Yla's POV
After the cute bear song ni Aljur kahapon ay maayos na ang pakiramdam ko. Eto ako naglalakad lang sa tabing dagat. Napakaganda naman ng dagat, I walk and grab the sea shells na nakikita ko, grabe ang gaganda ng mga ito... pwede itong pang dikorasyon. Naglakad lakad pa ako hanggang sa...
Ouch!!.. she said
Sorry, hindi ko sinasadya. I said pamilyar ang mukha niya and I know this girl is Wendy. Siya yung kayakap ni Aljur nung nakaraan. Tinitigan ko siya, napakaganda naman niya, matangos na ilong, magandang pilik mata at kulay rosas na labi. She's perfect.
Why are you starring at me?? mataray niyang tanong
Napaisip ako parang pamilyar ang mukha niya..ang boses niya .... nagkita na ba kami dati?? Ang kanyang mga mata bakit parang nakita ko na noon.
Pak!!!
mmh!!... yun lang nasabi ko, ang lakas ng sampal niya. Pero bakit niya ako sinampal?
Oh! eh d nagising ka din. Stupid girl. Kanina ka pa tulala dyan. Tayo na guys... ganun na ba ko kasikat para kainggitan ng mga tulad niya.?? hahaha... may Excuse niyang sabi at iniwan akong tulala...
Lumagpak na ang mga luha sa aking mga mata. Para akong estatwa na walang magawa. Hindi ko man lang naipagtanggol ang sarili ko, pero bakit?? Umiyak lang ako ng umiyak... I still stand at ni isang hakbang hindi ko magawa. I feel someone embraced me. Inilagay niya ang ulo ko sa dibdib niya. Mas lalo lang akong naiyak, I look at him, it is Gello. Hindi ko napigilan ang sarili ko, ibinuhos ko lahat... , hindi sampal ni Wendy ang masakit, ang makita sila ni Aljur na para bang meron pang namamagitan sa kanila yun ang msakit. Yes, I'm jealous... kahapon pa.
>flashback<
Habang nasa isang cottage kami naghahapunan, kapansin pansin na wala pa rin si Aljur at Wendy. Sinamahan kasi ni Aljur si Wendy papuntang department store. They will buy some big curls sabi ni Alvin. Hindi pa kami nagkakakilala ni Wendy, but I know her already in name pero ako siguro hindi niya pa kilala kahit sa pangalan man lang.
I waited until 10:00 in the evening, pero wala pa din sila. Nakatanaw lang ako sa malayo ng mamataan ko ang dalawang tao na masayang naglukulitan. I see Aljur laughs happily, habang si Wendy naman ganun din. Medyo nalungkot ako, bakit ba parang nakararamdam ako ng selos. I know mali pero... bakit ganun? Pakiramdam ko mahal pa rin nila ang isat isa. Nagtago ako ng makarating sila malapit sa akin. I don't know kung anong pumasok sa isip ko at ginawa ko iyon. I hear their conversations.
Aljur: What do you think about my offer Wen??
Wendy: Pagiisipan ko pa, Aleh.
Aljur: Sana pumayag ka, I miss you... minsan lang naman yun Wen. I promise tayo lang dalawa.
Wen: Alright... cge... cge...
Aljur: Yes!, sige goodnight.. then I see him kiss Wendy's forehead...
>End of Flashback<
Gello: Umiiyak ka na naman, napaka iyakin mo talaga. Bakit anu bang problema Yla?? si Aljur na naman ba?? Kahit kailan tlaga lagi ka na lang niya pinaiiyak, bakit kasi siya pa naunang minahal mo?? Kung inagahan ko lang sana, sana ako ang pinili mo... nanghihinayang niyang sabi
Gello... saway ko sa kanya
Gello: Don't worry Yla, tanggap ko na, wag mo ng ipaalala sa akin... ang ayoko lang kasi ay yung nakikita kang nasasaktan.
Tinanggal ko ang pagkakayakap niya sa akin at inayos ang aking sarili...
Salamat Gello, masaya ako na naandyan ka para maging panyo ng luha ko.