NASAAN AKO?
**
"Zacc."
Mahinahon ang naging pagtawag ko sa kanya kahit na halos sumabog na ang buo kong katawan sa pinaghalong lungkot at takot.
Nang lingunin niya ako ay gulat ang rumehistro sa kanyang mukha.
"N-nav.." turan niya habang mabagal na tumatayo sa pagkakaupo.
Pinasadahan ko ng tingin ang mga tao sa kanilang table. Lahat sila ay nakatingin sakin. Iisa ang emosyong nakikita ko sa kanilang mga mata...
Lungkot at awa.
Alam kong nakakaawa ako, oo. Alam kong mukha akong tanga ngayon sa harapan nilang lahat. Ni hindi ko nga alam kung paano ako nakarating dito sa Prime Club, ang natatandaan ko lang ay iyak ako ng iyak at hindi nalabas ng kwarto simula pa noong isang linggo.
But I can't just let this pass.
Isang bagay na natutunan ko ay hindi basta basta na lamang pagsuko sa mga taong mahal ko. I love them so fighting would never be a big thing.
"Nasaan si Xylem?"
"Nav... h-hindi..."
Tumulo ang isang butil ng luha mula sa mga mata ko.
Nararamdaman ko nanaman na mabibigo ako ngayong araw. Isang linggo ng wala si Xylem at halos lahat ng taong konektado sa kanya ay pinagkakaitan ako ng imposmasyon kung nasaan siya, kung anong nangyari at kung bakit siya umalis ng hindi ako binibigyan ng kahit isang salita lamang.
"Zacc please. Please sabihin mo naman sa'kin oh. Please Zacc."
Hindi ko na kaya. Bumagsak ang mga tuhod ko sa harapan niya.
"Naveen!"
Nahawak ni Zacc ang isa kong kamay pero huli na. Nakaluhod na ko ngayon sa kanyang harapan. He is my last draw. Siya ang pinakamalapit na kaibigan ni Xylem at alam kong alam niya kung nasaan ito.
"Please."
I cry my heart out. Wala akong pakealam kung pandirihan ako ng mga taong nakatingin sa amin ngayon.
"I need to see him. I need to talk to him. Zacc please, nasaan si Xylem?"
Nag-angat ako ng tingin sa kanya. His eyes were confused and lonely. Para bang napakahirap sa kanyang sabihin sakin ang totoo.
"Naveen stand up."
Hindi ko siya pinansin at sa halip lalo lamang akong yumuko at umiyak. Desperada na ako, oo. I have no choice. Ayokong mabulok ang sarili ko kakahintay kay Xylem. I can't do that. Ipaglalaban ko ang taong mahal ko, even if it means breaking me firmly.
Unti-unti ay naramdaman ko ang pagpapantay namin ni Zacc. He look at me with those eyes. Alam ko. Alam niya kung anong totoo. Alam niya kung nasaan si Xylem.
"Nav..."
He started, almost bowing."He's in New York."
---
Namulat ako kinabukasan sa pagtama ng sinag ng araw sa mukha ko.
Napaupo ako sa kama at pinalis ang mga luha sa aking basang pisngi.
That nightmare again.
Palagi kong napapanaginipan ang nangyaring yun pero huminto yun ilang buwan na ang nakakalipas. Ngayon na lang ulit. Siguro ay dahil napapalapit nanaman ako kay Xylem, sa lalaking dumurog ng buo sa akin.
Tinanggal ko ang nakapatong na comforter sa aking katawan at bumaba ng kama.
Hindi pa man ako nakakahakbang ay naramdaman ko na ang elektrisidad na kumislap sa ulo ko.
"Shit!"
Agad akong napaupo pabalik sa kama. Ang sakit ng ulo ko!
Pinalagpas ko ang limang minuto kakahilot sa aking sentido kahit na hindi naman matatanggal noon ang sakit.
I need help. I need Cleo right now, or even Gertrude. Umangat ang tingin ko at akmang tatayo ng muli nang mapansin ko ang hindi pamilyar na kurtinang nakasabit sa kwarto.
Kulay gray ito.
Nilingon ko ang kamang inuupuan ko. Kulay gray din ang mga unan maging ang bed sheet. Ang table na malapit sa akin ay may isang orasan at ilang picture frame na nakataob. Kinuha ko ito at ibinaligtad.
Nanginig ang kamay ko sa pagkakahawak dito. Halos mabitawan ko na ito.
Nangilid ang luha ko habang nakikita ang aking sarili sa litrato kasama si Xylem.
It was taken years ago. Natatandaan ko ito. Ito ang unang date naming dalawa sa isang museum.
Bakit. Bakit meron nito dito? Nasaan ba talaga ako? This is definitely not my house.
Inikot ko ang paningin ko sa buong kwarto, nagbabaka sakaling may mahanap pang ibang impormasyon sa may-ari ng bahay na 'to.
For God sake I spent my whole night here, drunk! At hindi ko alam kung nasaan ako. How can I be so irresponsible? Hindi na ko iinom ulit, sinusumpa ko!
BINABASA MO ANG
Thesis Love
General FictionThesis project. With your ex. Topic: Marriage. Great, just great! This will be the end of me. - Naveen Dela Cruz