"MAGKAPATID SA DUGO"

522 0 0
                                    

Tauhan:

Aling Angelita "Lita" Santos-ina nina Liza at Sandra.

Mang George Santos-tatay nina Sandra

Sandra-ang nakatatandang kapatid ni Liza; Siya'y huwaran at mapagmahal na kapatid;maganda at mabuting mag aaral;simple lamang maging sa pananamit at pustura..

Liza-ang nakababatang kapatid ni Sandra; Siya'y maganda rin subalit masama ang kanyang asal;pakitang gilas sa magulang subalit kapag sila na lamang ni Sandra siya'y animo isang mabangis na hayop dahil sa kanyang masamang ugali;maarte;walang seryosong relasyon..

Julio-ang matalik na kaibigan ni Sandra simula pagkabata;siya'y magandang lalaki at matipuno ang katawan;mabait at mapagmahal na anak at kaibigan;mabuting mag aaral;kamag aral ni Sandra;iniirog niya si Sandra..

Jeff-ang lalaking tila nabihag ni Liza ang puso;mahal niya talaga si Liza subalit walang nais si Liza na makipagseryosohan sa kanya;tila nilaro ng tadhana sa larangan ng pag ibig

Rainier-ang naunang kasintahan ni Liza bago pa dumating si Jeff sa kanyang buhay;makisig;mayaman;seaman;hindi niya alam na may ibang kasintahan si Liza habang siya'y wala.

       (Ito'y kwento ng dalawang magkapatid na hindi na nagkasundo simula't sapol pa lamang..Saan kaya hahantong ang kanilang kwento? magkaunawaan pa kaya sila? o manatili silang magkapatid lamang sa dugo? inyong basahin upang malaman niyo :D)

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

CHAPTER 1

magandang araw" malungkot na pagbati ni Sandra kay Julio..

(may kung anong kirot ang mababakas sa kanyang mala-anghel na mukha..)

"malamang nag away na naman kayo ng iyong kapatid na si Liza?umamin ka na..ndi magmamaasim ang iyong magandang mukha kung wala kang problema sa kanya" ang mapagmalasakit na pagtatanong ni Julio kay Sandra..

(palibhasa'y torpe siya kaya hanggang pag aalala lang ang nagagawa niya..matagal ng may lihim na pagtingin si Julio kay Sandra..Simula pagkabata ay may pagtatangi na siya kay Sandra)

"Oo Julio tama ka..Kami'y nag away na naman..Dahil pinagsabihan ko siya na huwag ng tumanggap ng manliligaw sa kadahilanang may kasintahan na siya.. hindi ba't kilala mo si Jeff? ung sikat na lider ng banda..kahit si inay walang magawa..kung minsan pa nga'y alas diyes na siya ng gabi kung umuwi  eh..kagaya kagabi..hai ako'y nalulungkot dahil wala siyang awa kay tatay" ang malungkot na pagsasalaysay ni Sandra kay Julio.

(naglakad palapit kay Sandra at tila may  iniisip si Julio)

"Kaya ayoko sa mga tipo niya eh..pasensya ka na ha pero daig pa niya ang kaladkaring babae..Magkapatid kayo subalit tunay kayong magkaiba..pananamit pa lang talagang magkaiba na.." ang pagtataka ni Julio..

"hay naku..wag na nga natin pag-usapan yan..nakakawalang gana kasi kahit anung gawin ko hindi parin napapansin ng mga magulang ko..mas pabor pa nga sila kay Liza..Ang hindi alam ni tatay ung mga ibinibigay sa kanya ni Liza gaya ng T-shirt at tsokolate eh nagmula sa mga manliligaw niya..Kawawa nga si Jeff kasi sa pagkakaalam ko sinusustentuhan niya si Liza..ang hindi niya alam niloloko lang siya nito.." ani pa ni Sandra.

(pagkatapos ng klase..umuwi na sa bahay si Sandra..dahil isa siyang estudyanteng tinitingala sa kanilang klase kaya siya ay maingat kung gumalaw..Palibhasa'y guro ang kanyang kurso kaya mas konserbatibo siya kaysa sa isa pa niyang kapatid.)

"Hoy!!magluto ka na!...Ako'y aalis..Si Inay wala pa abala siya sa kanyang negosyo..Magkikita kami ng aking si Jeff eh.. ang pabalbal na salita ni Liza kay Sandra.

"Pwede ba magtigil ka! huwag kang umalis..di ka na talaga nahiya sa ibang tao! nakakahiya maging kapatid ang tulad mo!." ang pabulyaw na sagot ni Sandra kay Liza.

(lumapit si Liza kay Sandra.Dahil sa napakapikon nito, sinabunutan niya si Sandra)

"buti nga sa'yo!!palibhasa'y hindi ka paborito ng tatay! inggit ka lang.." dagdag pa ni Liza.

(natahimik, hindi makakibo dahil sa kawalang galang ng nakababatang kapatid sa kanya; tila nag napaisip dahil sa sinabi ni Liza sa kanya)

(lumabas ng bahay; tinawagan si Julio.)

"hello?Julio...hirap na hirap na ang aking kalooban dito..di na talaga kami nagkasundo..Julio anu bang problema sa akin? naging mabuti ako sa kanya simula pagkabata namin...hanggang ngayon akin siyang pinagpapasensyahan..nais ko na talagang bumukod" ang madamdaming paglalahad ni Sandra kay Julio.

(umiiyak....)

"sus parang di ka na nasanay sa maldita mong kapatid..wag mo na siyang pansinin uh...ayoko ng umiiyak ang pinakaespesyal na tao para sakin..di ikaw ang nagkulang sa paalala..ramdam ko ang malasakit mo para kay Liza..Di niya lang talaga nakikita kasi siya'y busog sa pagtatangi ng mga taong nakapalibot sa kanya.." ani ni Julio.

"ewan ko Julio kahit anu yata gawin ko siya parin ang mas pinapaburan eh..nakakadismaya.." 

"MAGKAPATID SA DUGO"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon