Chapter 5
Another day at school. Pagkapasok na pagkapasok ko pa lang sa school ay may love letter na naman akong nakita sa upuan ko. Kaya pinulot ko ito. Sabay namang pagpasok ni Bestfriend Leslie sa pinto at nakita niya na hawak ko yung love letter.
" Bhes! Love letter na naman? " tanong niya habang papalapit sa amin.
" Buti pa si Eunice. May secret admirer. "
" Oo nga eh. "
" Syempre. Mabait. Mayaman. Maganda. "
" Kinulang naman sa talino. " alam ko yung boses na yun. Kay? Kay? Kay Adrian na boses yun.
Kaya napatingin ako kung saan nanggagaling yung mga bulungan. Tama nga ako ng hinala. Si Adrian nga. Andito pala ang Devil.
Bakit ba andito yan? Classroom ba niya toh? (-_____-)
" Bhes, Prince Devil is here pala. " bulong ni Leslie sa akin.
" Oo, napansin ko nga din eh. Mamaya na lang natin bashain itong love letter? " sabi ko.
Ipapasok ko n asana yung love letter sa bag ko kaso nga lang bigla itong kinuha. Kinuha ni Adrian.
" Dear Eunice, pano mo ba ako mapapansin? Matagal na akong may pagtingin sayo. Nagpaparamdam na nga ako sayo pero bakit ang manhid mo? Bakit? Hindi mo pa ba nahahalata na gusto kita? " he shouted while reading it.
" Wait hindi pa tapos. " sabay itinaas pa niya yung love letter. " Mahal kita. Sana mapansin mo yun. Love, your secret admirer. "
" Akin na sinabi eh! " sigaw ko.
" Oh ayan na po! " sigaw din niya sabay abot sa akin noong letter.
" Secret admirer?! HAHAHA! Di bagay sayo. Ang panget panget mo eh. " sabi niya. Nanahimik ang buong classroom.
" ANONG SABI MO?! " si Zen. Hindi ko namalayang andito pala siya.
" Sabi ko. Ang panget ni Eunice! "
Aray. Masakit. Panget? Panget ba ako?
" Bawiin mo yang sinabi mo? " sigaw ni Zen.
" Bakit ko babawiin? " sagot naman ni Adrian.
Susuntukin na sana ni Zen si Adrian pero pumagitna si Leslie sa kanila.
" Ano ba kayo? Tignan niyo nga. Ikaw Adrian. May Pasa ka na nga sa mukha eh. " tapos humarap naman siya kay Zen. " At ikaw naman Zen. Tignan mo oh. May black eye ka na. Kaya tumigil na nga kayo. "
Dahil sa sinabi ni Leslie, napayuko ang dalawa. Si Adrian, lumabas siya ng classroom namin. Si Zen, naupo na siya sa seat niya.
" Thanks. " sabi ko kay Leslie.
Tapos umupo na ako sa seat ko. Humarap ako kay Zen.
" Zen, Please. Ayoko na mag aaway ulit kayo ni Adrian na yun. " sabi ko sa kanya.
" Pero, pinagtatanggol lang kita Eunice. "
" Kaya ko na sarili ko. Tignan mo itsura mo oh. " sabay turo sa mata niya. " Panget kana kasi may black eye ka. "
Tumayo siya sa harapan ko. " Anong panget? Gwapo parin kaya ako. Mas gwapo pa nga eh. " sabay ngiti niya sakin. At dahil sa sinabi niya may mga taong nag react.
BINABASA MO ANG
He's A Devil [Fin]
Adventure"My life changed when I let my self fall in love with the Devil." | mundongsaging (c) 2013 ALL RIGHTS RESERVED