A/N: Hello readers! Chapter 35 is ready! Short update lang 'to :) Hope you'll like it. Enjoy reading!
Quote of the day:
• Sometimes you tried so hard to take care of everyone else that you forget to take care of yourself.
*********
Months later~
Jewel Krizlee's POV:
Ilang buwan na rin matapos lahat ng nangyari. May malungkot, may masakit, may masaya, may mga nabuong pangarap, may mga nabigo, may mga nasaktan, may mga nagdusa, at may mga nakulong sa realidad. Ako ito, buti naman at hindi pa umeepekto ang sakit ko. Lumalaban, nagbabakasakaling mawala siya bigla. Puro gamot na nga yata ang katawan ko eh.
Nga pala, nandito kami sa airport ngayon. Hinatid namin si Zack. He's going back to States with his dad. Buti naman at nakakangiti na siya ng paunti-unti ngayon. Slowly, naa-accept na niya ang katotohanan na wala na si Czian. Malaking improvement na 'yon.
"Hey, mag-iingat ka do'n bro." Jayshin said and tapped his shoulder.
"Yeah. Thanks man." He answered.
"Basta, bro, tumawag ka samin kapag nandun kana. If ever lang naman, kung gusto mong bisitahin ka namin do'n, just tell us. At syempre wag kakalimutan ang ticket namin! Dapat libre." Dagdag ni Darren. Kuripot talaga.
"Pfftt, alright, alright. Gago ka talaga." Natatawang sagot nalang ni Zack.
"Zack, mamimiss ka namin." Sabay naming sabi ni Danielle at niyakap siya.
"Mamimiss ko din kayo. Don't worry, babalik din naman ako kapag ready na 'kong harapin lahat ng sakit. Hahanapin ko lang ang sarili ko. At makikita niyo ulit ako, nakangiti na at wala ng anumang lungkot na nararamdaman pagbalik." Sabi niya at ginulo ang buhok namin.
"Promise yan babalik ka ha?" Sambit ko.
"Ayokong mangako. Promises are meant to be broken. You know that, wel. At ayokong mag-expect ka."
"Oo na nga." I said then pouted.
"Hey son, let's go. We have to go. Ingat kayong lahat. Salamat sa paghatid samin ni Zack." Nakangiting sabi ni tito.
"Okay po. Walang anuman. Ingat kayo! Bye Zack! Bye tito! We will miss you!" Sigaw ni Danielle.
We waved at them. He smiled and turned his back at us. Unti-unti... naglalaho ang mga kaibigan ko. At ako hindi ko alam. Ayoko, wala akong lakas na iwan sila. Hindi pa 'ko handang magpaalam sa kanila. Kailangan kong lumaban.
"Hey, Krizlee, why are you crying?" Danielle asked.
"Huh?" Gulat kong tanong.
"Nalulungkot ka ba sa pag-alis ni Zack? Ayos lang yan. Babalik din 'yun kapag nakapag-move on na siya sa nangyari." Darren said. Jayshin walked towards me and wiped my tears that keep on falling.
"It's fine. Tahan na." He hugged me but I can't feel anything. I felt so numb. Pero alam kong isa lang ang iniiyakan ko, at 'yon ay ang pag-alis ko.
Ilang minuto akong tulala at yakap-yakap niya. Pero nitong mga pagkakataong 'to ko lang naramdaman 'yung lungkot, sakit, at takot. Lungkot na alam kong iiwan ko silang lahat. Takot na hindi nila matanggap at kayanin ang totoo. At sakit na nagpapadagdag sa sensasyong nararamdaman ko dahil sa katotohanang masasaktan ko si Jayshin kapag nawala ako katulad ng nangyari kay Zack. Hindi ko 'yun kaya. Hindi ko 'yun matatanggap.
Yumakap ako pabalik sa kanya. Dala na siguro ng mga naiisip ko. Dala na ng emosyon na bumabalot sa pagkatao ko. Nahihirapan ako. Bakit pati kasiyahan pinagkakait sakin? Bakit pati ngiti hindi ko magawa? Ang hirap.
BINABASA MO ANG
Memories of the Past (One Liter of Tears)
Teen FictionHow would he bring back all their memories of the past if he's the reason why she forgot everything? Does he deserve a second chance to make all his doings and decisions right? Would she give another chance? Would she accept his love again? Let's re...