(A/N: Hello ulit my dear readers! [Ang tanong, may readers nga ba? hahaha.. kawawa. Anyway i aasume ko na lang] Pasensya na kung medyo natagalan ako ng update. Dami ko kasi inasikaso eh. MAy class na rin at isa pa, nagka-writer's block ako huuhuhuh! Thanks pala sa mga comments and votes and guys. Let me know what you think of this. Read, vote and comment! Yun ang nagpapamotivate sa akin na magsulat guys! thank you!)
Chapter Four
ALEX'S P.O.V.
I sighed in relief after I wrote my final answer on the final item in our history long quiz. Isa ito sa mga paborito kong subjects. Kahit na-late ako ng halos tatlumpung-minuto ata, I still managed to finished it before the time.
I simply took my gaze around the classroom and it seemed that most of my classmates are still busy answering the quiz.
Mukhang napabilis ko yata ng sobra ang pagsagot ko sa quiz. Anyway, I am used to this situation since I often finish long quizzes or major exams way ahead of the time allocated by the instructor.
Tiningnan ko ang wristwatch ko. Mas okay na rin sugurong ipasa ko na lang ang testpaper ko para makapag-review ako ng mga lessons ko sa sunod kong class. Tumayo na ako at ipinasa ang papel kay Ma'am Calibo. At gaya ng dati, napatingin lahat ng mga kaklase ko.
"Mr. Alexander Acopiado, you always surprise me," sabi ni Mrs. Calibo na nakatingin lang sa testpaper ko.
I was actually holding my breath. Not because I'm worried about my answer but with the fact that I'm not wearing my ID. Sana lang hindi iyon mahalata ni ma'am. Masyado pa naman itong mahigpit lalo na sa mga ganoong bagay.
"Oh well, you are such an impressive boy. You can go now."
Huh? Ang gulo naman ni ma'am. Anyway, I just then uttered an oath pagkatapos ay lumabas na ako ng classroom pero bago pa man ako makalabas, nahagip ng tingin ko si ... Ahm.. yung babaeng nakitira sa bahay ko. I waited three seconds if she could glance towards me but she kept her eye on her test paper. Focus na focus talaga ito sa exam-which was a nice thing about her.
Ah... Ewan basta naiirita ako sa kanya. Hanggang ngayon din kasi, parang hindi pa rin lubos akalain na mangyayari ang ganoong sitwasyon sa akin. Kahit lalaki ako. Nahihiya rin naman ako lalo pa sa ganoong nakatabi ko siya at kayakap pa kagabi at ang saplot ko lang sa katawan ay ang boxer shorts ko. Pero kung tutuusin, hindi naman kay Miranda Kaye ako dapat magalit kundi sa pinsan kong si Ginny. Bakit naman kasi naisipan nun na doon patuluyin si Miranda eh. Yeah, Miranda is her name at nalaman ko iyon kasi isa ito sa mga top students ng University namin.
Paglabas ko ng classroom ay nagdesisyon na akong pumunta sa Library. I still have half an hour to review for my next class.
"'Tol!"
Nabigla ako nang may biglang umakbay sa akin. Si Ray pala. Gudto ko siyang gulpihin dahil bukod sa nabigla ako, sumakit din ang tenga ko. Ang lakas din nang boses niya.
"What's wrong 'tol? Bad mood ka yata."
"Wag mo na lang akong pakialaman?" sa lahat pa naman nang pwedeng lumapit sa akin ngayon, si Ray pa. Masyado kasi itong mausisa. Baka mahalata niyang may problema ako sa bahay. And speaking of bahay. Bawal silang magpunta ngayon doon hangga't naroroon pa si Miranda. Okay lang naman kung malaman nila pero may kutob lang ako na may masamang mangyayari.
Ang gulo no? Bahala na nga kayong umintindi.
"Oi, nakita ko kanina si Tiffanee."
Biglang binundol ng kaba ang dibdib ko. Usual na talagang nagyayari sa akin iyon kapag naririnig ko ang pangalan ni Tiffanee. Simula noong tumuntong ako ng college. Siya na kaagad ang naging crush ko. Nasa Business Department siya kasi business course ang kinuha niya. Sikat siya sa school at madalas siyang kinukuha ng department nila para sa mga pageant at nanalo nga ito ng Miss Hogwarts University Icon last year. Member din siya ng drama club kaya sa tuwing may presentation sila at kasali siya, hindi ko talaga pinalalagas iyon.
BINABASA MO ANG
It's Miserable But Magical (On-Hold)
Genç KurguTHE BOOK TEASER “Hey you!” Lumingon sa akin si Alex. “What, me?” “Oo ikaw!” Tiningnan ko siya ng masama samantalang siya ay humarap sa akin saka pasimple lang na namaywang. “Bakit na naman?” tanong niya. “I am going to punch you!” galit kong sigaw...