Chapter Six

120K 3K 392
                                    

CHAPTER SIX

IT WAS such a wonderful, pleasurable, and glorious feeling.

Kahit kailan hindi nakaramdam ng ganoon si Lavender. It was her first time. Everything was...well, painful at first. Very, very painful. Akala niya hindi titigil ang sakit ngunit humuhupa pala iyon. Napapalitan nang kakaibang sensasyong magdudulot nang masasarap na kilabot sa buong katawan.

Her heart was heavily pounding, she can feel her blood racing fast through her veins, and all her senses heightened. Lalo na ang kanyang sense of touch. Parang sa bawat masuyong haplos ng mga kamay ni Reynald sa kanyang katawan ay damang dama niya. Lahat nang hinaplos nito ay pinaraanan rin ng mga labi nito. She would moan and groan to the sweet sensation his hands and lips were giving.

Reynald was worshipping her. Now more than ever, she felt like a true queen. His queen.

She had read about sex. She's not totally innocent about it. Ngunit iba pa rin kapag mismong naranasan, nalalagpasan niyon ang kahit anong description na nabasa niya. It surpassed all of her expectations.

Habang tinititigan niya si Reynald na mahimbing nang natutulog sa tabi niya ay napapangiti na lang siya. She knew, she already got him. Habang may nangyayari sa kanila kanina, pangalan niya ang binubulong nito.

Lasing nga ito, but he's well aware of what he was doing with her.

Hindi alam ni Lavender kung ilang oras niya nang tinititigan lang si Reynald. Habang ginagawa iyon ay masaya niyang iniisip kung sa paggising nito ay ano nang magiging pagkilos nila sa isa't isa.

Is she his girlfriend now, too?

Too.

Napapikit si Lavender nang parang may tumarak sa puso niya. Nalusaw ang mga ngiti niya, bumalik ang utak niya sa katinuan at reyalidad.

"Oh my god," kagat-labing bulong niya sa sarili. Tumalikod siya kay Reynald at kinipkip ng mahigpit ang kumot na nakabalot sa dibdib.

Nagtagumpay siya na makumbinsi si Reynald na magtaksil sa girlfriend nito.

Bigla siyang sinugod ng konsensya. Kung kailan tapos na, kung kailan may nangyari na, saka siya kinonsensya? Saka siya nakaramdam ng takot sa ginawa? Saka niya gustong sumuko? Parang gusto niyang magsisi?

Napapikit siya at pinigilang maiyak.

She's really not a good girl, but she's not that bad either. Alam niya ang tama. Alam niya ang mali. She grew up memorizing and living all the good manners, right conduct, and important virtues.

Pero ano 'tong ginagawa niya? Talagang binali niya lahat ng prinsipyo niya? Ganoon ba kapag nagmamahal? Ganoon ba kapag na-in love nang sobra? Because in her past relationships, she never thought of breaking her virtues. Ibig bang sabihin niyon, hindi totoong pagmamahal ang naramdaman niya sa exes niya?

O maling pagmamahal ang nararamdaman niya kay Reynald ngayon?

But how could love be wrong?

Marahang humiga ulit siya ng paharap kay Reynald. By seeing his face and by remembering what they just did, maybe it's worth it.

Or not.

Gulong-gulo at sising-sisi pa rin si Lavender nang makatulog. Ang tapang pa niya noong una, pero nang nagkasubuan na, naduduwag na siya.

Nagising muli siya na masakit ang buong katawan. Napaungol siya at pinagdikit ang mga hita dahil ramdam niya pa rin ang hapdi sa pagitan niyon. Hindi siya makabangon at ayaw niyang bumangon kahit pa humahalik sa balat niya ang mainit na sikat ng araw mula sa labas ng bintana.

Sassy Classy Brat (TOG #3) - Published by PHRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon