This is a True Story, believe it or NOT!
This Story is From my Father and it was Happened over 10 Years Ago..
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Isang Hauler Truck Driver ang aking Ama..
Nag De-Deliever sila sa Gasoline Stations Dito Sa Region 6 at palaging Long Distance ang kanilang Byahe.
Minsang Ginabi na Sila sa Pag Uwi nang nagkaroon sila ng Problema sa hauler Truck Pero Agad naman itong na ayos..
Mahaba haba pa ang Byahe papuntang Office at nasa OUT of TOWN pa sila..
Hating Gabi na nga at patuloy pa rin ang aking Ama sa pagmamaneho ng sasakyan.
napalingon ang aking ama sa kanyang helper na noo'y natahimik na at wala na siyang ka kwentuhan.. natututlog na pala siya -_______________-
Maya maya'y na aninag na ng ilaw ng sasakyan ang Puno ng Balete.
Malapit na silang Dumaan sa Puno ng Balete ng Biglang may Lumabas at Tumawid na bata galing Mismo sa BALETE.
Naka Puting Bistida siya at nasa Limang Taong Gulang lamang ito..
Sinubukan ng aking Ama na Umiwas sa Batang Bigla na lamang Tumawid pero huli na ang lahat..
Nabundol na niya ito..
"BOOOOOOOOGGGG!!!"
Naramdaman ng Konti ang pagka salpok ng Batang Nabundol ng aking ama dahilan para Gumising ang kanyang Helper
"Nabundol mo ang Batang babae"
Napalunok laway ang aking ama, Akala niya ay siya lamang ang nakakita sa kanyang Nabundol. nakita din pala ng kanyang Helper ang biglaang pagtawid ng batang babae.
"Hihinto ako"
"Huwag kang Huminto.. hayaan mo nalang yun" Helper
Hindi nga Huminto ang aking ama Subalit Dumiritso agad siya sa police Station para mag Report sa kanyang nagawa at handa siyang Sumuko kung ano man ang nangyari..
Binalikan ang lugar na Pinangyarihan ng aksidente kasama ang mga Pulis..
Laking Gulat lamang ng aking ama at ang kanyang Helper na wala ni isang tulo o bakas manlang ng Dugo ang lugar na pinangyarihan ng Aksidente at maging ang Hauler Truck ay ni wala manlang bakas ng Dugo.
Umalis na lamang ang mga Pulis dahil wala namang nangyaring aksidente at hindi manlang sila nag Komento tungkol dito..
apat na mata mismo ang nakakita sa batang babaeng Biglang Tumawid at nabundol pero bakit wala?
Hating Gabi na pala noong nangyari iyon,
sa palagay niyo ba ay batang babae pa kayang nasa kalye sa mga Ganitong Oras?!!
BINABASA MO ANG
Compilation of OneShot Horror Stories
TerrorMahilig ka ba sa mga kwento ng katatakutan? kababalaghan? o naniniwala na maliban sa ating mga tao ay may iba pang naninirahan dito sa mundo? naniniwala ka din ba sa mga nilalang na hindi nakikita ng mga pangkaraniwang tao lamang? mga nilalang na hi...