11/05/15
-------
"Haaayyy !"
Napabuntong hininga ako dahil hindi pa ako nakakalahati sa ginagawa ko.
Katatapos lang ng final examination namin para sa 2nd grading pero marami pang paperworks ang kailangang tapusin bago makapag sembreak.
Disadvantage kasi ito ng mga schoolars,nagbabakasyon na yong ibang estudyante samantalang kami andito parin sa school at taga sunod ng utos ng mga guro.
Parang wala pa namang sembreak dahil marami paring estudyante dito sa Academy para kompletuhin yong requirements nila sa mga subjects nila.
Binalik ko nalang uli sa patong patong na test papers ang atensyon ko tsaka pinagpatuloy ang pagchecheck.
Kaninang 8:00 AM pa ako dito at magaapat na oras na akong nagchecheck.Hindi ko naman magawang magbreak kasi kailangan ko itong tapusin hanggang 3:00 PM.
TOK TOK
"Pasok" ansabe ? Feeling boss ang ate niyo
"Krystel punta ka daw kay Miss Arce sa faculty office"
"Sige"
Tinapos ko muna yong hawak kong papel bago tinungo ang faculty office.
Kumatok muna ako bago pumasok sa loob.Agad ko namang nakita si Miss Arce kaya dumiretso ako sa kanya.
"Ma'am pinapatawag niyo daw po ako?"
"Iha paki check naman yong mga test papers dyan oh.Marami pa kasi akong ginagawa"
"Sure ma'am" Pinilit kong ngumiti pero sa isip isip ko sinusumpa ko na si Ma'am.Nadagdagan na naman ang trabaho ko.
Nakasimangot akong lumabas ng faculty Room habang hawak hawak ang sagabundok na test papers.Kainis ang bigat bigat pa!
"Need a help?"
"Sinabi ko na sayo,I don't need your help!"
Binilisan ko nalang yong paglalakad.Iniiwasan na nga,lapit naman ng lapit.
"Hindi ba mabigat?"
Hindi ko siya binigyan ng sagot.
"Akin na tulungan na kita"
Akmang kukunun na niya yong mga test papers sa kamay ko ng nabitawan ko.Napasabunot nalang ako sa buhok ko
"Tingnan mo ang ginawa mo?" Inis na sabi ko sa kanya
"Sorry,gusto ko lang naman na tu--"
"Ilang ulit ko na bang sinabi sayo na hindi ko kailangan ng tulong mo?"
Hindi na niya ako sinagot pa at pupulutin na sana yong mga testpapers pero hindi ako pumayag.
"Ano ba! Umalis ka na nga"
"Hayaan mo nang tulungan kita"
"Bakit ba ang kulit mo?Ano bang gusto mo huh?May kailangan ka ba sa akin?Bakit ba lagi mo nalang akong kinukulit?Pwede bang wag mo na akong guluhin?Kailangan ko pa bang ipamukha sa iyo na tapos na ang pagkakaibigan natin?At isa ka na lang stranger sa buhay ko?"
Derederetsong sabi ko sa kanya.Saglit akong napatingin sa mga mata niya pero agad din akong umiwas.Bakit ganoon?ang lamig ng tingin niya.Hindi mo makikita ang lungkot o galit man lang sa sinabi ko sa kanya.
Pinulot ko nalang ang mga testpapers na nagkalat sa sahig.
"Jane"
Hinawakan niya yong magkabilang balikan ko pero saglit lang iyon dahil biglang sumulpot si Lei at tinulak si Yiru palayo sa akin.
BINABASA MO ANG
You're lucky,I'm inlove with you(ON HOLD)
Teen FictionIsang Ordinaryong pagmamahalan ang meron sila.Gaya ng ibang love story ang istorya ng pag-iibigan nila.Maraming susubok sa kanilang samahan.Sa lahat ng pagsubok nila,iisa lang ang itinatak nila sa kanilang isipan.Understanding,naniniwala sila na kap...