A/N: Sorry kung nauna yung chapters, pero nung binasa ko siya feel ko kulang so eto na po! enjoy.
Third Person's POV
Putok ng mga baril. Yan lang ang tanging maririnig mo sa mansyon nang bigla silang salakayin ng mga miyembro ng hindi pa nila nakikilalang mafia gang. Hindi nakapag handa ang kanilang pamilya at kasama, sa paglusob dahil sa pagdiriwang nila sa pagsilang ng kanilang prinsesa na ngayon ay nagdiriwang ng kanyang ika-unang taong gulang. At hindi naisip nang kanyang mga pamilya at bisita na mangyayari ito kung saan nagumpisa ang kanilang pagdiriwang sa kasiyahan at tawanan...
Bukas palad at natural na matulungin at peace keeper, si Anthony kung saan hindi mo aakalain na isa itong mafia boss at dahil rito ay marami ang dumalo sa unang kaarawan ng kanyang nag-iisang anak na itinuturing niyang kanyang prinsesa, ito narin ay marahil inakala nila ng kanyang asawa na hindi na sila mabibiyayaan ng supling.
Aba kumpadre! ang ganda naman ng unika-iha mo. Bati ng kanyang matalik na kaibigan na si Marco, kasama ang kanyang asawang nagdadalang tao sa kanilang ikalawang anak na sa pagkakaalam niya ay isa ring babae at ang anak nilang lalaki na tatlong gulang na ngayon ay mukhang bighaning-bighani sa kanyang nag-iisang anak.
Salamat kumpadre, isa itong malaking biyaya lalo na't medyo naging maselan ang taong ito para sa kanya. At iyon ang totoo sapagkat simula nang ipanganak ang kanyang unika iha ng dalawang buwang premature ay naging sakitin ito at hindi ito masyadong ipinapakita sa tao sapagkat lagi itong sakitin kaya't nang maging stable ang kalagayan nito na sumakto sa buwan ng kanyang kaarawan ay sinulit nila ito a naghanda ng magarang handaan para sa kanya. ... at aba tignan mo nga naman mukhang nagkakamabutihan ang ating mga supling. dag-dag niya pa sa kanyang kaibigan na tumingin naman sa kanyang anak na lalaki na tila mo'y pinoprotektahan ang maliit na prinsesa at pinapatahan sa pag-iyak sa pamamagitan ng pakikipag- usap nito sa kanya.
Aba! tignan mo nga naman Toni, at baka magkatuluyan pa ang ating mga anak sa hinaharap. sabi naman ni Nicole na siyang asawa ni Marco na matalik na kaibigan nilang dalawa ng kanyang asawa na si Mara.
Hindi! hindi ko hahayaang mangyari iyon... sabi niya ng buong tapang ng bigla siyang batukan ng kanyang asawa habang tumatawa at sumama naman ang kanyang mga kaibigan kaya't nakasimangot itong humarap sa kanyang asawa.
Ano ba Mara! ang sakit nun ah... pagbubuwisit niya sa kanya, ito ang mga panahong hindi mo maiisip na itong mga taong ito ay mabangis at kayang pumatay sa isang iglap.
Ano ba kasing pinagsasabi mo diyan Toni, alam mo namang kahit anong gawin mo ay lalaki at lalaki ang ating unika-iha at balang araw ay mawawala rin siya sa puder natin at aalagaan ng kanyang magiging asawa at sino pang mas bubuting asawa kundi ang anak ng ating matalik na kaibigan na kaya siyang alagaan at protektahan. pagpupunto ng kanyang asawa sa kanya. At hindi katulad ng dati na makukumbinsi siya ng kanyang asawa at kaibigang si Nicole gamit ang kanilang matatalinghagang salita ay hindi ito nagpatinag sapagkat ayaw niyang lumaki ang kanyang unika iha at mawala sa piling niya.
Hindi parin ako pumapayag dahil akin lang siya, akin lan--- Hindi na niya natuloy ang kanya pang sasabihin niya ng biglang nagsalita ang anak ni Marco habang yakap yakap ang kanyang anak na ngayon ay nakngiti at hinihila ang buhok ng anak ni Marco.
No! She's mine! Akin siya! na siya namang ikinagulat ng dalawang magkumpare habang ang kanilang mga asawa ay akalain mong mga estudyante sa kakatili.
Oh really? tanong niya sa bata nang pabirong pagbabanta kung saan tumango naman ito nang walang pagalinlangan kaya't napangiti ito sa bata. Nakita naman nitong gustong sumama sa kanya ng kayang prinsesa at hindi naman niya ito binigo nang kunin niya ito, pero sa umpisa ay mukahng nanghihinayang pang ibalik ng bata ang kanyan prinsesa ngunit nang makita ang mga luhang nangingilid sa kanyang mata ay ibinigay niya ito sa kanya ngunit matapos lamang niya itong halikan sa noo at hinayaan niyang kunin niya ito mula sa kanya bago ito tumakbo papunta sa kanyang mga magulang.
BINABASA MO ANG
Mafia Boss' Wife
RomanceHappy on the outside but sad on the inside, yan ang sabi nila which is ang life motto ni Alisson Santiago. Pero sa kaso niya ay hindi lang lungkot ang nasa saloobin niya kundi sakit sa pagpapasakit sa kanya, at pangungulila sa kanyang mga magulang...