CRUSH (One-Shot)

82 5 7
                                    

"Aly! Hey! Daydreaming again?"

Nakita ko nanaman siya kahapon sa may sakayan ng Jeep. "Haay!" 'Di ko na mabilang kung pang-ilang buntong-hininga ko na 'to. At siyempre nauna na naman siya sakin na ako naman 'tong si ewan at sinundan na naman siya ng tingin.


"Alyria Agui!"

"Huh? What? Ano?" Sabi ko out loud.

"Kumain ka na. Kanina ka pa nag de-daydream diyan sa ilang years mo ng crush na hindi ka manlang mapansin-pansin." Sabi niya na may hint ng pagkadismaya, lagi naman eh. Hindi ko naman kasi sinasadyang ma-inlove dun sa taong yun na hindi man lang ako kilala eh mag 12 years na kaming mag kapitbahay. Yeah, you heard it right. I am inlove with someone who doesn't know me.

"Sorry." Litanya ko na naman. Sanay na naman siya.

"Lagi naman. Kain ka na then tara na sa room."

"Okay." Sabi ko then kinain ko na yung maliit kong sandwich kasi yun na lang naman natitira.

"Tara na!" Tumayo na siya pagkatapos nun.

"Sunod na lang ako. Aayusin ko pa bag ko tsaka tatapon ko pa tong pinagkainan ko." Kasi dito sa school namin kailangan namin itapon yung pinagkainan namin, nakakaasar nga minsan pero kailangan, kapag kasi hindi ka tumupad pagpupulutin ka ng kalat for the whole week.


Pagka-alis na pagka-alis ni Elle inayos ko na yung bag ko, tinapon yung mga dapat itapon at naglakad na papunta sa room.

Kaso bigla na lang akong napaupo sa sahig kasi may taong bumangga sakin. Masakit, oo masakit yung pwet ko. Ikaw kaya ang banggain ko, try lang natin kung 'di ka masaktan. Bakit kasi ba naman kasi 'di tumitingin mga tao ngayon oh.

Sisigawan ko na sana yung taong bumangga sakin kaso nagulat ako ng umupo siya sa harapan ko para maging magkalevel kami at kausapin ako. "Aly, okay ka lang ba? Sorry ha, hindi kita nakita nagmamadali kasi ako."

Di ako makaimik kasi naguguluhan ako. Kilala niya ako, yung crush ko kilala ako. Si Clain na 10 years na akong hindi pinapansin eh kilala ako.

"Aly, okay ka lang ba?" Anong isasagot ko? Nahihiya ako, bakit ba kasi sa gantong eksena pa kami nag kausap. Elle! Kailangan kita. I-save mo ko dali.

"A, E, I, OO-okay lang ako." Sabi ko na lang not minding the people that is staring at us, ganun pa rin kasi yung pwesto namin. "C-cge na alis ka na kaya ko na sarili. Thank you na lang." Pagkasabing pagkasabi ko nun, ngumiti lang siya at naglakad na papalayo, hindi ko siya nilingon pero alam kong wala na siya kaya tumayo na ako kaso dahil hindi ko pa kaya.

"Ouch." Sigaw ko bago na naman ako bumagsak sa sahig. Kailangan ko ng tawagan si Elle, ilang beses pa kasi akong nag try na tumayo kaso hindi ko talaga kaya. Bakit ba naman kasi hindi ako makatayo eh yung pwet ko naman yung tumama. Grabeng OA naman ko naman oh!

Lalo pang dumami yung tumitingin saakin, kaasar lang kasi puro lang sila tingin wala man lang silang ginawa para tulungan ako. Hinugot ko lahat ng lakas ko at tumayo ulit kaso sa kasamaang palad babagsak na naman ulit yata ako.

"Hey! Put me down." Sabi ko sa taong naglakas loob na buhatin ako.

"No, dadalhin kita sa Clinic." Hindi na ako umimik, kasi siya si Clain. Oo, si Clain na crush ko ang bumuhat sakin.

Napansin niya atang tahimik ako kaya tinawag niya ang pangalan ko, hindi ako umiimik kasi hindi pa rin nag-sisink in lahat sa utak ko at nahihiya pa rin ako.

CRUSH (One-Shot)Where stories live. Discover now