XXIX - You and Me
Author's POV
[ VII ]
Anonymous' POV
Ano ba naman yan. Naka-ilang move na si Hyacinth pero ako wala pang nagagawang move. Marami na namang naburang epal yung babaeng yun. Kailangan ko na din gumawa ng move ko para pigilan siya. Pero paano? Hindi ko talaga alam kung paano lalo na't...
...may nararamdaman akong tila pumipigil sakin para gawin ang move ko.
At siya pa lang ang nagparamdam sa akin ng ganito.
[XVIII]
Author's POV
Baka tinatanong niyo kung mahal niya na rin ba? Gusto ko lang liwanagin na, hindi siya capable magmahal.
~~
Hyacinth's POV
Pero.. nagising na lang din ako na wala na si Xander sa tabi ko.
Hinanap ko siya pero wala siya kahit saan.
Tumakbo na ko at patuloy na isinisigaw ang pangalan niya. Hanggang sa nagulat ako sa isang taong biglang humawak sa wrist ko. Hay. Eto na siya. Pero bakit parang… iba ang aura ni Xander ngayon? Parang kahapon lang ang saya namin ah? Bakit parang galit ang itsura niya ngayon?
“Wala kang karapatan magmanipula ng buhay ng iba, Hyacinth.” Wika niya.
Then, biglang nagblack-out ang paningin ko.
Xander's POV
"Hyacinth?" tinatapik tapik ko na siya para magising. Bigla na lang din kasi siyang nagsisisigaw kanina. "Hya. Hya. Gumising ka."
"Bakit?!" wika niya at saka siya napabangon.
"X-xander?" patuloy niya at saka niya ko niyakap.
"Ano bang napanaginipan mo?"
Hyacinth's POV
"Ano bang napanaginipan mo?" wika ni Xander. Grabe. Buti na lang panaginip lang pala ang lahat. Hay. At.. si Xander ang nasa loob ng panaginip ko.
“Wala kang karapatan magmanipula ng buhay ng iba, Hyacinth.”
Ano kayang ibig sabihin ng panaginip kong 'yon?
"Hya? Sabi ko, ano'ng napanaginipan mo?" wika niya ulit.
"Ha? Ah, ano.. ano ba yan! Nakalimutan ko na, pero ang alam ko masama.. nakakatakot yung panaginip ko." I lied. Hindi ko pwedeng sabihin kay Xander kung ano ba talaga yung napanaginipan ko dahil kaakibat nun, malalaman niya yung ginagawa ko. Yung pagmamanipula ko ng mga tao.
BINABASA MO ANG
MOVING CLOSER by Eunice
RomantikThis story is written by Eunice Laurito with the help of Hyacinth Manesca in cooperation with LOVE OUR BLOG POST :D She's no ordinary. She loves manipulating people's lives until she met this guy who have turned her world upside down and also the gu...