Clarish's POV
*Kriiiiinnnggg* *Kriiiiinnnggg*
"Ay!" Nakakagulat naman tong alarm ko.
Pinatay ko yung alarm ko,
saka ako nag-inat..
sabay hikab..
tapos humarap sa bandang kaliwa..
tapos ikot sa kanan..
tapos..
*Blag!*
"Aray ko po!" Nagising ako ng tuluyan ng mahulog ako sa kama. 5:30 AM na pala? Yiiiihhhh! i'm so excited na!
==========
Pagkatapos kong maligo at magbihis ay bumaba na ako para pumunta sa kusina. Habang pababa ako ng hagdanan, bumungad sa kin yung napakabangong amoy ng pagkain kaya napabilis ang lakad ko papunta sa kusina.
Nakita ko si manang na nakatalikod kaya dahan-dahan akong lumapit sa likuran niya sabay sigaw ng..
"Good morning po Manang Beth!"
"Ay butiki!" Napatalon siya sa gulat saka ako sinamaan ng tingin. Si Manang Beth ang kasama ko dito sa bahay. Nasa Canada kasi si mama at doon siya nagwowork. Si papa naman ay matagal ng nag 'Rest in Peace' dahil sa sakit na lung cancer.
"Ikaw na bata ka, paano kung natapon itong niluluto ko?" Nag peace sign naman ako sa kanya sabay ngiti abot tenga. "Teka lang iha, bakit napakaaga mo naman atang gumayak ngayon?"
"Siyempre po, first day of school po kasi kaya ayaw kong ma late." Yup! I'm really excited because this will be my first day as a senior high school student. And I'm sure na eto yung magiging most memorable year of my high school life lalo na at sa St. Bernadette Academy ako nag aaral.
"Ano po ba yung ba yung niluluto niyo at mukha pong masarap?" Sabay turo ko dun sa niluluto ni manang.
*sniff* *sniff*
Wow! Ang bango talaga..
*kruuug* *kruuug*
-_-
Ooops! Talagang namang hindi mapigilan tong tiyan ko.
"HAHAHAHAHA!" sabay kaming napatawa ni manang sa tunog ng tiyan ko.
Bumalik ulit siya sa paghahalo nung niluluto niya. "Mukhang nagugutom ka na iha ah? Huwag kang mag alala at malapit ng maluto itong beef tapa."
Beef tapa? Kyaaaaaaaaaah! Ang sarap naman!
*O*
Sa wakas! Natapos ding magluto si manang. Nilapag na niya sa dining table yung ulam at yung bagong saing na kanin. Sumandok ako ng kanin at inilagay ko sa pinggan ko at dun ko binuhos yung sauce ng beef tapa. Hmmmmm! Umuusok pa sa init kaya lalong akong naglalaway sa pagkain.
'Thank you Lord, bless this food. Amen!'
Grabe! Sobrang dami kong nakain ngayon. Maswerte lang talaga ako na hindi ako tumataba hihi. Ang sarap sarap sarap sarap sarap sarap talagang magluto ni manang kaya love na love ko siya eh.
Uy! Kayo ha, hindi dahil sa masarap magluto si manang kaya ko siya love. Pero siyempre isa na yun sa dahilan at siya na kasi yung nakasama ko simula nung nag abroad na si mama kaya para sa akin siya na yung pangalawang mother dear ko.
Oo nga pala, kanina pa ko nag poPOV dito..
Ako nga pala si Clarish Jane Sarmiento, 17 years of age and I'm single and ready to mingle. Chos! Joke lang. Talagang single ako dahil napakabata ko pa para magka boyfriend. Well, para sa akin lang naman yun. Iba't iba naman tayo ng opinion and it's a free country, we can say what we want tsaka hindi ko pa siguro nakikilala yung makakapagpa boombastic ng puso kong ito. Charing!
Wait! Kailangan ko na palang umalis at baka ma late ako sa school.
Niyakap ko muna siya bago ako nagpaalam. "Alis na po ako Manang Beth! Salamat po sa masarap na breakfast. Bye po!"
"O sige, mag iingat ka iha." Sabay kaway habang papaalis na ako.
O siya, see you sa next chapter ah? Babush! Ingat ako haha
BINABASA MO ANG
Obsession [On Hold]
Teen FictionHave you experienced falling inlove? Be loved? Maybe, yes. It's nice to love and be loved. Paano kung yang LOVE na yan ang magiging worst nightmare mo? Or should I say, YOU WILL BE THEIR WORST NIGHTMARE? Find out how LOVE becomes the SCARIEST thing...