Signs

78 1 0
                                    

Hiniling ko na sana makita ko na siya.

Ang taong nakatadhana para sakin.

Ang kaso, hindi ko alam kung saan ko siya mahahanap.

Sabi ng iba, baka raw nakakasalubong mo na sa araw-araw pero hindi mo lang napapansin.

Yung iba naman, sa tamang panahon pa raw makikita kasi nga focus daw muna dapat sa acads.

Eh, ano ba talaga?

Nasaan nga ba talaga siya?
•••
Sa hindi inaasahang pagkakataon
Nang ako ay palingon-lingon
Makikita ko ang taong magpapatibok ng puso ko.

Tadhana.
Ang unang salitang pumasok sa utak ko ng makita kang naglalakad sa kalsada kasabay ng iyong barkada. Partida na ha, nakatalikod ka pa nang ika'y aking makita.

Tinuro kita sa iilan kong mga kaibigan at wari bang ang puso ko'y talagang nabihag.

Ngumiti ako ng pagkatamis-tamis. Hindi ko maintindihan ang aking pakiramdam. Parang ako yata'y kinikiliti ng isang mangkukulam sa aking tiyan.

Tumigil kami sa isang tindahan dahil nga may bibilhin ang aking mga kaibigan. Naglakad ka sa aking harapan. Halos mamatay ako ng makita ko ang mga mata mong naniningkit sa kawalan.

To fall for.
Ang paulit-ulit na sinasabi ng utak ko  ng makita ko kung gaano ka katangkad at kakinis. Nakakatawa mang isipin pero oo, ikaw ang yung tipo ko.
•••

At dahil sayo, gumawa ako ng signs.
Kapag natupad mo ang lahat ng signs. Alam kong ako ang itinadhana ni Lord na maging sayo. Late akong maggawa ng signs, bale ngayon lang. Aba naman! Malay ko bang makikita ko ang isang tulad mo?!

Magiging tayo kaya #SaTamangPanahon?

Yayımlanan bölümlerin sonuna geldiniz.

⏰ Son güncelleme: Oct 25, 2015 ⏰

Yeni bölümlerden haberdar olmak için bu hikayeyi Kütüphanenize ekleyin!

Signs of DestinyHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin