Wattpad Error

3.7K 150 178
                                    

                Madami sa atin ang hindi na nagla-log out ng Wattpad account sa mga computers natin. Ako nga naka-bookmark pa yung mismong profile ko. Hindi ko alam kung paano, basta isang araw na lang may weird at nakaka-shock na nangyari sa akin.

                Wednesday ng tanghali. Tahimik ang buong paligid at nakakayamot ang sobrang init. Masama pa ang pakiramdam ko nito at nagbabantay pa ako ng sari-sari store namin. Pero umupo pa rin ako sa tapat ng computer dahil wala akong magawa. Hindi ako mahilig manuod ng TV, yung tatay ko naman natutulog sa sofa at si Ate pati yung baby niya ay nasa kwarto.

                Mag-a-update talaga dapat ako ng Troublemakers (sumesegway) kaso wala pa akong maisip kaya pumunta na lang ako sa profile ko. Take note: naka-bookmark ang profile ko at hindi ko pa ito nila-log out. Since wala naman bagong message sa board ko ay nagpunta akong home. Napaisip pa nga ako sa mga suggested stories sa akin dun sa taas na parte ng home kasi naman puro mahahalay yung pictures. Parang lahat rated SPG. Eh hindi naman ako fan ng ganoong mga stories.

                Nag-scroll down ako at mga dating users pa rin yung nakikita ko kaya nag-scroll up naman ako for new notifications. Doon ko napansin na may isang user na nag-send ng message sa lahat ng followers niya. Ok lang naman sana eh, ang kaso hindi ko maalala na naka-follow ako sa user na iyon. Forty-two lang ang fina-follow ko so imposibleng hindi ko matandaan.

                I clicked her profile. Tinignan ko ang stories niya pero wala, di ko talaga matandaan na pina-follow ko siya. Heck, her stories are not even familiar. So I decided na bumalik sa profile ko at i-check lahat ng taong pina-follow ko.

                This is where the weird thing starts. Pag-click ko sa profile ko, ibang profile ang napuntahan ko. As in iba talaga. At pag-check ko dun sa name ko sa upper bar (yung sa gilid ng community) iba na din ang name ko. Dito na ako nanlamig at kinilabutan. The name says Beautiful_Disaster16. Isa lang ang follower, walang stories, hindi nagko-comment pero bumuboto sa stories. Hindi din niya sinasagot ang mga messages sa MB niya. Ilang buwan na din yata siyang hindi active at mas nauna siyang naging member ng Wattpad kesa sa akin.

                Sinubukan kong i-edit yung 'about me' niya. Turns out that I gained full access to his/her profile. Hindi ko na kinalkal yung iba pang bagay sa account niya at nag-log out na ako. Tapos binuksan ko na ulit yung account ko at hinanap ko yung profile ni Beautiful_Disaster16. Meron talagang ganoong profile. Hindi ko na napigilan at ikinuwento ko na ito sa ate ko bago ko pa i-type.

                Siguro dahil nagloloko ang Wattpad kaya nangyari ito. Nakakabahala lang na pwede pala yun? Pwede palang biglaang magkaroon ng access sa profile ng ibang tao nang biglaan na lang. Pero yung totoo? Late ko na yan naisip eh. Kasi talagang kinabahan at kinilabutan ako. Pati ba naman kasi username nung tao nakakatakot.

                Siguro dahil nanood ako ng Coming Soon kahapon kaya praning ako. O pwede ring dahil may mga konting experiences na din ako tungkol sa mga paranormal stuff kaya talagang kinabahan ako. Malakas ang kumpiyansa kong technical error lang ito ng Wattpad. Dahil kung hindi? Hindi ko na alam ang explanation dito.

                So paano, Wattpad pa po?

Wattpad ErrorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon