Kabanata Dalawampu't Dalawa

1.4K 42 0
                                    

Kabanata Dalawampu't Dalawa

Bilang sikat si Thadeus sa school,  naging usapin ang simpleng pagsabay namin sa pagpasok. Syempre hindi ako nakatakas sa matatalim na tingin at mga parinig na nakakasakit ng damdamin.

Like the usual, hindi ko nalang pinansin.

Sabay kaming nag-lunch ni AM sa cafeteria. Nung una about sa Pinoccho ang kinikwento nya. Kaya hindi ko alam kung paano ito napunta sa amin ni Thadeus.

"Wag ka, Friendship, ngayon ko lang nakitang may sinabay si Thadeus pagpasok. Ikaw pa nga lang ang nakita kong naging pasahero nya eh."

"Nakita mo kami kanina?" tanong ko. And I wonder kung bakit di niya kami nilapitan.

"Yup. Lalapitan sana kita kaso ayaw kong umepal sainyo ni Thadeus."

"Ah, akala ko di mo ko nilapitan kasi kasama ko siya."

Tumawa siya. "Tingin mo naman? Galit ako sa kanya?"

"Diba oo? Sa grupo nila?" paalala ko sa kanya. Ang kulit talaga ng babaeng ito. Diba nga kaya kami naging magkaibigan kasi parehas kaming hindi interasado sa Kulupong Boyz.

"Di naman totally galit. Naiinis lang. Iyon bang naaasar. Basta magkaiba yun. Ang totoong kinaaasaran ko lang naman talaga dun ay si Shiloh. Yung manyak sa kanila. Eh lagi silang magkakasama, kaya kapag nakikita ko ang bruhong yun, pati sila nadadamay."

"Manyak ba si Shiloh?" pagtataka ko. Playboy, oo. Pero manyak?

"Isn't it obvious?"

"Pa'no mo nasabi, Friendship? Namanyakan ka na ba niya?"

Nakita ko kung paano biglang namula ang pisngi ni AM. "Basta, Friendship," aniya. "Wag na natin siya pag-usapan. Nabi-beast mode ako."

Pumayag nalang ako kahit na napapaisip ako. Basta daw. So ibig sabihin oo? Sa paanong paraan naman kaya? Hmm. Ayaw kong magtanong kasi baka mainis siya sa'kin.

"Just always remember na hindi ako against kay Thadeus. So kapag naging kayo, I'll be happy for you. Susuportahan kita. Wag ka lang niyang sasaktan."

Aww. Napangiti ako. Pero... "Kapag naging kami talaga?"

"Why not? Nanliligaw siya sa'yo, diba?"

Natahimik ako. Oo, nanliligaw siya. Kahit di ko pa alam kung paanong nangyari yun, eh mukha naman siyang seryoso. Bukod sa nanggaling ito sa bibig niya ay nakikita ko rin ito sa mga kilos niya.

"The question is,"

Nag angat ako ng tingin kay AM. Tinabi niya ang inumin niyang shake upang makita ako ng maigi. Kakaiba ang ngiti niya ngayon. At meaningful din ang pagtaas ng isang kilay niya.

"May pag-asa ba si Thadeus sa'yo?"

Nanlaki ang mga mata ko. Di ko naman kasi inaasahan na ganun ang itatanong niya.

Sa totoo lang, hindi ko alam ang isasagot. Hanggang ngayon nga hindi ko pa rin lubos maisip na "seryosong nanliligaw" sa akin si Thadeus, yung maging kami pa kaya? He's way out of my league kaya di ko imagine na maging boyfriend ko siya. Ang naiimagine ko? Hindi kami bagay.

"Ano na?" pangungulit ni AM na malaman ang sagot.

Mabuti nalang na-distract siya sa commotion na naganap. Well, pati rin naman ako. Halos magkasabay kaming tumingin sa pinangyarihan. There, the Kulupong Boyz. Kapag gwapo, sikat at malalakas talaga ang appeal, ganyan ang entrance. Iyon bang makatawag pansin.

Habang naglalakad papunta ang anim sa pwesto nila, may napansin akong isang lalaki na nagmamadaling umalis. Todo yuko pa ito. Parang takot na takot.

Don't Mess With The JerkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon