Chapter 1
Pagpasok ni Lisa sa Shangi-La Hotel ay kaagad itong sinalubong ng mga tauhan ni Ranz George Chivas, isang Canadian-Filipino model na kasalukuyang nasa Pilipinas para mag-endorso ng inuming beer. Ranz Chivas, a model of ten years, he recently switch to hosting and now helms Star Movies VIP Access. His biggest gigs so far was hosting the Oscar's Special on Star Movies. At dahil dito maraming Filipino ang humahanga sa napakagwapong modelo. Pero hindi basta-basta ang modelong ito dahil pihikan sa mga interview. Pinag-aagawan ngayon ng dalawang kilalang Television Station ang binata pero pawang iniiwasan ito ng modelo. Pwera nalang sa gagawin ngayon ni Lisabeth Montenegro, isang journalist sa kilalang newspaper. Ito ang kauna-unahang interview sa binata at napakahigpit ng security dahilan para makaramdam ng pagkailang ang dalaga. Lihim itong napa-ismid sa tratong binigay sa modelo. Daig pang presedenti ng Pilipinas kung ituring. Mula sa labas ay nakita ng dalaga ang apat na look out at sa loob ng hotel na pag-gaganapan ng interview ay napansin ni Lisa ang apat na kalalakihang pinaniniwalaang security guard din ng modelo.
Unang nakilala ni Lisa si Moneth, ang manager ni Ranz. Nag usap muna ang dalawa tungkol sa magaganap na interview. At gustong magwalk out ng dalaga dahil sa dami ng mga bawal . No question about lovelife, family, gigs...
"Of course, Im doing this interview because of the endorsement." prangka ni Lisa. Bilang isang professional na journalist ng limang taon ay alam ng dalaga ang patakaran ng trabaho nito. Pero tila yata tinuturing ni Moneth na baguhan ang dalaga. Bagay na nagdulot ng pagkairita sa napakagandang journalist. "Okay, then we understand each other". Nakangiting sabi ni Moneth. Nagtimpi ang dalaga. Kung papatulan nito ang manager ni George Chivas seguradong walang magandang patutunguhan ang lahat at hindi iyon ang inaasahan ng kompanya ng dalaga. Ito ang interview na hinihintay ng lahat kaya mas pinili ng dalaga na huminahon at sumunod na lang sa kundisiyunis ng parti ni George Chivas. Isang magiliw na ngiti ang isinagot ni Lisa kay Moneth. Ilang minuto ang nakalipas ay nasulyapan rin ng dalaga si Ranz George Chivas. Galing ito sa toilet. Ayon kay Moneth may upset stomach daw ang binata. At naintindihan iyon ni Lisa. Mahirap ang magkaroon ng upset stomach dahil maraming beses kang pabalik balik ng toilet. Pinakilala ni Moneth sina Lisa at George sa isa't-isa. Parehong "helloo" ang salitang lumabas sa bibig ng dalawa at sabay nagkamayan ang mga ito tanda ng pormal na pagbati sa isa't-isa. Ngayon lang napagtanto ni Lisa kung gaano kagwapo si George. Napakalakas ng charisma nito at pati ang dalaga ay lihim na napalunok ng magtama ang mga mata ng dalawa. Sobrang tangkad ng binata at maganda ang katawan na punong-puno ng mga muscles. Hindi na magtataka ang dalaga kung bakit pinag-aagawan ito ng media. The guy is really a hunk! Matapos maisaayos ang lahat ay sinimulan agad ni Lisa ang interview. Hindi mabuti ang pakiramdam ni George kaya mainam ng makasimula na sila para makapagpahinga ang gwapong modelo . Ngayon ay magkaharap ng nag uusap sina Lisabeth at George. Hindi maalis ang magiliw na ngiti sa dalaga. Bigla itong na excited sa magiliw rin na ngiti ni George. Normal ang naging takbo ng usapan ng dalawa.
: What is your idea of a perfect night out? Tanong mula kay Lisa.
"A romantic evening that stretches into the early hours of the morning. Now that Im here in Philippines, you'll find me at Saint Jullius at the Side Waterboat House. I love French food and it's perfect when I want to indulge. The ambience is lovely there, too. Dinner would be followed by a slow stroll around the area before heading to "Red " at Shangri-La Hotel for a night cap."
:Where are your fave haunts? Nag-isip ng bahagya si George.
"Quite, relaxing places like "Red" or jazz bars. I also love to go to the place where I can eat at the same time watching the sunset. It's like you are on the beach under the stars-perfect for a cosy supper." Napangiti si Lisa sa sagot ng binata. Titig ng titig naman si George rito. Tuloy bahagyang nakaramdam ng pagkailang ang dalaga. Pero dahil sa professionalism nito ay nanatili pa rin ang normal na usapan sa pagitan ng dalawa.