Pamanang Putik

11 0 0
                                    

"Nandyan nga lang ako sa daan, nakatambay ano bang pinagsasabi mong nagbababae ako?!!"

"Anong?!! Hoy! Edwardo Santos Dela Cruz III! Sa tagal na nating mag asawa tingin di ko pa alam yang ugali mong DEMONYO KA HAH!!? Bakit hindi ka nalang kasi sumama kina Robert para magtinda ng mga Foam atsaka ng mga appliances? Sumama ka sa kanila kapag bumibyahe sila kesa sa palamunin ka lang dito sa bahay!"

Ganito lagi ang eksena sa bahay... Ang bungangaan nina Nanay at Tatay.... ang nagsisilbing alarm clock ko.

"Nay, mano ho."

Pero nasanay na ako sa kanila. Wala naman kasi akong magagawa baka masala pa ako sa away nila.

FLASHBACK

"Anong klasing asawa ka?! Pag uwi ko dapat may pagkain na! Pu+T@ nag asawa ako para may mag alaga saken tapos ikaw sumusugal lang?!!"

"Aba sa tingin mo, gusto kitang pagsilbihan hah?! Akala mo ba na masaya ako sa pesteng buhay na to hah?!! Ikaw ang lalake kaya ikaw dapat ang naghahanapbuhay! Pu+@! Yang itsura mong yan daig mo pa ang may stage 3 na cancer tapos gusto mong pagsisilbihan kita?! Kung hindi lang ako nabuntis hindi kita papatusin pu+@ng*n@ k@ng payatot na manyak ka! Humingi ka nalang ng ulam sa mga kapitbahay at kapag hndi ka bingiyan pu+@ maghanap ka nalang ng pwedeng kainen sa basurahan tutal dati ka rin naman magbabasura!"

"Aba't!!..."

Heto nanaman ang walang katapusang pag aaway nila araw araw. Paggising sa umaga ang away na rin nila ang nagiging almusal ko, hindi ako nakatapos ng elementary. Ano pa bang maaasahan nyo sa anak ng isang skwater na kagaya ko? Ni isang notebook hindi ako nakabili ni hindi ko pa nga nalalaman yung buong ABCD e at hindi rin ako masyadong marunong magbilang. Hanggang 100 lang ang kaya kong bilangin. Bukod sa 500, 1000 at 200 wala na akong ibang alam na numero na lagpas ng 100. Nung pinag aral ako ng isa naming kapitbahay, binigyan nya ako ng gamit pang aral at binayaran rin nya ang matrikula ko. Napakasaya ko nung mga panahon na yun dahil sa wakas ay mararanasan ko na rin ang mag aral at na-realize ko na hindi naman pala lahat ng tao ay humihingi ng kapalit kapag tumutulong sila.

"Kuya, kuya gutom nako "

Subalit, isang araw pag uwi ko sa bahay, nakita ko si Linlin na namimilipit na sa sakit ang tiyan pero hindi ko sya magawang idala sa doctor dahil wala kaming pera kaya tubig nalang at isang pirasong candy ang ibinigay ko sakanila at pinaghatian nila ito ni Junjun. Nagpasya ako ng araw na yun na huminto na muna sa pag aaral at magtrabaho para may makain kami dahil kung ipagpapatuloy ko ang pag aaral ko, papaano na sila Junjun at Linlin? Sina Nanay at Tatay walang pakealam samen. Pagkatapos nilang mag away at magbatuhan ng kung ano ano, si Nanay pumupunta na sa sugalan at doon sya buong araw. Minsan nga di sya umuuwi sa bahay kapag gabi. Nung isang araw nakita ko sya roon at may kahalikan syang ibang lalake, hindi ako nagsumbong kay Tatay dahil alam ko na malaking gulo iyon at isa pa ay pinagbantaan ako nung lalake na ipapapatay raw nya ako kapag nagsumbong ako. Pero hindi lang si Nanay ang ganun, si Tatay madalas sa mga mayroong okasyon at nakikipag inuman at kung minsan kapag may sabong ay sumasama sya at rumaraket minsan pumupusta at kapag nanalo sya, diretso agad sa beerhouse sa kanto. Magdamag sya roon kasama ang mga kainuman nya. Inuubos ang pera nya sa alak at babae. Habang ang mga kapatid ko ay.... Ayoko ng maalala pa iyon. >_______<

"Linlin pwede tiisin mo muna ang gutom mo? O eto kalahating piraso ng Maxx, buti nalang may naitira pa ako kagabi. Pasensya na kung yan lang hah? Hati na muna kayo ni Junjun dyan mamaya pa kasi tayo makakakain. Magtatrabaho muna ako. Isasama ko na si Junjun para mabilis naming matapos at maibenta lahat ng mga paninda, ok ba?"

"Kuya, pwedeng maiwan muna ako dito? Masakit pa rin kasi tong kaliwang mata ko."

"Bakit hanggang ngayon namamaga pa rin yan Junjun? Ano ba kasi talagang nangyare?" tanong ko sakanya.

Pamanang PutikTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon