Kabanata Dalawampu't Isa

1.3K 45 0
                                    

Kabanata Dalawampu't Isa

Habang papalabas ng mall, napatingin ako sa magkahawak naming mga kamay ni Thadeus. Inilabas ko ang kanina ko pa tinatagong ngiti. Why oh why napapangiti ako? And why the heck hindi ako makareklamo? Because I like the feeling of it?

Hinatid niya ako pauwi. Hindi naman siya nag-insist na pumasok sa loob ng bahay namin tulad na ginawa niya nung unang beses na nakapunta siya rito.

"See you tommorrow," sabi niya at hinalikan ako sa noo. "Magpahinga ka na. Wag magpuyat dahil may pasok pa bukas."

Para akong robot na tumango. Lutang.

Binuksan ko na ang pinto ng kotse. Pagbaba ko, bago ko isara ang pinto ay may pahabol siya, "Good night. Dream of me." Ngumiti siya na nagpawala sa mga paruparo sa tiyan ko.

Gusto kong magsalita. Gusto kong mag-goodnight din siya kaso ayaw kumalma ng puso ko kaya tango lang ang tanging naitugon ko.

Sinara ko na ang pinto ng kotse.

Pagkaalis na pagkaalis nito, napatili nalang ako. "Why so sweet?"

***

Kinabukasan, hindi pa nga ako nakaka-move on sa nangyari kahapon ("date" daw sabi ni Thadeus), nagulat ako kasi ang aga aga niyang pumunta sa tapat ng bahay namin. Ginising ako ng yaya ko at sinabing nasa labas daw ung naghatid sa akin kagabi. Napabalikwas ako ng bangon at dali daling nagtungo sa bintana. Sumilip ako at natanaw ang kotse ni Thadeus.

Napa-facepalm nalang ako. Pinangangatawanan talaga niya ang sinasabi niyang nanliligaw siya huh. Di naman ako sigurado kung seryoso talaga siya o pinagtitripan lang ako. Alam niyo naman sa panahon ngayon...

Nalungkot ako sa isiping pinagtitripan lang ako ni Thadeus. Hindi malabo yun, dahil hello? Paano naman niya ako magugustuhan, aber? At ang bilis naman yata. Parang kailan lang ay binubully niya ako.

Ginawa ko ang routine ko before school, not minding na naghihintay si Thadeus sa akin.

May dalawang sasakyan ang nakaabang. Ang isa ay ang driver ko ang nasa loob, ang isa naman ay si Thadeus.

Of course, sa pagkakataong ito sa driver ko ako magpapahatid.

Pagbukas ko ng pinto ng sasakyan, nakita ko through my peripheral vision na lumabas ng sasakyan si Thadeus.

"Manong, alis na po tayo."

Sumunod naman ang driver ko. Paglabas namin ng gate, pumreno ang driver ko. Paano ba naman, hinarang ni Thadeus ang sarili niya sa dadaanan namin.

"Sandali lang po, manong."

Lumabas ako ng kotse para harapin si Thadeus.

"Alam mo ikaw," sabi ko habang naglalakad. Tutok ang mga mata ko sa kanya. "Ano bang problema mo?"

"Ako dapat ang magtanong sa'yo nyan."

Kinilabutan ako sa pagiging seryoso niya. Natunaw ang tapang ko at tila gusto ko magback out. Not that natatakot ako sa kanya, kundi dahil sa posibleng mangyari.

"Ano bang problema mo? Iniiwasan mo ba ko? Alam kong alam mo na nandito ako para sabay tayong papasok sa school. May nagawa ba ako? Nasabi na hindi mo nagustuhan? Nabastos ba kita sa ginawa kong paghalik sa noo mo?"

Of course not! You just showed sweetness and the kiss in the forehead means of respect. Wala ni katiting na sumagi sa isip ko na nabastos mo ako.

"Hindi ka naman seryoso sa akin, hindi ba?" tanong ko sa halip na sumagot.

Nanaig ang katahimikan sa aming dalawa. Hanggang sa siya na ang tumapos nito.

"Di mo ba naaapreciate ang effort ko kaya nasasabi mo yan?"

Duhh. Nagtatanong kaya ako. May parte kasi na nakikita kong seryoso siya, ngunit may parte na nagsasabing hindi. Kasi naman, come to think of it, sa dami ng magagandang babae dyan, ako pa ang napili niyang ligawan. And heck, pag nililigawan gusto maging girlfriend diba? Ano 'to, nagsisimula na siyang mabulag?

Hindi ako nakasagot. Ewan ko ba. May nakahanda naman na sagot ang utak ko pero parang ayaw makisama ng bibig ko.

Nilapitan niya ako. Nakikitaan ko ng "pag-intindi" ang mga mata niya. Hinawakan niya ako sa magkabilang braso at sinabing, "It's okay, HyoRin. Naiindihan kita kung bakit iniisip mo na hindi ako seryoso. So, I'm gonna show to you how serious I am. Hindi ko gagawin ang isang bagay na hindi ko pa nagagawa kung hindi ako sigurado."

Kumurap kurap ako. Si Thadeus ba talaga itong nasa harap ko? Nasaan na ang jerk na nakilala ko? Yung Thadeus na nangbubully at nang-iinsulto sa akin? Anyare sa earth?!

Ayun, nasira ang plano ko na isnobin siya. Ang ending, siya pa rin ang naging driver ko. Nagsabay kami papunta sa school.


Don't Mess With The JerkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon