Clarish's POV
'Clinic'
"Bessy sorry ah, hindi ka tuloy nakapasok dahil sa akin."
Nakakahiya kay bessy, ayaw na ayaw niyang ma late tapos ngayon na absent pa siya? Ito lang yung year na hindi siya makaka perfect ng attendance. Thanks to myself *insert sarcasm here*
"Don't worry bessy okay lang yun, it's more important na ma check yung condition mo before akong pumasok sa class natin." Haaay ang sweet talaga ni bessy ko. Paano na lang ako kung wala siya.
"Papasok na din ako bessy, okay na talaga ako. Promise, malayo naman eto sa bituka hehe... Aray ko bessy!" Kinurot niya kasi ako sa tagiliran. Kasakit nun ah?! Ano na naman bang ginawa ko?
"Malayo nga sa bituka pero look at you, halos hindi ka nga makatayo kanina. Hindi pa tayo makakarating agad dito sa clinic kung hindi tayo tinulungan nung...O.O
Yung angel ko...
Flashback...
'Okay fine, let's not ruin the mood besides, it's our first day as a senior right? Speaking of our first day, bilisan na natin at baka ma late tayo sa class natin.'
'Dahan dahan lang bessy, makakarating din tayo sa room on time. Naka heels ka pa man din baka bigla kang madapa hahah-...'
*booogsh!*
Kakasabi ko lang na baka 'SIYA' ang madapa pero bakit 'AKO' ang bumulagta?
Ouch! I feel dizzy. Wala akong maramdaman except..."O.M.G bessy! Are you okay?"
Grabe, ang sakit ng ulo ko, hindi ako makatayo. Ano ba kasi yung tumama sa ulo ko?
"Bessy? Bessy? Uy bessy wake up. Kakagising mo lang tapos matutulog ka ulit?"
"Aray ko po," ang sakit talaga huhuhu
"Bessy? Oh my gosh! Okay ka lang? Kaya mo bang tumayo?"
Nako si bessy mukhang iiyak na, ayaw kong makitang umiyak si bessy dahil matagal siyang mapatigil sa pag iyak.
"Okay lang ak-..." naputol yung sasabihin ko ng may lalaking...
No way! Patay na ba ako?! Shocks! Bakit may angel sa harap ko? Isang matangkad na napaka amo ng mukha, singkit ang mga mata, ang bridge ng ilong aba'y napakataas! Tapos may mapupulang mga labi..
Naputol yung pagpapantasya ko nang magsalita siya.
"Miss? Are you okay? Nako sorry talaga, we didn't mean it. Come on I'll help you, kaya mo bang tumayo?"
Eh? hindi pa ako patay?Palipat lipat ako ng tingin kay bessy at dun sa angel. Nang ma realized kong hindi pa nga ako patay..
"Don't worry okay lang ako.." Pinilit kong makasagot agad, buti na lang at hindi ako natatarang.
Grabe! nakakahiya. Nahalata kaya niyang kanina pa ko nakatitig sa mukha niya? Waaaaah! Nakakahiya talaga. Makatayo na nga..
*_*
Woah! Umiikot yung paningin ko. Matutumba na sana ako nang masalo ako nung angel.
"Hala bessy, are you sure you're okay?" Bakas sa mukha niya ang pag-aalala.
"Tara, I'll bring you to the clinic." Nagulat ako nung binuhat ako nung angel tapos may binulong siya sa akin..."Huwag kang mag alala, hindi kita pababayaan."
End of flashback...
Oo nga pala, kanina pa tayo nag uusap dito. Nakalimutan na tuloy natin yung tumulong sa 'yo." Asan na nga ba yun? Gusto ko ulit makita yung angel ko.
"It's okay, don't mind me. I'm sorry ulit about sa nangyari kanina. By the way, I'm Patrick Neil Sanchez, Pat for short." So 'Pat' pala yung pangalan nung angel ko? Bagay na bagay sa kaniya.
Ay! Nakikipag kamay nga pala siya. Inabot ko agad yung kamay niya. Clarish Jane Sarmiento, umayos ka! Pigilan mo ang iyong sarili.
"I'm Clarish, Clarish Jane Sarmiento."
Hindi ko maiwasang mapangiti habang hawak ko yung kamay ni angel, shocks! Kinikilig ako."Clarish? What a nice name but I prefer to call you Jane." Jane? Wala pang tumatawag sa akin nun ah. Pero sige na nga basta ikaw and I prefer to call you my 'Angel'. He's still smiling at me.
Kyaaaaaaaaaaahhhh! Ngiti pa lang niya nasa heaven ka na.Hindi ako mabilis ma attract sa isang tao, pero.. kay angel? Angel nga diba? Char! Pero ang wierd lang, parang may something sa kanya. I can't distinguish if it's a positive or negative aura and yet I can't take my eyes off him.
"Ehem!" Bumalik ako sa katinuan ko ng marinig ko si bessy. Napatingin ako sa kaniya at saka siya ngumisi ng nakakalokong ngiti.
"I'm Ariane Levi Romualdez, just call me Ariane." Pagpapakilala niya she offered her hand at inabot naman ito ni angel.
BINABASA MO ANG
Obsession [On Hold]
Teen FictionHave you experienced falling inlove? Be loved? Maybe, yes. It's nice to love and be loved. Paano kung yang LOVE na yan ang magiging worst nightmare mo? Or should I say, YOU WILL BE THEIR WORST NIGHTMARE? Find out how LOVE becomes the SCARIEST thing...