Retreat

8 1 3
                                    

"Okay! Form a circle." instruct ng facilitator ng retreat.

Andito pala kami sa isang lugar na tahimik, retreat nga eh, tahimik talaga ang lugar.

Gagraduate na pala kami sa high school, kaya may nagaganap na retreat. 3 days at 2 nights ang retreat at pangalawang araw na rin namin ngayon na wala ang aming mga gadgets dahil kinoconfiscate ng mga kasama naming teachers. At pangalawang araw na ring maga ang aming mga mata sa kaiiyak. Minsan nga iniisip kung ginagawa siguro kaming baliw ng aming facilitator dahil may oras na sobrang iiyak kami minsan naman tawa nang tawa kami. Diba para kaming baliw?

"Odd numbers move forward, even numbers stay lang sa lugar" instruct na naman ni sir.

Even number pala ako, kaya move forward kahit tinatamad.

"Ganito ang mangyayari ngayong gabi. Kayong mga odd number, kung sino yung nasa harap niyo na isang even number siya yung kamatch niyo. At ang task ay ilalahad ninyo sa kanya lahat ng hinanakit, kahit ano na gusto niyong sabihin sa taong iyon o mag sorry ba kayo sa kanya. Sa mga even numbers naman mag squat lang kayo at ipikit niyong mga mata ninyo. Bibigyan ko kayo ng 1 minute at magpapalit na naman ng match. Okay let's start!"

"Hi bff" sabi ng first person na kamatch ko.

"Hello bff". Bff ko itong magandang nilalang na ito. Sinong mag aakala na magkakabestfriend pala ako ng maganda. Haha

Kaya ayon nag-usap lang kami sa mga plano namin para sa future. Pati sa pag-aasawa namin dapat daw kapitbahay kami para masaya ang buhay. Ang imba naming mag best friend masyadong advance sa buhay. LELS

Natapos na ang 1 minute namin pero grabe naman ang 1 minute na ito marami na akong naiyak dahil sa mga pinag-uusapan namin ni Lenalee (best friend ko).

Samantalang tumatahan ako, may iba na namang classmate o schoolmate ang nasa likuran ko. Merong mga nag so sorry, meron namang minamasahe ako kasi wala daw silang masabi.

Hanggang sa . . .

" Hi tomboy!" sigaw niyas may tenga ko .

And here we go, sinong mag aakala na odd number pala itong gagong Allen Gomez, kung na inform lang ako, sana nag odd din ako para di kami mag match. Hahay buhay!

Di ko na lang pinansin kasi nga retreat dapat daw spread the love, kaya maghihintay na lang akong matapos ang 1 minute para mawala na itong gagong lalaki na nakasandal sa likod ko.

Ganito kasi naka face ako sa right at si gago dun nag face as opposite para gawin ba naman akong pader para sandalan niya. Sobra na talaga tong lalaki nato, gusto ko nang upakan

At nagsalita si Allen.

"Hoy Reign! Sorry pala sa lahat ng pang-aasar na nagawa ko."

Himala! Ano kayang nakain nito? Manahimik na nga lang ako.

"Ginagawa ko naman yun para pansinin mo ko eh, kahit na bugbug sarado na ako sa mga suntok mo basta mapansin mo lang ako"

Ba't ang tagal ng 1 minute? Ano ba naman itong pinagsasabi ni Allen, kinakabahan na tuloy ako

"Akalain mo yun, since first year natiis ko lahat ng pangbubogbog mo? Haha!"

Tumingin ako sa may likuran, kaya pala ang taas ng 1 minute ng gagong lalaki ito. Kasi naman pinapamove niya sa ibang match yung sunod na ka match ko.

Natuwa na lang ako sa kanya.

"Hoy! Nakikinig ka ba? Sumagot ka Reign. Bat di ka umiimik? Hoy!"

"Aray! Gusto mo suntok? Bugbugin kita diyan ehh"

"Sorry po! Akala ko kasi natutulog ka na diyan, nahihirapan kaya ako dito sa pagsasalita."

"Edi wag kang magsalita. Problema ba yun?"

Aakmang tatayo si gago, baka nasaktan sa nasabi ko. Kaya hinawakan ko kamay niya at di siya natuloy sa pagtayo.

"Sorry na! Masyado ka namang OA. Sorry pala sa mga pangbubogbog ko sayo, kasalanan naman mo yun eh!" sabi ko sa kanya.

"Iba ka din mag sorry no."

"Wag kang makialam, eh totoo naman eh. Pero seryuso. Sorry talaga. At sa sinabi mo kanina, d ko alam kung ano ang dapat kung reaksyon, pero thank you "

"Ehh? Thank you? Para saan?"

"Thank you sa pangungulit dahil di naging boring ang high school life ko. Thank you sa pagtitiis sa mga suntok ko. Thank you sa sinabi mo. Basta thank you sa lahat."

"Your always welcome. Ikaw pa "

"Okay change place naman, even numbers kayo na naman ang maglibot at makipag-usap" sabi ng instructor.

Kaya ayon, punta sa isang tao tapos sa iba na naman, minamasahe ko lang yung namamatch ko kahit si Allen, di ako nagsasalita kasi iniisip ko mga sinasabi ng gagong lalaki na iyon.

"Okay! Sige na. Yan na muna sa gabing ito. Sana nag enjoy kayo at naibsan yang dinadamdam ninyo. Sige magsipuntahan na kayo sa mga kwarto ninyo. God Bless"

Umuna na ako kay Lenalee kasi gusto ko nang matulog, este mag isip pala. Sa may door na ako ng building ng may umakbay sa akin. Si Allen lang pala, ang laki ng smile ng gago mga isang kilometro. Haha. Inakbayan ko na lang din para masaya.

Andon na kami sa second floor, at hiwalay ang way para sa mga kwarto ng girls at boys. Kaya nag babye na ako sa kanya.

"I LOVE YOU REIGN" sigaw ni Allen.

Nawindang ako sa narinig ko pero spread the love naman diba.

"I LOVE YOU TOO ALLEN"

Nakita ko siyang parang nagulat at biglang nag smile, kinilig ata. Cute naman. Haha. Nag babye na ako at nagmadaling pumunta sa kwarto, nahiya tuloy ako sa nasabi ko. Huhu

Pagkapasok ko sa kwarto, matutulog na sana ako pero nakita ko ang isang notebook ko na mga randoms lang ang isinulat ko. At isinulat ko ang mga salit.ang ito:

You and I exchange I LOVE YOU
I don't know what he meant by that
I just response though.

-------------------------------------------------------------

Kon-niichiwa! ✋

Annyeonghasaeyo!

Hi! Mga magagandang nilalang sa mundo. First time kung gumawa ng story, sana nagustuhan ninyo. Kahit masyadong ka EWANan and story. LELS ☺

♔ RETREAT ♔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon