thirty-one

1.9K 51 2
                                    

Vic's POV

And our second day has come.

Maaga kaming gumising para makaprepare kami agad sa mga pupuntahan namin.

"Baby, yung camera na charge mo na?" Tanong ni Yeye mula sa may comfort room.

"Yup. Eto na nga kukunin ko na." Sagot ko naman.

"So ready na tayo. Nagtext sakin si Kim. Nasa lobby na raw sila." Sabi niya habang kinukuha yung mga dala niya.

Tinulungan ko siya sa mga bitbit niya at lumabas na nga kami ng kwarto namin. Naging mabilis din ang pagbaba namin gamit ang elevator.

"Uy lovers! Tara na!" Sigaw ni Cienne. Grabe tong mga to. Excited na excited sa mga gagawin namin.

Hinawakan naman ni Mika ang kaliwa kong kamay at naglakad kami palabas.

Nakakagulat talaga si Yeye sa mga ikinikilos niya. Sa totoo lang, hindi clingy si Mika kapag nasa labas kami. Ganun din naman ako. Sweet naman kami sa isa't-isa pero hindi halata. Simple lang kasi kaming dalawa. Hindi namin kailangang ipakita sa iba na kami ng dalawa o sweet kami. We are sweet together in our own way.

Kaya naman susulitin ko na ang panahon na 'to para ganito lang kami ni Mika.

"Dito na yun guys!" Sabi ni Mika.

Huminto kami sa isang stall kung saan pinuntahan namin ni Mika kahapon. Nagpabook kami para makapag banana boat tsaka para hindi na kami makipaghintayan sa iba. Sayang oras.

"Kayo po ba si Miss Reyes?" Tanong nung ate sa stall.

"Opo. Ako po yung nagpabook ng bananaboat." Sagot naman ni Mika.

"Ah sige. Sandali lang miss ha." Sabi naman ni Ate.

"Uyy nakakaexcite 'to!" Nakangiting sabi ni Kim. Tumatalon talon pa nga eh.

"Sino kaya unang malalaglag satin?" Natatawang tanong naman ni Camille.

"Hulaan ko." Sabi ni Kim at nag-isip isip pa ang mokong.

"Si Yeye!" Sigaw ni Kim.

"Hoy bakit ako?! Baka ikaw." Sagot naman ni Mika.

"Sus tapos next na malalaglag si Vic." Seryosong sabi ni Kim. Sira talaga to baka siya pa unang malaglag eh.

"At bakit naman si Vic?" Tanong ni Carol.

"Syempre. Nakakapit si Mika sa kanya eh kaya matik na." Natatawa niyang sagot.

"Alam mo baliw ka na eh." Sabi ko naman. "Wag na kaya natin ituloy 'to."

"Kaya nga. Dalhin na lang natin sa mental 'to oh." Natatawang sabi naman ni Mika.

Tawa lang kami ng tawa hanggang sa tinawag na ulit kami ni Ateng nasa stall kanina. Dinala na niya kami sa may dalampasigan at pinasakay na kami isa-isa sa banana boat. Nasa pinaka unahan si Kim. Malakas daw kasi siya kaya dun siya pumwesto.

"Oy Kim. Pag nalaglag ka dyan, sagot mo lunch nating ngayon ah!" Sigaw ni Carol.

"Tss. Pano pag hindi, sagot mo?" Mayabang na sagot ni Kim.

"Yabang mo. Bwiset ka!" Sigaw ko kay Kim at tumawa lang siya.

Sumunod naman ang kambal kay Kim. Nauna si Cienne kaya siya ang nasa likod ni Kim at si Camille naman ang pangatlo. Pang apat naman si Carol at ako na ang sumunod. Gusto ni Yeye sa likod daw siya.

"Handa na ba kayo? Sisimulan ko na banana boat ride niyo." Tanong ni Manong. Hihilahin kasi ng isang motor boat yung sinasakyan namin.

"Oy Kim yung libre ha?!" Sigaw ni Carol bago umandar yung sinasakayan namin.

SWITCHED (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon