'St. Bernadette Academy'
At last! After 123456789 years , andito na din ako sa harap ng school. Mayroon kasing aksidente sa intersection kanina. Buti na lang at minor accident lang iyon kung hindi ay late na late na ako or worst, hindi pa ako nakapasok. May 15 mins. pa namang natitira kaya keribels pa.
Ang St. Bernadette Academy ay kilalang school dito sa bansa. Bukod sa napakamahal ng tuition fees ay nag eexcel din ang mga students dito academically. Paano ako nakapasok dito sa SBA?
Ganito yun, valedictorian kasi ako nung elementary kahit naman na medyo kalog ako ay seryoso naman ako sa pag-aaral kaya nung nag apply ako for scholarship ay hindi naging mahirap para sa akin ang makapasa sa exam at pasok naman yung grades ko sa standards nila.
"Ish!" Wait? Si bessy yun ah? Yup! boses palang alam na alam ko na kung sino yung tumawag sa kin. Agad naman akong napalingon sa likuran ko.
"Bessy!" Tumkabo ako papunta sa kanya sabay yakap.
"B-bessy, I-I can't breathe!" Napahigpit pala yung yakap ko sa kanya.
"Hala bessy I'm sorry. Na miss lang talaga kita ng bonggang bongga!" Kumalas ako sa pagkakayap sa kanya, siya naman ay kumapit sa braso ko.
"Okay lang bessy, so how's your vacation?" Tanong niya habang naglalakad kami papasok ng gate.
"As usual ganun pa din, sa bahay lang ako buong summer vacation pero okay lang atleast madalas kaming magkausap ni mama sa skype. You know, bakasyon kaya pwedeng mag puyat hihi."
Hindi kasi ako pinapayagang lumabas ni Manang Beth unless kasama ko si bessy. Hindi daw kasi safe kung lalabas ako ng mag isa. "Ikaw naman bessy, kumusta U.S?"
"Okay lang naman pero mas masaya kung kasama kita," sabi niya sabay pout.
"Haist! Ikaw talagang babae ka. Dapat nag enjoy ka na lang doon para nasulit yung bakasyon mo and besides, alam mo namang napaka strict ni mama at ni Manang Beth diba?"
Hindi kasi ako pinayagang sumama kay bessy sa States kasi daw hangga't hindi pa ako nakaka graduate ng high school, hindi pa ko pwedeng umalis ng bansa feeling kasi nila mama baby pa rin ako haha. Pero okay lang na hindi ako nakasama kay bessy kasi I'm sure na siya na naman yung gagastos ng lahat. Kahit naman mag bestfriends kami, hindi ko naman inaabuso yung pagiging generous niya.
Siya nga pala si Ariane Levi Romualdez, 17 years of age. Rich, famous, gorgeous, kind, sweet and most of all humble. Kaya hindi na nakapagtataka kung bakit napakadami niyang admirers hindi lang dito sa school kahit sa ibang schools ay marami din siyang admirers.
"Okay fine, let's not ruin the mood besides, it's our first day as a senior right? Speaking of our first day, bilisan na natin at baka ma late tayo sa class natin." Sabay hila niya sa braso ko. Tama siya, first day namin kaya dapat good vibes. Pero kung makahila naman to parang last day na and to think na ang taas ng heels niya ha.
"Dahan dahan lang bessy, makakarating din tayo sa room on time. Naka heels ka pa man din baka bigla kang madapa hahah-..."
*booogsh!*
Kakasabi ko lang na baka 'SIYA' ang madapa pero bakit 'AKO' ang bumulagta?
_______________________________________
A/N: Nakakabitin po ba? Hehe pasensiya na at nagloloko si wattpad. Bukas po yung update. Promises with SSS haha, at makikilala niyo na din yung ibang cast ng obsession.
Goodnight readers! XOXO
October 26, 2015
BINABASA MO ANG
Obsession [On Hold]
Teen FictionHave you experienced falling inlove? Be loved? Maybe, yes. It's nice to love and be loved. Paano kung yang LOVE na yan ang magiging worst nightmare mo? Or should I say, YOU WILL BE THEIR WORST NIGHTMARE? Find out how LOVE becomes the SCARIEST thing...