Kabanata 2

25 0 0
                                    

[ Flashback ]

Papunta na ako noon sa party na tinugon nila sa akin. Nung palakad na ako sa aisle ng hotel inanunsyo ng mga magulang ko sa karamihan na ako daw bilang unica hija nila ay ipag-iisang dibdib sa anak ng ka business partner nila. Flat na nga tong dibdib ko may-----

Napalaglag panga ako ng maabsorb ng utak ko ang mga pinagsasabi nila sa karamihan. Para na akong timang dito gosh hindi ko pa naman inakala yun. Ang sabi kasi nila sa akin may birthday party daw kaming pupuntahan. Kaya pinilit nila ako na maisiksik sa schedule ang event na to ngayon. Nagprepared pa naman ako ng kanta Happy Birthday ng The Click Five tapos ito lang pala ang dadatnan ko Happy Engagement day!

Tears of joy kuno.

Hindi man lang ako aware na sila na pala ang magdedesisyon ng makakasama ko sa buhay. Napa-face palm na lang ako sa mga ka estupidang pinagsasabi nila.

*clap.clap*

Natapos lang ang party hindi pa din ako umiimik. Ilalaan ko kasi to mamayang paguwi. Gusto na nga sumabog ng kaloob-looban ko sa maganda balita. *insert sarcastic tone*

"Nak bukas makikipagmeet up tayo sa planner ng kasal mo."

Mama ko yan at tinap niya ako sa shoulder matapos niyang sabihin yun. Kung pwede lang sana break up planner ang i-meet natin panigurado ngayon pa lang pupunta na ako.

"Ma busy po ako bukas."

Busy sa kakaplano kung paano mag-impake kung anong damit ang dadalhin, kulay ng panty na susuotin klase ng bra kung push up bra ba o may pading na bra o bra ng pang elementary na lang. Kung may wings ba na napkin o wala? Kung ano na nga lang ang maisip ko final na yan!

Pinatulog ko na muna ang lahat bago ako lumayas sa amin. Mas mabuting magpakalayo sa kanila kesa naman mag-asawa sa taong hindi ko kaano-ano wala nga ligawan na nagaganap kasalan pa kaya? Luh? Ano to pinanganak lang ako para sa business? malaking kasalanan yan sa itaas kung sila na lang kaya ang magpakasal total business lang naman ang inaatpag nila.

Sumakay na ako ng bus pupunta kasi ako........Teka nga saan ba ako pupunta? Tinanong ko ang mamang driver kung saan papunta to sabi niya daw sa Prodigal  Daughter and Son Street. 

[ End ]

At dito na ako nagsimula ng panibagong yugto ng buhay ko at kalbaryong tatahakin ko.

Nadisabled ang credit card ko at walang sino mang gustong tumanggap sa akin sa trabahong pinag-aapplyan ko.

Sa sobrang kalbaryo na ipinaranas nila sa akin dito ako natutong mang-hula ng mga kapalaran ng isang tao kahit na  hindi naman totoo ang pinagsasabi ko pinapaniwalaan pa din nila.

Kung tatanungin mo ko kung naniniwala ba ako sa hula? Hindi po ako naniniwala nasa tao po yan kung marunong siya magsikap at umaalala sa panginoon.

Kahit na labag ito sa batas nagawa ko pa din para lang maka-pera, makakain at matuguan ang lahat ng mga pangangailangan ko.

Naging vocalista nga ako ng isang band sa school pero hindi pa rin sapat ito para mapanatili ko ang aking 50% na scholar.  Hindi lahat ng sikat nananatili sa pagiging sikat. Hindi sa lahat nabibigyan sila ng pagkakataon minsan nalalaos rin kami. Hahaha!

Nag-unat ako ng mga kamay ko at bumangon na din sa aking higaan.

Ginagawa ko na rin ang morning rituals ko at saka umalis na sa Kwarhay ko. Kwarhay? Kasing laki kasi ng isang kwarto ang bahay ko! Katulad siya ng bagpack ni dora at bulsa ni doraemon. Basta kasya ang lahat ng gamit ko!

Hindi na ako nag almusal sayang naman kasi ang pera ko ipinaglaan ko pa naman to sa renta ng kwarhay ko darating daw kasi mamaya si Aling Moray para maningil.

"Good Morning Ms. Kyla"

Binati ako ni Manong guard sa main gate ng school nung papasok na ako.

Nagsmile lang ako sa kanya, iniwasan ko na muna makipag-chickahan sa kanya. Yeah close ko lahat na mga trabahador dito sa school no!

Palakad-lakad na ako sa hallway papuntang Music Room.  Sa bawat room na madadaan ko may bumabati talaga sa akin na mga stupidents hindi ko na lang sila pinansin.

May meeting daw ang lahat na banda para sa gaganapin na pagwewelcome sa mga juniors na band!

Bilang mga seniors nila magpapa-event daw kami. Kamakailan lang natapos ang isang event namin ngayon meron naman.

Matapos ang ilang oras napagdesisyunan ng lahat na sa saturday na daw ang event.

Mauna daw mag perform ang mga juniors after ng performance kaming mga seniors na ang tatapos ng event kaya nagbunutan n kami kung sinong band ang huling magprepreform.

Sa sobrang malas ko nabunot ko ang pinakahuli! Hindi ko talaga gusto maging huli lahat ng pressure nito masasalo ko hindi lang yun pati na rin ang mga expectations ng lahat!

*Ringgggg....Ringggggg*

Tiningnan ko kung sino ang tumawag sa nokia 1100 phone ko. Masyado akong loyal sa luma diba? Ito lang kasi ang mura sa palitan at made in nakaw pa daw ito sabi ng pinagbilhan ko.

Kung ang mga games niyo diyan angry birds, plants vs. zombie sakin naman space impact at snakes.

Si Pocholo Evans lang pala ang tumawag sa akin. Karamay ko to sa trabaho/negosyo na pinagtagumpayan ko.

" Oh pocholo may emergency ba?"

Tanong ko sa kabilang linya.

" Badang may bagong costumer ka dito high class masyado to, mukhang mayaman yata naka tuxedo at may magarang sasakyan at matabang wallet na hawak may pag-asa na tayong yumaman badang kaya bilisan mo diyan bago pa to makawala sa atin! Ang pera hindi pinaghihintay kaya ngayon pa lang mag eroplano ka na!"

*tooooot*

Nanlaki ang mga mata ko sa pinangsasabi ni Pocholo sa kabilang linya. Is this real? Finally tinupad din ni Lord ang mga hiling ko sabi na nga ba pagtagos hanggang puso ka manalangin sa kanya panigurado tiba-tiba na ang isang araw ko.

More fatty wallets to come!

"Pocholo nasan na ang costumer natin?"

I asked him habang inaayos niya  ang bawat section ng mga pirated na dvd.

"Pumasok ka na sa loob."

Tumayo siya at itinulak ako paloob. Muntikan ko ng masubsub ang mukha ko sa semento sa lakas ng pagkatulak niya mabuti na lang at yung costume ko pa nung nakaraan ang gamit ko, ganun pa din dati naka-mask ako at mata lang ang kita.

Ang Rakistang ManghuhulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon