Chapter 16

4K 114 4
                                    

-CHAPTER 16-







Nakatitig lang ako ngayon sa isang offic e na nakalaan sa'kin pag naging COO na ko. Hinaplos ko pa ang glass name ko na nasa desk. XYRA LALAINE SY, COO. Kung ibang tao sigurado akong kailangan nila lumusot sa nga pinakamaliliit na karayom sa mundo para lang makatungtong sa pwesto na to. Pero ako? Wala aral lang. This is because of my family who worked so hard to keep our company on top. Hindi ko sila bibiguin. Pagbubutihan ko ang ibibigay nila sa'kin. As a thank you.






"Xyra nandito ka lang pala. Hinahanap ka na ng kuya mo at mag lulunch na daw tayo." Napatingin ako kay Ryan na pumasok sa office at nilapitan ako.







"Ryan, do you think i can be a good COO? I mean wala pa naman ako kaalam alam sa pagiging COO. And this is a big company, i don't want to dissappoint anyone." Tanong ko kay Ryan. Lumapit pa lalo si Ryan sa'kin. Napabuntong hininga siya at ngumiti.







"Alam mo yan din ang tanong ni Ares sa'kin. Kung kaya ba daw niya iyong pagiging president ng Sy Auto. Isa lang naman sagot jan." Aniya at inakbayan ako. Tumingin ako kay Ryan at nakangiti pa rin siya pero may parang kung ano sa likod ng ngiti niya.







"Maging maingat ka.. Be careful on the things or people around you. Hindi lahat ng maganda sa mata ay maganda sa panloob. Always look behind you, you'll never know maybe someone is gonna stab you in the back. Pag ganon, unahan mo na. Kumbaga, kill before you get killed." Kinilabutan ako sa sinabi ni Ryan. Ewan ko pero siguro dahil ngayon lang siya nagsalita ng ganito kalalim. We always see Ryan as the joker of the group pero siguro may tinatago siyang apoy sa likod ng mga tawa na yon.






"Hayy! Tara na nga baka naiinip na si Yckos eh. Kasama niya pa naman ang girlfriend niya." Ngumiti na lang ako at sumunod kay Ryan. Kumain kami sa labas kasama si Kuya at Primrose. Konting kwentuhan at bumalik na din sa office.






Sa buong maghapon ni isang text man lang ni Lucas ay wala akong natanggap. Tinawagan ko siya ng ilang beses pero hindi siya sumasagot. Baka busy lang talaga siya. Meetings ganon? Mag gagabi na nang magpaalam si Ryan dahil pupuntahan daw si Ares. Ako din nag paalam na kay Kuya at Primrose. Ayoko naman mathird wheel sa dalawang yon. Para silang young version nila Mommy at Daddy pero minsan LQ sila. Sila Mom at Dad tila di alam ang salitang away.





"Magpapasundo ka ba sa driver?" Tanong ni Kuya sa'kin habang nasa loob kami ng office niya. Nakaupo siya sa swivel chair niya and he looks so powerful.






"Oo Kuya. Tumawag na ko kay Manong Jose." Tumango si Kuya at nag focus na ulit sa laptop niya. Tumabi naman sa'kin si Primrose na blooming nanaman. Pag in love talaga noh? Blooming lagi.





"Blooming ka na lang lagi Prim." Sabi ko sa kaniya. She's really pretty. Nakasuot lang siya ng simpleng white tshirts and blue jeans. Walang make up at naka pony ang mahaba niyang buhok.






"Ikaw nga jan ehh. Gumaganda ka lalo. May i say, nagpapaganda lalo?" Tumawa kaming dalawa. Hindi naman ako nagpapaganda? Well.. Oo noong una kong nakita si Lucas na pumasok sa gate ng school namin doon na ko nagsimula magayos. Nagustuhan ko na kasi siya agad non? Para bang pinana agad ako ni kupido sa unang tingin ko pa lang kay Lucas.






"Maiba tayo... Balita ko may boyfriend ka na." Mahinang sabi niya. Napatingin pa kaming dalawa kay kuya na busy sa pag tatype ng mung ano sa laptop niya. Nag init ang pisngi ko at bumilis ang tibok ng puso ko.






"Wa-wala noh. Sabi sabi lang yon sa school." Palusot ko. Nginisian niya ako. Hindi siya naniniwala sa sinabi ko. Hindi ko naman kasi talaga pinagsasabi. Si Talia, Muriel at Ryan lang ang nakakaalam. Siguro pati na din ang mga estudyante sa school na naniniwala sa chismis.





"You can tell me naman i can keep a secret. Malay mo matulungan pa kita parehas tayong may boyfriend." Tumawa pa ulit kaming dalawa. Kinikilig ako kasi naalala ko nanaman si Lucas. Pero dapat nga naiinis ako kasi hindi siya nag paparamdam.






"Meron pero secret lang. Ayoko ipaalam sa kahit sino sa pamilya ko. Nalaman na nga ni Kuya Yckos yung chismis dineny ko kaagad." Mahinang sagot ko kay Prim. Tumango tango siya.





"Alam ko na bakit mo tinatago. Ayaw mo mabugbog yon ng kuya mo?" Tanong ni Prim. Tumango na lang ako. Isa din kasi iyon sa mga dahilan ko.






Nagkwentuhan pa kami ni Primrose hanggang sa sunduin na ako ng driver namin sa office ni Kuya. Nagpaalam na ko sa kanila at sumunod na sa driver . I looked at my phone para sana tignan kung nagtext si Lucas pero gaya kanina wala pa din. 3 months na kami at may dalawang araw sa bawat buwan na nangyayari to. Napapansin ko na yon pero ayoko lang magtanong kay Lucas. Syempre ayoko naman siya sakalin sa oras. CEO siya ng Ventura Empire. Pumapangalawa na mataas sa business world. Hindi na ko magtataka kung mabusy siya ng sobra. Pero i miss him.






Pagkasakay ko sa kotse ay bigla kong naisip na dumaan sa Ventura Empires Building kung saan ang office ni Lucas. Isang beses lang ako nakarating doon pero natatandaan ko kung san yon.





"Manong Jose, can you bring me to the Ventura Empire building?" Tanong ko sa driver. "Of course ma'am." Sagot niya at nag u turn.






Hindi ko naman siya pupuntahan sa office niya. That'll be weird. Gusto ko lang tignan dahil anong oras na at ganitong oras siya umuwi pag sinasabi niya sa'kin na nasa office siya. Pinapark ko ang kotse sa tapat ng Ventura Empire. Nakita ko na madaming taong lumalabas ngayon doon. May mga naka suit at mukang matataas na tao din. Pero sa dami ng taong iyon nakuha ng mata ko ang isang babaeng naka Violet dress. Labas ang cleavage niya at nakakulot ang buhok niya. Ayos na ayos siya. "Samantha..." Sabi ko sa sarili ko nang mamukaan kung sino yon.






Kumunot ang noo ko nang may halikan siyang lalaking naka grey suit. Tumawa pa siya nang hindi siya kaagad bitawan ng lalaking yon. Naktalikod sa direksyon ko ang lalaking iyon pero alam na alam ko kung sino siya. Pagtapos ng halik na yon ay niyakap pa niya si Samantha, nakapulupot ang kamay niya sa baywang ni Samantha at naguusap sila na parang silang dalawa lang ang tao sa mundo. Kumakabog ang dibdib ko nang hinawakan niya ang kamay nito at pinagbuksan si Samantha ng pinto sa kotse niya. Umikot siya para pumasok din sa kotse niya at doon na siya humarap sa direksyon ko. Si Lucas..

Everything You Want. [On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon