1

63 0 0
                                    

       Paano nalang kung isang araw pagising mo,araw na pala ng kasal ng iyong pinakamamahal na bestfreind na matagal mo na PASEKRETONG minamahal?Lahat ng mga gamit na binibigay niya,pinapahalagahan mo ng husto dahil para sayo lahat ng bagay na binibigay niya ay mas importante pa sa buhay mo dahil ang taong yun ay mahal na mahal mo ngunit pasekreto dahil lang torpe ka?

        Ngunit mas paano nalang kung may extrang hero na biglang sumulpot? or should i say my fairy god father? Yeah i know it sounds gay but for me, i thank him kasi binigyan niya ako ng chance para masabi ang totoo kung nararamdaman para sa babaeng mahal ko.                      

  (5 chances)                                   

Part1

[The Wedding]                                        

Heto ako ngayon papunta na sa simbahan, nakasakay sa paborito kung bisekleta dahil araw na ng kasal ng aking pinakamamahal na babae.Yes,you read it right .... kasal lang niya at hindi kasal namin dahil pinagkasundo na siya sa ibang lalake ng kanyang mga magulang dahil malapit ng ma bankrupt yung business nila.Mabuti sana kung saakin pinagkasundo,pero sino nga ba naman ako  eh isang hamak na ordinaryong tao lang naman na nagmamahal sa kanilang unika iha na PASEKRETO.Oo peskreto dahil natatakot akong ma reject ng aking matalik na kaibigan simula pa nung mga bata pa kami.Ayoko namang sabihin sakanya ang totoo kung nararamdaman baka mailang siya saakin o baka  e reject lang niya ako,eto kasi talaga ang problema ko saakin eh,kasi I'm always jumping into conclusions na syang nagpapabawas saakin ng lakas ng loob. ewan ko ba kung bakit napakatorpe kong tao pero ngayon napag disisyonan ko nang magtapat sa kanya sa araw ng KASAL niya , bahala na kung anong kahiya-hiyang mangyayari, ang mahalaga masabi ko sakanya tong nasa puso ko kahit sa huling pagkakataon,BAHALA NA SI BATMAN!!! dahil komting-konti nalang sasabog na ang puso ko kung hindi ko ito masabi sa kanya.                                  

By the way, ako nga pala si "Ethan Niño Tenpo" kung nawewerduhan ka o matatawa sa pangalan ko, bahala ka pero totoo, yan ang pangalan ko walang halong biro.Pero okey lang siguro kung kakaiba ang pangalan ko dahil ang pangalan lang naman ng pinakamaMAHAL na childhood bestfreind ko ay si "Fordeluna Fibian Sinim" HOY!! kung may balak kang pagtawanan ang pangalan niya wag mo nang ituloy talagang magkakamatayan tayo!! pangalan yan ng mahal ko! ........ng pesekreto.Pero parang tinadhana talaga kami sa isa't isa biruin mo tawag nila sa akin ay "Eight" at siya naman ay "Four" at kong iplus mo ang 8 at 4 ang lalabas ay 12+1=13 at alam mo ba kong ano ang ibig sabihin nun? ang ibig sabihin nun ay.......iwan ko hindi ko alam trip ko lang ipagsama masarap sa pakiramdam eh >/////<.((ang ibig sabihin po ng 13 sa kanya ay ang mga litrang"W.E.R.E. M.E.A.N.T. T.O. B.E." o sa tagalog ay "P.A.R.A. S.A. I.S.A.' T. I.S.A. bading talaga to.))                                       

 Ayan kung anu-ano nalang ang pinag iisip ko ayan tuloy lumagpas ako sa simbahan >.< LOL! nagmadali akong bumalik sa nilakaran ko at pumasok na nang simbahan, mabuti nalang at hindi pa nag uumpisa dahil kung nagkataon pagpasok ko nag uumpisa na, paniguradong center of attracion ako! well wala akong paki-alam dahil mamaya ganun din ang mangyayari sa akin after kong mag confess kanya sa harap ng mama niya,bisita niya,sa pari,pati rin sa sacristan!!, at sa maraming tao.Good luck mamaya sa reputation ko at sa mga hiya sa katawan ko, wala na akong mukhang maihaharap pagkatapos nito. sana lang hindi ako sumpungin ng akin sakit na katorpehan mamaya dahil di ko mapapatawad ang sarili ko pagnakasal na siya ng tuloyan sa ibang lalake!                                     "DONG.....♪,DONG.....♪,DONG.....♪,

DONG.....♪,DONG.....♪,DONG.....♪,

DONG......♪,DONG.....♪,DONG.....♪,"                                   

5 chancesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon