Mika's POV
.
.
.
.
" ano ba naman yan Mikoy hindi ka ba titigil kakaayos ng buhok mo, naiinip na kami sa ginagawa mo. Ano oras na oh bka naman gusto mo magmadali dahil nakakahiya sa pupuntahan natin na masyado ng gabi mangangatok pa tayo " nangingiting reklamo ni Ara.
" At idadamay mo pa talaga kami sa kalokohan mo ha " dagdag na reklamo pa ni Kim
Nang sa tingin ko okay na ako humarap na ako sa barkada ko at idinaan na lang sa ngite ang mga reklamo nila. " sorry na guys kinakabahan lang talaga ako, ibang iba to sa ginawa ko dati eh. Kay Den noon madali lang para saken kase family friend natin sila. Eh ngayon hindi ko talaga sila kilala "
Nagkakaganito kase ako ngayon dahil pupuntahan ko ang parents ni Jessey para magpakilala sa kanila ng lingid sa kaalaman ni Jessey. Gusto ko ipaalam ang intensyon ko sa anak nila ganun din ang relasyon namin lalo pa at magkasama na kami sa iisang bahay. Gusto ko maging maayos ang pagsasama namin ng walang pinoproblema. Pero ang tanong pagkatapos ba ng gagawin ko walang magiging problema? Sobra talaga akong kinakabahan baka hindi nila ako tanggapin para sa anak nila. Kaya nga eto oh humuhugot ako ng lakas sa mga kaibigan ko. Kung ano narin ang mga sinabing positive nina mommy at daddy para mawala ang kaba ko pero heto parin ako pakiramdam ko namumutla na ako sa kaba. Nandito palang ako sa bahay ko eh ano pa kaya kung nasa harap na ako ng bahay nina Jessey.
" pare sa hitsura mo ngayon ewan ko na lang kung sino pa ang hindi tatanggap sayo. Nagawa mo ipaputol ang mala f4 mong buhok na mula pa ata nung college tayo hindi na nabago ang hairstyle mo" humahangang sabi ni Ara. At hindi pa nakuntento sabay pa sila tumayo sa kinauupuan nila at tiningnan nila ako mula ulo hanggang paa.
At sabay pa nilang sinigaw saken " ANG GWAPO MO BRO. Hahahaha "
" mga loko talaga kayo. Hahaha "
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.This is it nandito na kami sa harap ng bahay nina Jessey. Itinaon ko talaga itong gagawin ko ng wala sya. Buti na lang nag out of town sila para sa isang project. Haist pakiramdam ko naninigas na ang mga binte ko at ayaw kumilis ng mga ito. Naramdaman ko na lang ang pagdampi ng mga kamay ni Kim at Ara sa balikat ko na nagpalingon saken paharap sa kanila.
" Wag kang mag-alala bro nandito lang kami para suportahan ka. Kaya mo yan. Anuman ang mangyari andito lang kami. " pagpapalakas ng loob ni Kim saken. Napangite naman ako sa sinabi nya.
Palabas na ako ng kotse ng humabol pa ng salita saken si Ara. " wag ka ring mag-alala kung sakaling habulin ka ng baril ng daddy nya nakahanda na kami para maitakas ka..hahahha " natawa naman ako sa sinabi nya at dahil dun medyo naibsan ang kaba ko.
Hoooo...hinga ko ng malalim. Anditi na ako sa harap ng gate hawak ng mabuti ang flowers para sa mommy nya. Nangangatal kong pinindot ang doorbell nila. Tatlong beses kong pinindot ito, tiningnan ko ang oras sa wrist watch na suot ko at sa tingin ko naman tama lang ang 7pm para sa gagawin ko. At ng mga ilang sandali narinig ko na ang unti unting pagbukas ng maliit na daan ng gate nila. Isang nasa mid 30's na babae ang sumalubong saken ba sa tingin ko ay isa sa mga katulong base narin sa uniform na suot nya. Tiningnan nya ako ng mabuti wari bang kinikilala nya ako. Kaya naman inagaw ko na ang attention nya.
" Magandang gabi po. Mika Reyes po. " pagpapakilala ko sa kanya. " andyan po ba sina Mr. and Mrs. Reyes? "
" Magandang gabi rin naman. Oo andito sila katatapos lang nilang maghapunan. Sandali lang sasabihin ko sa kanila na may bisita sila. Maiwan muna kita dito sa labas ha. "
" Sige po. Salamat " muli nyang sinara ang gate at muling pumasok sa loob. Wala pang limang minuto muling nagbukas ang gate at lumabas ang kausap kong babae kanina.
" Halika pasok ka sunod ka na lang saken" sumunod lang ako sa kanya at dinala nya ako sala nila. Nakaupo ang Mommy at Daddy nya at ng makita nila ako tumayo sila.
" Magandang gabi po, yumukod ako bilang paggalang sa kanila.
Nakikita ko sa mga mata nila ang pagtataka at parang kinikilala nila ako.
" Maupo ka Mika " maawtoridad na utos saken ng Daddy ni Jessey.
Bigla naman nagsalita ang Mommy ni Jessey kaya napalingon akobsa kanya. " Mika Reyes, right? Ano ang sadya mo samen at napabisita ka, pasensya ka na ha pero hindi ka namin nakikilala ng asawa ko. " malumanay na sabi nya. Napahigpit tuloy ang pagkakahawak ko sa dala kong bulaklak. Na bigla ko naman naalala.
Ngumite ako at tumayo at iniabot ang dala kong mga bulaklak " para po pala sa inyo Ma'am " muli akong naupo at nag-ipon ng lakas ng loob bago ako nagsalita.
" Sir Ma'am andito po ako para sa anak nyong si Jessey, alam ko po hindi nyo po ako kilala kaya po andito po ako para magpakilala. Alam ko pong masyado po akong matapang para humarap sa inyo pero Sir Ma'am mahal ko po ang anak nyo. " nakita ko ang paregistro ng pagkagulat sa mga mukha nila lalo na sa Daddy nya. Bigla tuloy akong natakot.
" Hindi ko alam kung nanliligaw ka o baka girlfriend na ng anak ko. Pero tama ka masyado kang matapang para harapin kami ng wala dito ang anak namin. " seryoso nyang sabi saken. Hindi ko naman naramdaman na galit sila pero poker face lang hitsura nila kaya mas natatakot ako.
" Ahm girlfriend ko na po ang anak nyo, sa katunayan po wala pong alam si Jessey sa pagpunta ko dito. At naglakas lang po ako ng loob para hingin ang permiso nyo sa relasyon namin. At nandito din po ako para ipaalam sa inyo na nagsasama na po kami sa iisang bubong, alam ko pong mabilis pero ako po ang may kagustuhan nito dahil natatakot po ako sa kaligtasan nya na mag-isa lang sa condo nya. Ayaw po nya sana kase nag-aalala sya pag nalaman nyo. " nakayuko kong sabi sa kanila
" Humarap ka samen Mika" narinig kong sabi ng Mommy nya kaya naman humarap ako sa kanila. Nagulat naman ako dahil nakangite sila saken.
" napakatapang mo para harapin kami, at doon kami humahanga sayo, nakikita kong mahal na mahal mo talaga ang anak namin. Hindi nagkamali ang anak ko na mahalin ka. "sabi ng daddy nya. " Mika sana ingatan mo ang anak namin at wag mo sya sasaktan, yon lang ang gusto naming hilingin sayo."
" Hindi po ako mangangako na hindi sya iiyak saken dahil alam ko po na hindi namin maiiwasan ang mga problema na darating samen. Pero pinapangako ko po sa inyo na kahit anong mangyari mamahalin ko po ang anak nyo at hindi ko po sya bibitawan. Mahal na mahal ko po ang anak nyo Sir Ma'am"
" wag mo na kaming tawaging Sir at Ma'am tutal okay naman ikaw para sa anak namin. Eh di Mommy at Daddy na lang ang itawag mo samen." senserong sabi ng mommy nya.
Napangite naman ako sa sinabi ni Mommy. Sobrang naappreciate ko ang warm na pagtanggap nila saken, samen ni Jessey. Pagkatapos nun kung ano ano pa ang mga tinanong nila saken umabot din ng mahigit sa dalawang oras ang pag-uusap at pagkukwentuhan namin. Sila pa mismo ang naghatid saken sa gate nila ng magpaalam na ako sa kanila.
.
.
.
.
.
Paglapit ko sa kotseng dala namin. At pagkapasok na pagkapasok sa loob niyakap ko agad sina Ara at Kim dahil sa maha dang resulta ng ginawa ko.. sobrang thankful talaga ako....
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Sana po nagustuhan nio...at sana po may nagbabasa pa nito