Kabanata Dalawampu

1.3K 46 0
                                    

Kabanata Dalawampu

Sunday. Napakatagal talaga umandar ng oras kapag wala kang ginagawa. Nagsimba lang kami ng parents ko kanina, after nun hinatid nila ako pauwi. Sila naman ay diretso sa sariling lakad nila. Nag-date. Well, moment nila iyon, ayaw kong makigulo.

Hay. Hihilata nalang ba ako magdamag dito sa kwarto ko?

Tumagilid ako ng higa at niyakap ang unan ko. Dumako ang tingin ko sa phone ko na nasa side table. I stretched my arm then reached the gadget lazily. I texted AM.

Friendship, mall tayo. Bored ako eh :D Pwede ka?

Nagulat nalang ako dahil hindi ko pa nalalapag sa tabi ko ang phone nakatanggap na agad ako ng reply kay AM. Nakakapanibago lang dahil ang bilis niyang magreply. Eh ang nakilala ko pa namang Azalea Matisse Palma ay 1234567890 years bago magreply. Minsan niya lang kasi nahahawakan ang phone niya. Masyadong tutok kung manood ng movie.

Sure is :)

Napag-usapan namin na sa mall na kami magkita. After I fed up my cats, nag-ayos na ako. Striped-long sleeves shirt, ripped jeans na tinupi ko ang magkabilang laylayan ng tatlong beses, at white rubber shoes. Wala na akong time para i-blower ang buhok ko at magsuklay kaya tinali ko nalang ito ng paikot kahit basang basa pa. Gusto ko kasi na ako ang mauuna. Ayos nang ako ang naghihintay kaysa si AM ang maghihintay sa'kin kaya madaling madali ako ngayon.

***

Nasa Starbucks ako, kung saan hinihintay ko ang kaibigan kong si AM. Siya ang inaasahan ko na magpapakita at uupo sa tapat ko. Kaso, ibang nilalang ang lumitaw.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko sa kabute.

"Nakaupo," tugon naman ng pilosopong kabute.

"Dun ka sa ibang table umupo! Naka-reserve na yan," taboy ko sakanya.

"Kanino?"

"Sa boyfriend ko." Joke lang yun syempre.

Natawa si Thadeus. Yung tipong alam niyang nagsisinungaling ako.

Hindi ko alam kung paano niya nalaman na nandito ako, o baka naman coincidence lang na nandyan lang siya sa tabi tabi at nakita ako tapos naisipang lapitan para guluhin.

"Nasaan siya?" anang niya at sumandal sa kanyang kinauupuan.

"Hinihintay ko pa."

At hindi ko rin alam kung bakit sinasagot ko ang mga tanong sa kabila ng pagkairitang nararamdam ko dahil sa presensya niya. Orayt! Naiirita nga ba? O sadyang hindi lang mapakali?

"Pinaghihintay ka ng boyfriend mo?" Tumaas ang isang kilay niya.

Hindi ako nakaimik. Bakit nga ba ayun ang nasabi ko?

"Ba't hindi mo tawagan?"

Napatingin ako sa kanya. At sumunod. Pagkalapat ng phone sa tenga ko ay muli akong tumingin kay Thadeus. Hanggang ngayon nakatingin pa rin siya sa'kin kasama ang kinaiinisan kong ngiti.

Nag-iwas ako ng tingin.

Habang hinihintay na sagutin ni AM ang tawag ko, narinig kong may tumunog. I looked Thadeus at the corner of my eye, hindi nga ako nagkamali. Phone niya ang tumutunog. Nakita kong ngumisi siya pagkakita sa caller ID (na hindi ko naman makita). Muli siyang tumingin sa'kin kaya nag-iwas ulit ako ng tingin.

"Hello, AM," bati ko nang sagutin niya. "Nasaan ka na?"

"Nandito na."

"Huh? Nasaan?" Luminga linga ako sa paligid hanggang sa may ma-realize. "Bakit boses lalaki ka? At bakit parang kaboses mo si─" Nilingon ko si Thadeus.

Gaya ko, may nakalapat rin na phone sa tenga niya. "Thadeus? Ang pinakagwapo mong nakilala?"

Sinulyapan ko ang screen ng phone ko. Hindi naman ako nagkamali ng natawagan. "Friendship" naman ang naka-display.

"Anong ginawa mo sa phone ko, ha?"

"Secret," sumagot siya na parang ang kausap niya sa phone ay wala sa harapan niya.

"Pinalitan mo ba contacts ko?"

"Maybe."

ARGH. Hindi na ako nakatiis, nilusob ko na siya. Ma-trip talaga! Ipalit ba naman ang number niya sa number ni AM? Kaya pala ang lawak ng ngisi siya nung madaling araw na nagpunta siya sa tapat ng bahay namin. At kaya pala siya ang nandito ngayon dahil siya ang nakatanggap ng text ko at hindi si AM.

"Aray! Bakit mo ba ko sinasaktan? Shouldn't you feel thankful dahil ako ang makakasama mo ngayon?"

"Why would I be thankful?"

"Dahil ikaw at ako... ay magdi-date." Kinuha niya bag ko sa ibabaw ng table. Pagkatapos hinawakan ako sa kamay.

Ito na naman ang hindi-ko-mapaliwanag feeling.

"Tara na," anya at ngumiti.

Sa pangunguna niya nagsimula na kaming maglakad. Ang tahimik ko. Holding hands lang pala with Thadeus ang makakapagpatahimik sa'kin. Parang kanina lang reklamo ako ng reklamo.

Bumagal maglakad si Thadeus kaya naman napatingin ako sa kanya.

He smirked and said, "Boyfriend pala, ha."


Don't Mess With The JerkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon