1: Road

6 0 0
                                    

CALVIN's POV

because I'm happy
Clap along if you feel like a room without a roof

Because I'm happy
Clap along if you feel like happiness is the truth

"Hoy Alexander! Lakasan mo pa nga Woo!" Sigaw ko kay Alexander na ngayon ay nagmamaneho ng sasakyan.

"Tol, kung gusto mo mabingi wag mo kaming idamay! Hunghang ka talaga!"

Aba aba. Pano na lang ang mga naggagandahang girls kung mawala ang isang Calvin Smith? Hah! Pogi ko talaga shet.

Kasalukuyan kaming nasa sasakyan pauwi ngayon, syempre nagdridrive nga si Alexander oh. Shet gwapo ko.

Galing kami sa kasiyahan sa kabilang bayan. Medyo malayo layo rin kung tutuusin mga dalawang oras ang byahe. Pota, nakakatakot nga daanan dito eh. Masyadong madilim pero syempre gwapo pa rin ako.

"Mga repa, naiihi na kami ni Mia tara sa malapit na gasoline station!" Ayon narinig kong sumigaw si Tracy.

Kung di ko pa nasasabi sainyo, may dalawa kaming tropa na babae. Si Tracy at Mia. Gago chix 'tong mga 'to. Pero syempre it's better if we're friends ika nga. At tsaka sus asa naman magkagusto ako. Eh mga sisters ko nga yan. Wahahaha tangina. Parang bakla. Kupal ka talaga Calvin. Kupal na pogi.

Huminto naman si Alexander sa pagmamaneho at napansin kong nasa isang gasoline station na kami. Amazing, walang katao tao. Honesty is the best policy siguro ang mga pauso dito. Hahahaha.

"Cairo my bae, tara nga doon sa convenience store nagugutom na ang pogi mong bae kaya't samahan mo ako" Napansin ko kasing kanina pa 'to tahimik si Cairo. Gago laptrip talaga itsura ne'to! Hahahaha!

"Ulol manahimik ka" Ay seryoso si Bae Cairo?

Yan si Cairo, ang pinaka seryoso sa tropa. Kung mapapansin nyo weird yan. Mabait yang si Cairo kaso nga lang masyadong mahilig sa mga mystery. Puta mala papertowns yan eh. Uy, hindi ko alam yon ah! Narinig ko lang sa mga kaklase namin mga babae. Hehe. Syempre pogi ako.

"Sige na Cairo takte sasamahan mo lang ako eh" Oy mga girls, hindi ako duwag ah. Sa pogi kong 'to maduduwag ako? No no.

Tiningnan nya lang ako ng masama. K fine.

"Boks Alexander, come with me" Sabi ko naman kay Alexander na ngayong nag lalagay ng gas sa sasakyan.

"Pre can't you see? May ginagawa ako oh" Kupal talaga sila! No choice makapunta na nga.

Lumaming ang simoy ng hangin habang papunta ako sa store. Tangina bukas ba aircon don? Lakas naman ata.

Pagpasok ko, hindi naman malamig ah? Kenkoy ata lugar na 'to eh. Pota hahaha. Parang si Cairo lang, weird.

Kumuha ako ng mga chips at soft drinks para sa aming lima. Mahirap na magutom pa kami. Mahaba haba pa ang byahe. Nagiwan na lang ako ng 100 pesos sa counter at lumabas.

TRACY's POV

"Mia, bilisan mo umihi! Nakakapagtaka sa lugar na 'to masyadong tahimik di ko gusto" Sabi ko habang nagsasalamin sa maalikabok na salamin dito sa CR.

"Timang ka friend, ang duwag mo haha" Hayop na Mia to! Ako duwag? Minsan lang.

"Che bilisan mo na lang"

"Opo madame!" Kung hindi ko lang 'to mahal iiwanan ko 'to dito sa cr na 'to leche hahaha.

Paglabas ni Mia habang zinizipper ang pants nya. Balasubas. Nagsalamin na muna sya at naghugas ng kamay. Weird, patak lang ang lumalabas pero malakas ang flush. Nagkatinginan kami at alam ko na yan. Duwag rin isang yan eh. Haha.

Nagmadali kaming lumabas at naabutan namin si Cairo na nakatingala sa madilim na langit.

"Wuy Cairo, anong ginagawa mo?" Tanong ni Mia sakanya.

Tumingin ito sa amin at nagsalita, "Umalis na tayo agad" Ha? Weird. Iniwanan nya kami at nagsimulang lumakad patungo kay Alexander. Nakasalubong naman namin si Calvin. Gago talaga 'to.

"Hi mga girls! Foods?" Sabay pogi sign. Kupal.

"Ulol" Sabay naming sabi ni Mia sakanya. Napatawa naman sya at bumalik sa loob ng sasakyan. Pumasok na rin kami ni Mia dahil medyo maginaw at mahamog na. Besides, di naman kami pwede tumambay muna kasi malayo layo pa.

Pumasok na ang lahat at nagsimulang magmaneho ulit si Alex.

Si Alexander, yan ang kuya ng tropa. Napaka mature mag isip at napaka maingat nyan sa amin. Ideal Kuya kumbaga.

"Hoy Alexangay! Magpatugtog ka naman pre!" Rinig kong sigaw ni Calvin.

Si Calvin, monggoloid. Yan lang ang masasabi ko. Self proclaim pogi daw. Pero totoo naman, lapitin kasi ng mga babae.

Narinig ko naman na pinindot ni Cairo ang radyo. At ang kanta? The Final Countdown. Seriously? Bakit naman ganto? I find it weird.

We're living together
But still it's farewell
And maybe we'll come back
To earth, who can tell?
I guess there is no one to blame
We're leaving ground (leavingground)
Will things ever be the same again?

Nakita ko naman napatawa ng bahagya ang tatlong lalaki at mas lalo pang nilakasan ang radyo. Etong si Mia nagkatinginan na lang kami. Mga gago.

"HAHAHAHA pota, pinapatay na agad tayo ng kanta ah?" Tawang tawa na sabi ni Calvin.

"Hoy Calgay, kumain ka na lang dyan! Aning ka!" Sigaw ni Alexander.

Ang saya saya talaga kapag kasama ang tropa. Grabe. Wala ka ng hihilingin pa. Lalo't na nagpapakatotoo kayo sa isa't isa. Ang sarap mabuhay.

It's the final countdown
The final countdown
The final countdown

(Final countdhaiqaja). Ohhh ohh ahsha ohaja
The final countdown.

Nagkatinginan kaming lahat. Oh nawalan ng signal? Naku. Nasaan na ba kami?

"Alex, asan na ba tayo pre?" Tanong ni Cairo.

"Tangina pre! Pinagtritripan mo na ata kami eh! Gago ka hayop bumalik na tayo kupal ka! Dali na pre huhu sayang ang kagwapuhan ko" Angal ni Calvin.

Nagkatinginan muli kami at sabay sabay na..

"HAHAHAHAAHAHAHAHAHAAHHAHAHAHA POTA HAHAHAHAHAHAHAHA AW SHET HAHAHAHAHA ANG SAKET HAHAHAHA TAMA NA HAHAHAHAHAHAHA PAKYU TOL HAHAHA!!!"

Hahahahahaha grabe hindi ko na kinakaya yang si Calvin! Duwag talaga 'to kahit kelan!

"Gago seryoso ako. Hindi na ito ang dinaanan na'tin kanina!" Sabi naman ni Calvin. Oo nga no? Nagkatinginan ulit kami.

Nilabas naman ni Cairo ang cellphone nya at nagsearch ng mapa. Kung minamala ka nga naman, walang signal sa lugar na to. Seriously? Where are we? This is creeping me out. Ang dilim. Tanging orange na poste lang ang nagsisilbing ilaw naming lahat at ang ilaw ng sasakyan.

"Bulok ampota tss" rinig kong bulong ni Calvin habang ngumunguya ng chichiryang kinuha nya kanina.

"Ugok sige try mo nga sa phone mo!" Bulyaw ni Cairo. Pikon amp.

Nilabas naman ni Calvin at kung napaglalaruan nga talaga kami ng tadhana wala rin itong signal at ang malala pa deadbat na ito. Napahagikgik naman ako. Pati na rin si Mia.

"Mas bulok pala yan Calvs!" Sabi ni Mia sakanya. Hahaha.

Tiningnan namin lahat ang mga gadgets namin at kung malas nga ba talaga kami, wala itong signal lahat. Nasaan na ba kami? Hindi ko na gusto ang nangyayari. So creepy.

~

an:

HAHAHAHA dahil mag aaraw na ng mga patay. Awoo! Naisipan kong gumawa ng kabaliwan na kwento. Wala lang nabaliw lang ata ako. Haha. Sige, what do you think guys? Nainspire kasi ako. Nasa probinsya ako ngayon at seryoso ako nakakatakot dito ang mga tao. Ayon, enjoy po!!!! :-)

VOTES AND COMMENTS!

PETRIFIEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon