Kabanata Dalawampu't Apat
Kru kru kru...
Waah! Ang tagal naman ni AM. Kanina pa ako giniginaw dito sa library. Kanina nagtext siya na nasaan daw ako. Nagreply naman ako tapos sabi niya pupuntahan niya daw ako dito.
"Bakla, look!" sabi ng babaeng mataba at may itinuro sa mga kaibigan niya. Nakapwesto sila malapit lang sa pwesto ko kaya rinig ko and besides, ang lakas ng boses niya!
"Oh em gee!"
Naghagikgikan na sila.
Namilog ang mga mata ko nang tumingin sa tinitingnan ng magkakaibigan. Yung Kulupong Boyz nandito! Teka, anong ginagawa nila dito? Nagpunta ba sila dito para manggulo? Tingnan niyo, na-distruct ang mga nag-aaral.
Napasinghap ako nang lingunin ako ni Thadeus. Ano na naman? Ay, wait!
Chineck ko ang phone ko. Inalam ko kung number nga ba talaga ni AM ang nakalagay sa contacts ko na Friendship. Eh kasi diba last time pinalitan ni Thadeus yun? Buong akala ko talaga nun ang kaibigan ko ang katext ko. Siya pala. So now naisip ko na baka pinalitan niya na naman.
Kabisado ko ang last three number ng kay AM. Tama naman. Hindi pinalitan. I sighed in a relief. Kala ko...
"Sige, dude. Kakausapin ko lang si future girlfriend ko."
Napatingin ako kay Thadeus na humiwalay sa grupo niya. At papunta siy dito!
"Hi there," aniya at umupo sa tabi ko.
"Wag mo kong guluhin. Nasa library tayo ngayon," sabi ko. Di ako makatingin sa kanya. Kasi naman ayan na naman ang nakakailang niyang titig eh!
"Ang sungit. Red days?"
I gasped. Hinampas ko siya sa braso. "Manyak ka," madiin ngunit may katamtamang lakas lamang na sabi ko.
Kalma lang, Hyo! Remember, you are at the library.
"Manyak na yun?" Pinatong niya ang kanyang braso sa table sa tapat ko.
Pinilig ko ang ulo ko para tingnan siya.
"Ano pa ito, diba." Inusog niya ang upuan niya. Akala ko para lang lumapit. Ayun pala ay nagtuloy tuloy hanggang sa maabot ng labi niya ang kaliwang pisngi ko.
What. The. Freaking. Fudge!
Bumuka ang bibig ko para sumigaw at magreklamo. Mukhang kinutuban siya kung kaya't mabilis niyang tinakpan ang bibig ko.
"Ssh. Quiet ka lang. Nasa library tayo."
Ayun na nga eh! Nasa library kami! So bakit niya ginawa yun! PDA? At talagang nasa school premises pa. Pwede namang sa liblib at madilim na lugar diba? Wahaha. Syempre joke lang yun.
Pinanlisikan ko siya ng mga mata at padarag na inalis ang kamay niya sa bibig ko.
Umayos ako ng upo at pinakiramdaman ang sikmura kong tila namimilipit, ang puso kong parang tinatambol at ang mukha kong nag iinit sa kabila ng air conditioner. Nakakabaliw! No, baliw na ata ako para hilinging sana ulitin niya yung ginawa niya. Haluh, ang harot lang, HyoRin?
Mayamaya lang ay natanaw ko na sa si AM. Palinga linga siya sa paligid. Obviously hinahanap ako. I raised my hand to caught her attention. Pati si Thadeus tinaas ang isang kamay at kumaway kaway.
Ngumiti si AM sa amin. Naglakad na siya para lumapit nang sa di malamang dahilan ay lumandas ang tingin niya sa kinaroonan nila Shiloh. Nasaksihan ko kung paano matigilan si AM. At ang ekspresyon niya ay hindi ko maipaliwanag.
Sa muling pagtingin ko kay Thadeus ay nahuli ko ang kakaibang ngisi sa mukha niya habang nakatingin kay AM.
"Bakit?" tanong ko sa kanya.
He glanced back at me. "Wala ka bang alam about kay Shiloh at dyan sa kaibigan mo?"
Nagsalubong ang mga kilay ko. Ano ibig sabihin nito? Tama ang kutob ko na may something sa dalawang yun?
Umiling iling ako. "Wala naman nakikwento sa'kin si AM."
Nag-inat siya, sumandal sa kanyang kinauupuan at umakbay sa upuan ko. "Sa kanya mo nalang alamin."
Tumango tango nalang ako. Bago palang naman kaming magbestfriend ni AM, at may mga bagay pa na hindi ko alam tungkol sa kanya. Di ko naman siya masisisi. Siguro dahil hindi pa siya ready magkwento. Kung ano man yun, iintindihin ko nalang siya.
***
"So kelan mo balak sagutin si Thadeus?" tanong nalang ni AM out of nowhere. "Tagal na rin niyang nanliligaw."
Yumuko ako at pinaglaruan ng straw ang iniinom ko. Kelan nga ba? Alam ni AM na gusto ko na din si Thadeus. Hindi naman sa pinapatagal ko ang panliligaw niya, may gusto lang akong marinig mula sa kanya.
Nakuha ng isang waiter ang atensyon ko dahil sa paglapit nito sa amin. Tumingala ako sa kanya.
Nakangiti ito ng matamis. "Para sa'yo daw po." Inabutan niya ako ng isang pirasong rosas.
Tinanggap ko yun at pasimpleng ngumiti.
"Galing kanino daw?" tanong ni AM sa waiter.
May tinuro itong direksyon. Direksyon kung nasaan si Thadeus. Mag isa ito sa isang table na for two. He waved his hand with a smile written on his face.
I grinned at him. Sabi ko na eh. Sa kanya galing ito. Ganito kasi ang hilig niyang gawin, ang bigyan ako ng isang piraso ng rosas in a surprising way. Iyon bang kung kelan hindi ko inaasahan.
"Ba't nandito yan?" ani AM. "Ang gwapo ng stalker mo, friendship. Naks!" Tumawa siya.
"Stalker pinagsasasabi mo," wika ko.
"Bakit, kung nasaan ka magugulat nalang tayo nandun din siya."
"Malay mo coincidence."
"Sus. Wag ka ngang in-denial."
OK. Hindi na ako nakipagtalo pa.
Lumingon ako kay Thadeus at nakita siyang nakatayo na at nagsisimula ng lumapit dito sa amin na may bitbit na matamis na ngiti.
Napabuntong hininga ako. Di na kailangan yung mga ginagawa mong pagbibigay sa'kin ng bulaklak, pag-iiwan mo ng chocolates sa locker ko at pagpapadeliver mo ng teddy bear o pagkain sa bahay. Gusto na din kita, Thadeus. Just say the three words eight letters, then you got my yes.