Dedicated to sa kanya kasi Isa siya sa nag-vote sa isang One Shot ko na 'Assumera' ang Title. God Bless Sa'yo :) Thanks dahil napansin mo ang Story ko.
Masarap bang Magmahal?
Masarap bang magmahal? Yan ang lagi kong tinatanong sa tuwing nakakakita ako ng mga couples na laging magkasama at ang sweet-sweet sa isa't isa.
Wala eh! Inggitera CHOS. Wala kayong magagawa kasi isa akong dakilang NBSB na never pang na-inlove [Bakit? Meron namang NBSB na na-inlove na diba?]
Kaya nga minsan gusto ko ng main-love kaso natatakot naman akong masaktan. Ang gulo noh?
Hayaan niyo na siguro naman ang iba din sa inyo hindi pa naeexperience ma-inlove. Kumbaga Virgin pa ang puso natin kasi wala pang Nakakawasak, Hahahaha.
Sabi nila ang hirap daw maging single, Ay teh! Agree ako jan, bukod sa alone ka na kapag Valentines Day, Christmas Day at lahat ng may Day, Alone ka din kapag gusto mong mag-gala.
Ang hirap kayang mag-isa, kaya nga may quote na "No man is an Island." Dahil walang kayang mabuhay na siya lang mag-isa. May iba naman na tutol sa katagang mahirap maging single. What friends are for nga naman daw eh? Naku, kung ako senyo 'wag kayong maniwala na nandiyan ang Friends niyo lagi para sa inyo. Nunca, kapag nagkaroon din yan nang boyfriend o girlfriend, Itsapuwera na lang ang beauty mo. Dahil ang priority na nila ay yung mga jowa nila. Ang bitter ko talaga Chos!
Pero, eto na talaga,
One day, My classmates and I decided na pumunta sa MiniPark a.k.a sa Munisipyo sa lugar namin dahil doon daw gagawa ng project. So nakisabay ako sa kaklase ko papunta dun. Nang makarating na kami akala ko walang madaming tao But then, I realized Sabado nga pala Tss. I hate attention pa naman. So hindi ko nalang pinapansin yung mga tumitingin sa amin.
Ganun naba ako kaganda para pagtinginan? Joke! Lakas ng apog ko ano? Pero kasi lalaki naman yung kaklase ko eh. Hahaha
Minutes has passed at hindi pa din dumadating ang mga ibang kaklase ko,sa sobrang pagka-bored ko naglakad-lakad na lang ako at iniwan ko yung isa kong kaklase.
Until,
May narinig akong mga naghihiyawan sa may covered court bale kasi yung munisipyo namin sari-sari ang nakalagay, yun ngang park, court etc.Dahil curiosity kills me, pumasok ako at nagulat ako na may mga naglalaro pala, andaming tao. Medyo puno yung gym, buti na lang walang nakapansin sa kin hindi tulad ng kanina, Ba malay ko baka bawal pala at exclusive ito. Meganun?
Humanap ako ng puwesto na medyo maluwag at pasimple akong umupo. "Sana walang makapansin sa akin please." Piping usal ko habang paupo na, nang biglang..
.
.
.
*PRRRTTT
Muntik na akong mapabalikwas dahil sa lakas ng pito ng referee, opo pito yun at hindi tunog ng utot, Huwag kayong Echos.
Buti nalang matiwasay akong nakaupo, napuwesto kasi ako sa may unahan, Napansin ko nga na konti lang tao dito, Diba dapat dito sila umuupo at hindi sa taas? Weird. Pero pinabayaan ko nalang kasi nag-start uli ang game so, pinanuod ko nalang.
At napa-O to the M to the G ako, as in literal din na lumaki ang mga singkit kong mata sa nakikita ko.
Ang guguwapo ng mga naglalaro! Shocks! As in, at dahil nga adik ako sa pogi, agad-agad akong nagka-crush sa lalaking naka-red na jersey dahil bukod sa matangkad siya, maputi pa siya. He's like a God. Kaya pala, kaya pala ang daming tao dito kasi ang guguwapo pala ng mga nag-lalaro.
Napatingin ulit ako dun sa crush ko, at sa jersey niya na kulay red ay may nakalagay na number 54 sa damit niya. Aww! Sayang hindi pa naging magkamukha yung Jersey number namin, 45 kasi yung akin, kabaliktaran ng sa kanya.
Hayyyyy! Ang gwapo talaga niya.
Sa pagmumuni-muni ko, isang matinis na boses ang biglang sumigaw. "Go Baby! Go Baby! You're the winner in my heart!" Kaya naman napatahimik ang lahat at napatingin sa kanya, pwera na lang sakin na hanggang ngayon ay nakatingin pa din sa cruh ko.
At dahil nga nakatitig ako sa kanya, nakita ko kung paano, unti-unti siya nag-smile at nag-respond dun sa babae. "I love You Baby! This is for you!" sabay wink.
Tilian naman ang lahat sa nasaksihan . Shet! Ang Bongga! May mag-couple na sweet na naman akong nakita at higit sa lahat, ang isa sa couple na yun ay ang crush ko.
Inggit na naman ako. Awwts! Sarap magbigti. Ayan tuloy nasabi ko na naman ang mga katagang lagi kong sinasabi..
"Masarap bang magmahal?" kasabay nang pag-three points ni number 54 at ang pagtunog ng buzzer.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
"Oo naman masarap magmahal" Nagulat naman ako sa lalaking nagsalita, narinig niya pala yung sinabi ko kaya napatingin ako sa kanya.
That lips, that shining shimmering eyes, that pointed noise and that boy. Lumaki na naman ang mga mata ko dahil sa katabi ko. Napatingin ako sa kanya at kay number 54, pabalik-balik ang tingin ko sa kanilang dalawa.
Mukhang na-realize ng katabi ko kung bakit, kaya nagsalita ulit siya. "Yes, magkapatid kami, actually we're twins." Nakangiti niyang sabi.
Kaya pala at pansin ko ding naka-jersey din siya, kulay grey nga lang. Tiningnan ko ang number ng jersey niya at nagulat ako. It's 45. Destiny? Ikaw ba yan?
Speechless ako kaya talagang nakatitig lang ako dun sa jersey niya. Imagine, naka-grey din akong jersey at number 45 pa..
Napatingin din siya dun at ngumisi, Bigla naman niyang hinawakan ang kamay ko at hinarap ako sa kanya.
Nagsalita ulit siya. "Once again, uulitin ko ang sagot ko sa tanong mo, Oo, masarap magmahal lalo na kung ako ang magmamahal sa'yo. Gusto mo bang ma-experience Babe? The choices are Yes, Of course, Alright, and Sure, You choose." Nakangisi niyang sabi.
I think I've already found out the answer on my question.
Fin.
All Rights Reserved 2015
Property of Ris_Chris
BINABASA MO ANG
Masarap Ba Magmahal
Short StoryMasarap bang magmahal? Ano bang feeling kapag in-love ka? Masaya ba tuwing may kasama ka sa lahat ng oras? At totoo bang walang kapantay kapag nandun ka na sa ganoong feeling? Masarap bang magmahal? Kung ganon, pa-experience nga, kahit pang-life tim...