Chapter One

33 0 1
                                    

"Raven!"

"Raven!"

"Mr. Guevara!"

Nagulat ako sa sigaw. Pagmulat ko, nakatingin sakin lahat ng kaklase ko. Pati na si Sir Bernardo na prof. namin sa statitics. Shit! Nakatulog pala ako.

"Mr. Guevara, wala ka na bang re- " biglang nagring ang alarm at ibig sabihin ay dismiss na. Hindi na natapos ni Sir ang sermon niya sakin. Haha.

"Ok class, dismiss" paalam ng prof. Hindi ko na inantay na lumabas pa lahat ng mga kaklase ko gaya ng dati kong ginagawa, kaya nakipagunahan na ako sa pinto at umaasang hindi ako mapansin ng prof dahil alam kong mananalo na naman ako ng ticket. Ticket trip to principals office. Ayun na,nakikita ko na ang pinto, tatlong hakbang na lang at kakaripas na ako ng takbo. Isa, dalawa, tat-

"Mr. Guevara." si Sir Bernardo

Shit! Last seconds na lang eh. Badtrip, di bale sanay na ako. Dahan dahan akong limingon.

"Sir?" Tanong ko.

"See you on my office. Hindi pa tayo tapos." Sabi niya sa sabay labas ng pinto. Wala na akong magawa kaya sinundan ko na lang siya sa office.

Fifteen minutes na lang next subject ko na. Hindi na ako makakakain, ang tagal kase nung sermon sakin ni Sir. Puno na ung canteen kaya sa labas na lang ako tatambay dun sa gilid ng lagoon.

Maganda sana yung lagoon. Parang park na nasa loob ng campus na napapalibutan ng cement walls. Gaya nung sa intramuros pero semento at hindi stones. Madaming puno sa paligid at benches na pwedeng pagtambayan ng mga estudyante. Pwede ka din maupo sa gilid na lagoon kung saan pwede mong matanaw ung mga isdang naglalanguyan sa pond- kasama ang mga basura. Tama, mga basura. Nahiga ako sa isang bench sa gilid ng pond. Tanaw ko ung mga ibon na nakapatong sa mga sanga ng kahoy na nasa itaas ko. Naisip ko yung panaginip ko kanina. Yung babae. Nakakatakot. Pinikit ko ang mga mata ko.

"Hey mr. Detention" si Bea. Classmate ko sa mga major subjects. Siya lang ata ang kumakausap sakin dito sa campus, syempre maliban sa mga professors at councelors kapag nadedetention ako.

Umupo siya malapit sa may uluhan ko. Ngumiti lang ako.

"Bilis talaga ng balita." Bumangon ako at humarap sa kanya. "Pano mo nalaman?" Tanong ko.

"Galing ako sa faculty kanina, nagpasa ng requirements para maging student assistant. Tapos narinig ko si Sir Bernando na nagkkwento sa mga co-teacher tungkol sayo" sagot niya habang nagbubuklat ng libro na hindi ko alam yung title.

Tumango lang ako. Naisip ko na naman ung panaginip ko. Sasbihin ko kaya sa kanya? Pero baka pagtawanan niya lang ako.

"Uhm.. Bea?" Ako.

"Bakit?" Sagot niya pero hindi pa din inalis ung mata niya sa libro.

"Nanaginip ka na ba?" Bahala na. Sasabihin ko na lang para mabawasan tong mga iniisip ko.

"Oo naman" nakatingin na siya sakin. "Lahat naman ata siguro ng tao ay nananaginip."

"Hindi, ibig kong sabihin. Ung mga weird na bagay. Weird na panaginip."

"Aah.. hindi mo kse nilinaw ung tanong mo eh." Sinara na niya ung libro at itinago sa bag. At umayos ng pagkakaupo paharap sakin.

"Oo, nananaginip ako ng mga weird na pangyayari." Sabi niya.

"Talaga? Gaya ng?" Hindi lang pala ako ang nakakaranas ng gnun. Akala ko abnormal na ako.

"Hmm.." nag-isip siya saglit. "Gaya nung isang gabi, nanaginip ako, hinahabol daw ako ni Daniel Padilla sa beach. Tapos nung naabutan niya ako bigla niya kong Dinawn Zulueta tpos nung nasa ere na ko, bigla ba naman ako binitawan. Nakkainis." Kwento niya.

Pinilit kong hindi matawa sa kwento niya pero hindi ko mapigilan kaya napangiti ako. Tapos ngumiti din siya. Lumabas tuloy ung dimples niya sa magkabilang pisngi. Ang cute niya tingnan.

"Yun na un? Weird na un sayo?" Pang-asar ko, bka ksi mahalata niyang mtagal akong nakatitig sa kanya.

"Oo. Weird kaya un. Eh ano ba ung sayo?"

Ikkwento ko ba? Nagdadalwang isip na ako. Baka pagtawanan niya ung pagiging paranoid ko. Iba naman ksi pagkakaintindi niya sa weird e.

"Oy ano na?" Si Bea ulit.

Sige na nga ikkwento ko na.

"Ganito kas-"

"Bea!" Si Adam

Shit! May asungot. Badtrip. Sumingit pa tong si Adam, classmate namin siya ni Bea sa parahong mga subjects kaya naging kaibigan na din namin. Ay kaibigan lang pala ni Bea. Hindi naman kase niya ako masyadong kinakausap pag nagkakasalubong kami, madalas tanguan lang. Tsaka alam kong si Bea lang ang gusto niyang kausap. Obvious naman eh may gusto siya kay Bea.

"Kanina ka pa dito?" Tanong ng asungot kay Bea.

Umupo si Adam sa tabi ni Bea patalikod sakin. Naku.. sarap batukan, hinarangan ang view. Hirap tuloy si Bea na tumingin banda saken ksi nakaharang siya.

"Ah.. oo, kanina pa kami dito ni Raven." Sagot ni Bea sabay tingin sakin.

Napahiya ata si Adam dahil dun kaya, nilingon niya ako.

"Oy pre. Kumusta?" Adam.

"Ayos lang." Pinilit kong ngumiti kahit plastik at saktong tumunog ung alarm para sa next subject. Time to go.

"Sige may klase pa ako. Una na ako sa inyo." Paalam ko.

"Teka Rae, sabay na ako sayo. Bye Adam."

"Bye".

Kawawang Adam, naiwan magisa. Kinikilig ako, sakin sumabay si Bea. Naglalakad na kami palabas sa gate ng lagoon ng makita ko ung isang babae na nakaupo sa bench sa may bandang kanan ko. Hindi ko makita ang mukha niya dahil nakayuko siya at nakatakip ang buhok sa mukha niya. Pero pamilyar ung buhok niya un. Parang nakita ko na pero hindi ko matandaan.

Tinapik ako ni Bea sa likod.

"Hoy. Bat ka huminto?" Tanong niya.

"Ha? Wala. Tara na." Nagpatuloy na kami sa paglalakad. Pero hindi parin ako mapakali dun sa babae. Nilingon ko siya ulit. Hindi na siya nakayuko, at nahawi na ang buhok sa mukha niya. Nakatingin siya sakin at biglang ngumiti.

Siya yun. Siya yung babae sa panaginip ko. Yung kamukha ko.

OppositesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon