(i dedicate this to my pretty achiii loves ko yaaan :) read nyo stories nya!! madanda pramiss)
Third Person POV
Mayroong isang binata na nais pakasalan ang kanyang Girlfriend, matagal na nilang planong magpakasal ngunit ang binata'y kapos sa pera. .
"Mine, anong klaseng kasal ang gusto mo pag nagkataon? Anong iniisip mong future para sa atin?" Sabi ng binata
"Hmm gusto ko kahit simple lang. . Syempre sa simbahan ko gustong maikasal pero basta ikaw ang ikakasal sa akin." Sabi ng kanyang girlfriend
Napangiti lang ang binata. . Dahil siya'y kapos sa pera naging malungkot ang kanyang mukha . . Dahil din sa nawalan siya ng trabaho.
Habang naglalakad sila napadaan sila sa isang bundok meroong nakalibing doon.
Napaisip ang binata
*Flashback*
"Iho, Jason apo alam mo ba kahit wala na tayong makain hindi ko pa rin ibebenta itong singsing na bigay ng iyong lolo hinding hindi ko to ipagpapalit kahit na ilang milyon ang halaga nito" sabi ng kanyang lola
makalipas ang ilang araw pagod na pagod na sila maglakad at uhaw na uhaw
"A-apo mukhang h-hindi ko na kaya ito na ata ang katapusan ko" huling sabi ng kanyang lola
Iyak ng iyak ang binata at dahil wala naman silang pera inilibing niya nalang ang kanyang lola sa may bundok kung saan sila huminto
-end of flashback-
Napangiti ang binata sa kanyang naalala
Ang problema eh kung saan niya to hahanapin at kung nandoon pa nga
Hinatid niya na ang kanyang girlfriend
"Mine, papakasalan kita pangako yan. Mahal na mahal kita bukneng"
Sabi niya sa dalaga at niyakap niya ito
"Mahal na mahal din kita jason salamat" sabi ni Bukneng
Ng makaalis na siya agad siyang tumakbo kung saan naroon ang kanyang lola
"Sa wakas!" Sigaw ng binata
nakita niya ito at kanyang hinukay
Hukay hukay hukay
nakita niya ang singsing hinugot niya iyon
Dahil sa matagal na ito hindi niya iyon mahugot
*thunder*
~wooooossssshh~
Umuulan na ng malakas
Wala na siyang ibang choice kundi ang putulin ito
Kinabukasan agad niyang nilinis ang singsing
"Mukhang mamahalin nga ito" sabi ng binata sa kanyang sarili
Naglibot libot siya at ipinagbili niya ang singsing
Nagulat siya, nung ibinenta niya ito
Iyon ay nagkakahalaga ng 30milyon! Natuwa ang binata
Sa kabila naman ay meroong pagsisisi dahil kung matagal na niya sana tong naisip eh sana'y matagal na siyang mayaman. .
Bumili siya ng singsing na nagkakahalaga ng limang libo lamang
Kahit kailan ay may pagkakuripot ang binata
(Ewww ang cheap hahaha K singit lang si author)
Ng matapos niya na ang lahat ng kailangan niya, syempre nakabili narin siya ng kanilang bahay. . Agad niyang pinuntahan ang kanyang girlfriend at inayang makipagdate sa fastfood lamang
Ng kumakain na sila binigay niya ang icecream
"Ubusin mo yan mine may sorpresa jan" sabi ni jason
Agad agad inubos ng dalaga ang icecream
*choke* *cough*
"M-mine ano yun parang may m-mani" nauubong sabi ng girlfriend niya
"Hala mine singsing un!!!" Nagpapanic na sabi ng binata
pinilit niyang pasukahin ang girlfriend
Aba'y sineswerte nakuha ang singsing. .
At
"Mine, Bukneng Tralalu Churvaga, Will you be my wife?" Nakaluhod na sabi ni jason
"Jason Gori Reaeclavu , YES!" Sigaw ng dalaga at niyakap ang kanyang boyfriend
Nagpakasal sila at nabuhay ng masaya . .
Ilang linggo ang lumipas
Isang maulan na gabi ay si jason lamang ang nasa kanilang tahanan dahil nagtrabaho ang kanyang asawa
*tok tok tok*
Binuksan ng binata ang pintuan
Isang matandang nakasuot ng itim at nakatakip ng kaunti ang mukha ang bumugad sa kanya halatang ito ay uhaw na uhaw
"I-iho maari ba akong maki inom ng tubig?" Sabi sa kanya ng matandang babae
Dahil sa may pagkamabait naman tong binata ay agad niyang pinapasok ang matanda at binigyan ng maligamgam na tubig
Nagtaka ang binata dahil sa pag abot niya ng tubig rito ay napansin niyang walang isang daliri ang matanda
Hindi napakali ang binata kaya tinanong niya na ang matanda "ah lola bakit po putol yung daliri niyo? Sinong pumutol?"
Humarap sa kanya ang isang katakot takot na matanda at nanlilisik ang mata at sumigaw ng
"IKAW!"
-the end-
AN: thanks sa pagbabasa haha gusto nga pala sana na ending ng bespren ko ay kakainin daw ng matanda si bukneng at jason hahahahahah thanks pala sa nahiraman ko ng pangalan. . So yun
Vote Comment Enjoy :)
XOXO. SamJade Hime :)
BINABASA MO ANG
Ang Singsing ni Lola (OneShot)
HumorHahaha so yun trip ko lang naman itong kwentong to ay galing sa mapaglaro kong isip dahil sa wala akong magawa sana ay inyong magustohan :)