1

37 0 0
                                    

"Kia magising ka na nga diyan!" kalampag ng kapatid ko sa pintuan ng kwarto ko "Kuya maaga pa!" bulyaw ko naman pabalik, angganda ng simula ng umaga ko ngayon ha! "Anong maaga pa?! Huli ka na! Madami ng tao sa palengke ngayon!" Sigaw naman niya pabalik.

Napakamot nalang ako sa batok at bumangon kahit ayaw ko dahil alam kong hindi ako titigilan ng bakulaw na yan.

Dumiretso ako sa banyo at tinignan muna ang sarili ko sa salamin

"Anglaki na ng pinagbago mo" sabi ko sa sarili ko, napangiti naman ako dahil sa achievement na yun. "Wala na, Yes!" nagtatatalon ako sa banyo dahil sa sobrang saya ko.

"Hoy bunso! Dalian mo diyan! May lakad pa ako!" kalampag nanaman ng kapatid ko sa pintuan ng banyo "Pwede bang mag antay ka! Tumatae ako!" bulyaw ko kay kuya para tigilan niya ang pambubulyaw sa akin.

Oo ganyan ang mga kapatid ko, lagi silang nakasigaw! Para bang may contest palagi ng palakasan ng sigaw dito sa bahay namin. Namana nila yan kay daddy pero yung kay dad natural na malakas na talaga ang boses niya.

Namiss ko tuloy sila bigla...

Pagkatapos kong gawin lahat ng dapat kong gawin naglakad na ako palabas ng bahay nang biglang may nambato ng papel sa batok ko.

"Princess pabili naman ako ng fix ha? Bayaran ko sayo mamaya alabyu!"

"Beybi Gerl! Pabili naman muna ako ng pabango salamat!" Napangiwi nalang ako sa lakas ng boses ng mga kapatid ko.

Ako nga pala si Kia Alvarez ,16 years old. Fourth year highschool sa Geneeva University at sila ang mga kuya ko si Kino, Kian, Kris at Karl puro sila lalaki at ako lang ang nagiisang babae sa bahay namin ngayon maliban siyempre sa yaya namin.

Linggo ngayon at tuwing linggo ako ang inuutusan nilang pumunta sa palengke para bumili ng makakain namin, tuwing ganitong araw kasi nagdeday off ang yaya namin na si manang rosie at umuuwi sa probinsya nila so bilang nag-iisang babae ako ang umaasikaso sa mga kapatid kong bakulaw.

Sumakay ako sa bike na binigay sa akin ni kuya kris noong birthday ko at pumunta na ng palengke.

"Best freeeeeeeeen!" sigaw ni shanneng nang makita niya akong ipinarada ang bike ko sa harapan ng grocery nila "Best freeeeeeeeeen!" sigaw ko naman pabalik sa kanya at nagyakapan kaming dalawa, siya si Shanna Guzman ang bestfriend ko since birth.

"Si tito?" tanong ko sa kanya nang pakawalan niya ako sa yakap niya "Ayun sinundo si mommy sa airport, galing siyang business meeting last week" sagot ni Shanneng, ngayon nalang kasi kami ulit nagkita dahil galing sila ng dad niya sa Cavite para bisitahin yung kapatid niya.

"Kamusta na?"

"Ayo slang, ito dating gawi inuutusan nanaman nila akong bumili ng kung anu ano" natatawa kong kwento at natawa naman siya "Tara na at samahan kita may bibilhin din ako diyan sa palengke!" kinuha niya ang kamay ko at kinaladkad na niya ako palabas ng grocery nila

"Mamita alis na muna ako!" sigaw niya at tuluyan na nga kaming umalis papuntang palenke.

***

"Nabili mo na ba lahat?" tanong ni Shanneng nang mabili namin yung last na nasa listahan na binigay sa akin ni kuya kino "Punta pa ako sa boutique nagpapabili si kuya kian at kuya karl ng fix at pabango" kaya pumunta naman kami dun.

"Ito best fren oh bagong labas itong pabango na ito" turo ni Shanneng sa last na nakadisplay na pabango "Kunin mo na!" nakangiti na sabi niya sa akin, akmang kukunin ko n asana yung pabango na tinuturo ni Shanneng nang may humablot dito.

"Mine first!"

"Hey bastos kami nauna jan ha!" sigaw ni Shanneng dun sa lalaking humablot ng pabango "Shan hayaan mo na" awat ko kay shanneng dahil akmang susuntukin na niya yung lalaki.

"Ako unang nakahawak dito miss" maaccent na sagot nung lalaki sa kanya, tinignan ko siya at tila kumulo bigla ang dugo ko. Gwapo itong lalaking to pero anghangin ng aura niya.

"Pero kami ang naunang nakakita diyan!" bulyaw ni Shann

"Ako naman unang nakahawak" nakangisi na ngayon ang lalaki at tinalikuran na kami para pumunta sa counter para magbayad nang bigla itong kapitan ni Shann "Get off me! Bitch!"

"Wag mo akong mabitch bitch diyan! Asshole!"

"Shut up"

"Give me that!"

"Not so fast little brat!"

Patuloy parin silang nag aagawan sa pabango at patuloy parin ako sa pag aawat sa kanila, jusko naman itong kaibigan ko eh ayaw pa kasing papigil eh. Hinila ko si Shanneng palayo dun sa lalaki at nabitawan niya ang pabango sa kamay nung lalaki at napalaki pare pareho ang mga mata namin nang mabasag ang pabango sa harapan namin.

"Shit"

"Omygad!"

"Shit" bulong ko sa sarili ko, omygad napatakip ako sa bunganga ko nang makita ang pinag aagawan nilang pabango na nabasag sa harapan namin. Umarangkada nanaman ang katangahan ko jusko.

"Ma'am/ Sir kailangan niyo pong pumunta sa management office" awat nung sales lady sa amin, napayuko naman ako sa sarili kong katangahan. Pahamak talaga ako kahit kalian. Kiara Alvarez humanda ka sa mga posibleng mangyari.

"WALA AKONG KASALANAN DITO! PUNYETA! SILANG DALAWA ANG NANGHILA NG PABANGO SA KAMAY KO!" duro nung masungit na lalaki sa amin ni Shanneng.

"IKAW ANG NANGHILA NG PABANGO SA AMIN MISTER!" Sigaw pabalik ni Shanna sa kanya, siguro kung hindi ko hawak ang balikat ni Shanna ngayon nasampal na niya ang lalaki sa harapan namin.

"Ma'am at sir kumalma po muna kayo" Mahinahon na awat nung manager sa kanila "Ayon po kasi dito sa CCTV natin yang kasama niyo po ang humila sa kamay niyo sanhi kung bakit nalaglag ninyo ang pabango" napanganga ako, CCTV? Omygad

"OH EH YANG KASAMA MO PALA ANG MAY KASALANAN EH!" Bulyaw ulit ng lalaki sa amin "YOU'LL PAY FOR THIS!" Duro niya sa akin, naglabas siya ng pera niya ibinagsak sa harapan ng manager at umalis na ng opisinang ito na may masamang tingin sa akin.

"Gago!" sigaw ni Shanna pero para akong nanigas sa kinauupuan ko dahil dun sa tingin at sinabi ng lalaki sa akin...

"YOU'LL PAY FOR THIS!"

"YOU'LL PAY FOR THIS!"

"YOU'LL PAY FOR THIS!"

"YOU'LL PAY FOR THIS!"

"Omygosh"

**

~Hi guys! meet Kia:)


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 25, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Beauty and the BeastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon