? Bat hindi ka sumasagot?" Nagsimula na ulit ako maglakad. Ang kulit niya talaga kaya kulit ang tawagan namin, para sa kanya sana yun, sinali lang ako. Ako pala si Xander


" Wala lang. Ang kulit mo talaga" pinat ko at ginulo buhok niya kaya tinampal niya kamay ko at inayos ang buhok niya kaya napangiti nalang ako " Ginugulo mo nalang talaga lagi buhok ko , gusto ko ba ako maging panget?"


" Maganda ka naman ah" napatigil siya sa paglalakad at ako rin. Pansin ko napayuko siya at namula ang kanyang mukha, cute nga


" Tara na !" Inakbayan ko nalang siya at naglakad na papunta sa classroom bago pa kami malate


***

" Kulit!" Napatigil ako sa pagsulat at napatingin sa kanya. Lumapit siya at umupo sa tabing upuan ko tapos umusog pa papunta sakin " Turuan mo nga ako nito kulit! Hindi ko maintindihan!" Napatingi lang ako sa mukha niya. Napakamit siya ng ulo at parang hindi niya talaga ito maintindihan


" Eh ano ba yan?"


" Science"


" Yun lang? Pagbinasa mo, maintindihan mo naman yan eh!" Napakamot ulit siya ng ulo. Ang cute niya talaga kahit na ganoon


" Para sayo kasi matalino ka, eh paano naman ako? Hindi naman ako matalino" inilapit niya sakin ang libro niya at tinignan ang libro. Hindi parin ako nagsalita at tinignan lamang siya


" Oi! Turuan mo na nga ako! Bilis!" Napabuntong hininga ako at lihim na napangiti. Inlove na nga siguro ako sa kanya eh


" Sige na nga"


" Thank you kulit!!" Hindi ko pa nga siya naturuan nagpasalamat na siya


Ilang oras ko narin siyang tinuruan kasi wala namang teacher pumasok kaya ayun, nagpatuloy kami pero hanggang ngayon mukhang hindi pa niya naintindihan. Hay naku, ang tagal talaga makaintindi nito pero sinabi niya lang na kesyo daw matalino ako


Ilang araw lumipas at mas lalo akong nahulog kay kulit . Hindi ko alam bakit at pano pero i love the way she is, the way she smiles, the way she says kulit.. Ewan. Nakakabaliw pero torpe ako, hindi ko talaga alam kung paano ko sasabihin sa kanya o wala akong plano. Hanggang magkaibigan o magkulit lang talaga kami


" Kulit. May problema ako.." busying busy ako sa pagsulat nung bigla siyang sumulpot sa harapan ko. Ano na naman problema nitong babaeng ito? Tinignan ko lang siya habang naka-pout ito


" Kasi kulit. May gusto ako sa isang tao kaso hindi ko masabi eh" ouch. Tagos. Parang ako, nanatiling tahimik sa gilid at tinutulungan ka at ginagabayan ka. Ngayon, may problema ka ding ganyan? sino ba yan?


" Sino?"


" Ihh. Wag ka nang magtanong, basta anong gagawin ko?" isinara ko ang libro ko tapos tumayo na. Sinunod naman niya ako sa paglalakad


Nandito kasi ako ngayon sa library. Ayoko sanang sumagot sa tanong niya kaso baka kailangan niya talaga. Kulit pa naman niya ako


" Hoy! Kulit ano na" lumabas na kami sa library still wala akong masagot. Hindi ko alam kung bakit hindi ako makasagot, siguro hindi ako ready at wala akong magawa sa ganyan kasi we're in the same situation


Nagulat ako nung humarang siya sa harapan ko with her arms wide open. Pinipigilan niya akong maglakad " Bat hindi ka sumasagot galit ka ba sakin?"


Napatitig lang ako sa kanya. Ang hirap kasi ng tanong niya. Pinat ko nalang ulo niya " Hindi mo na kailangan payo ko dahil dapat ikaw na nagdesisyon niyan. Buhay mo yan. You kniw what's right to do. Kaya mo yan. Sabihin mo na dahil baka sa huli, masaktan ka" pagktapos kong sabihin yun ay nagsimula na akong maglakad at iniwan siya doon. Sana tama lang ang sinabi ko, kahit masakit, tatanggapin ko


" Kulit!" hindi muna ako lumingon at nanatiling nakatalikod sa kanya. Hinintay ko ang kanyang sasabihin


" Salamat sa payo" tumango lang ako at naglakad na ulit pero nagulat nalang ako nung may biglang yumakap sa likod ko " Kulit.."


Hindi ako makapagsalita dahil ramdam ko ang kabog ng puso ko. Ngayon lang siya ganito? Is she saying goodbye?


" Kulit. Dahil sa sinabi mo, gagawin ko iyon" ramdam ko ang pagbitaw niya sa pagyakap tapos tumabi siya sakin nakatingin na ako sa kanya


Nagtiptoe siya na ikinagulat ko at mas lalo pa ako nagukat nung hinalikan niya ako sa pisngi. Ramdam ko na namumula na tenga ko. Umiinit na mukha ko, ang bakla ko!


" Kulit. I love you"


~End~
















Oneshot: Ang kulit moTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon