Chapter 14- New status

33 8 1
                                    

Kath POV:

"Ano ba kasing ginagawa niyo dun at nahuli kayo?" Tanong sakin ni Sophie

"Ah..eh...mahirap i-explain Sophie maguguluhan ka lang." Sabi ko sakanya

"Huwag mong sabihing...may ginagawa" di niya pa tapos ng

"NO! Wala noh!"sigaw ko, ilang saglit pa bago ko narealize na malakas pala yung pagkakasigaw ko and the reason kung bakit lahat sila ay napatingin sakin including mam

"S-sorry" sabi ko sabay tungo at nakita ko si Sam na nakatitig din sakin kanina na ngumingiti...loko talaga tong Kumag na to.

********

Ilang minuto nalang bago tumunog yung bell

"Sophie! Help me kinakabahan ako baka ma-expelled ako bukod sa major offense yung ginawa ko, anak ng may-ari ng school yung sinaktan ko" sabi ko kay Sophie

"Sa tingin ko hindi ka dapat sakin nagsasabi niyan, sakanya dapat!" (Then tinuro niya si Sam) sabi niya sakin

"Eh isa pa yan malamang galit na rin sakin yan kagabi pa" respond ko kay Sophie

"Kaya nga sakanya ka manghingi ng help, kasi ako walang alam sa nangyari kanina" Sophie says

"Sophie, please..." Sabi ko ng biglang hinawakan ni Sam yung balikat ko

"Cupcake, tawag na tayo ni principal June" sabi niya and what?! Cupcake?!, seryoso? Cupcake talaga HAHAHA

"Ito na tatayo na at puwede ba? Dont touch me, baka mahawa pa ako sa pagkaantipatiko mo!" Sabi ko sakanya, then naglakad na ako papalayo

"Puwede ba!" Then hinawakan niya yung kamay ko at binulungan

"I am just doing this to save you, kaya puwede ba makisakay ka nalang" bulong niya sakin, di na ako nakaimik sa sinabi niya kaya nakakahiya man na hinahawakan niya yung kamay ko wala na kong nagawa, hanggang sa umabot kami sa principal office...

"I have just seen both of you especially Ms. Rodriguez na may ginagawang disturbance sa hallway, can you explain it?" Tanong ni principal sakin

"K-kasi po.. Nakagat ko po..." Di ko pa nasasabi ng nakisngit nanaman si Kumag

"Nakagat po ng gagamba yung kamay ko at sakto napadaan si Kath at tinulungan niya ko, ninong" sabi niya kay principal June, bakit niya sinabi yun?

"At bakit ka naman niya tutulungan? Aber" tanong niya kay Sam

"Eh bakit ano po ba ang ginagawa ng isang concern na gf kapag nasaktan yung boyfriend niya?" Sabi niya kay principal june pagkatapos inakbayan niya ko

"Ms. Rodriguez, totoo ba?" Tanong ni principal sakin

"A-eh opo tinulungan ko po siya nung nakita kong..." Sasabihin ko na dapat

"No, thats not what im asking. Totoo ba na boyfriend mo si Sam?" Tanong niya sakin, i have no choice pero i have to say this

"Opo" sabi ko kay principal June, sabay tumingin sakin si Sam at ngumiti

"Well then kanina i was planning to expelled you Ms. Rodriguez pero now that ive know the whole story i am just giving you a consequenses from now on Mr. Reyes! Kailangan mong bantayan tong girlfriend mo ayaw kong maulit pa itong incident na to!" Sabi niya samin

It Is All DestinedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon