DT C23 - Mister Ulan

239 4 0
                                    

FIONA's POV

Simula ng maging kami ni Stanley ay medyo ginanahan ako mag-aral ng mabuti. Inspired kasi eh! Sabi niya kasi gusto na raw niya ako ipakilala sa magulang niya. At syempre, gusto ko namang ipagmalaki rin nila ako. Nakakahiya naman kasi kung ipapakilala niya ay isang babae na tamad mag-aral at walang ibang ginawa kundi ang kumain at mangulangot.

And yes, ang bilis na ng panahon. Three months na kami ni Stanley. Si mama naman lagi pa ring napagkakamalang si Seth bilang Stanley. Pero naging magfriends sila dahil sa sitwasyon na iyon. Ikaw ba naman lagi ayain lumabas, di ba kayo mqgiging friends?! Bilib nga ako kay mama kasi ang bilis niyang magawang makasama si Seth, eh ako dati, puro tingin at pangarap lang.

5 pm na ngayon at pauwi palang ako. Maaga kasi ang dismissal ni Stanley kaya pinauwi ko na. Nalaman ko kasi na minsan ay 4 hours nalang ang sleep niya kasi lagi niya ako hinihintay at hinahatid pauwi. Naawa na ako sakanya kasi dahil sakin hindi na niya masyadong naaalagaan sarili niya. Saka may big presentation sila bukas kaya kailangan niyang magpahinga para doon. He even insisted nga eh na okay lang daw kaso sinabi ko sakanya na ako ang hindi makakatulog kapag iniisip ko siyang di maayos. At dahil ako ang boss saming dalawa ay wala na siyang nagawa.

Nang makalabas ako ng gate ng school ay biglang bumuhos ang malakas na ulan. Agad kong kinalkal ang bag ko pero hindi pala ako nagdadala ng payong. Hehe ^__^V

Nasa kabilang daan pa naman ang sakayan ko. Kunot noo at nakasimangot kong tinignan ang langit.

"Wrong timing ka naman oh! Hinintay mo naman sana na makasakay ako!" pagrereklamo ko. Idinabog dabog ko ang paa ko.

Ipinikit ko ang mata ko saka ako kumanta "Rain rain go away. Come again another day. Fiona wants to go home na ey." paulit ulit ko itong kinakanta ng mahina. Ito nalang ang paraan na alam ko eh. Idinilat ko ang mata ko at dismayado ako ng makita ko na umuulan padin. At lumakas pa atah! Insulto tong weather ah!

Maya maya ay may tumabi sakin na lalaki. Hindi ko agad nakita kung sino siya pero ang una kong napansin ay ang librong hawak niya. OMG!! Yung nakakadugong libro >.<

"Jeremy Fink and the Meaning of life." 

Yan yung title nung libro. Yung pinabasa sakin ni candy nung highschool! Napatingin ako sa may hawak nun at laking gulat ko ng malaman kong si Seth pala iyon. Maya maya ay napatingin rin siya sakin. Nakatingin lang ako sakanya.

"Hanggang ngayon ba binabasa mo parin yan?" nagtatakang tanong ko sakanya saka itinuro ang librong hawak hawak niya. Agad naman niyang itinago ito at napansin ko rin na namula siya. Baka naman nahihiya siyang aminin na di rin siya marunong masyado sa english. Hehe~ Okay lang naman yun! Parehas lang kami!

"Ah, tapos ko na siyang basahin kaso ang sarap ulit ulitin kasi ang ganda." sagot niya sakin sabay kamot sa ulo niya.

"Pauwi ka na ba?" napakagentle na tanong niya sakin.

" Oo sana kaso si mister ulan naman ay umeksena. Alam mo yung happily ever after na sana tapos may umeksena pa?! Yan ang ginawa ni mister ulan sakin! Dyan lang naman sa may kabilang daan ang kailangan kong puntahan para makasakay eh kaso hindi pa ako pinayagan ni mister ulan. Hmp." pagrereklamo kong sagot sakanya.

Bigla akong nagulat ng may bumukas na blue umbrella sa tabi ko. Nang tignan ko si Seth ay nakaaalis na ang leather jacket niya at naka t-shirt nalang siya. Ipinatong niya sakin ang long sleeve niya.

"Halika na. Baka gabihin ka pa." saad niya saka ako pinayungan papunta sa kabilang daan. Hawak hawak niya ang balikat ko habang patawid at p-prang ito nanaman yung kakaiba kong feeling tulad dati. Akala ko ba nakaget over na ako sakanya? Bakit ako nagkakaganito ulit?

Nang makasakay na ako ay ibinalik ko na ang leather jacket at payong niya kaso ayaw niya kunin ang payong niya.

"Kailangan mo yan kasi baka mabasa ka pagbaba mo ng taxi at magkakasakit ka pa.  Mag-aalala pa ako." saad niya saka isinara ang pinto ng taxi. Nginitian niya ako saka nagwave ng babye. At doon ay nakita ko siyang tumatakbo sa ulan habang nakapatong lamang sa ulo niya ang leather jacket.

Double Trouble (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon