Cradle Snatcher (OneShot)

188 1 0
                                    

Written By: CoffeePrincess / msmikhamyx

**

Kakaiba ang heart-breaking story ko. Akala ko mas maganda makipag-relasyon sa isang may edad. Doon sa isang malayo ang agwat ng edad sa akin, at mas mature kaysa sa akin, para siya ang magtuturo sa akin ng mga bagay na hindi ko pa alam.

Kaya sinagot ko si Jeff. Twenty years old ako, siya naman thirty five. Sabi niya, may business siya, may sarili daw siyang shoe store.

Kaya tuwing pupunta sa bahay si Jeff ay laging may pasalubong kaya gustong-gusto siya ng parents ko.

Isang araw may nag-text sa akin. Hindi ko kilala ang number. Sabi niya, cradle snatcher daw si Jeff. Mahilig sa batang girlfriend. Kung ilan na raw ang naging girlfriend nito na laging malaki ang agwat ng edad sa kanya.

Natakot ako. Tinanong ko kung sino ang nag-text pero ayaw namang sabihin  kung sino siya. Kapag tinawagan ko naman ay hindi sinasagot.

Pinabasa ko ang message kay Jeff pero hindi niya pinansin, kaya huwag ko na raw pansinin, baka naninira lang, baka naiinggit lang daw sa amin. Pero naging alerto ako mula ng mareceive ko ang text na iyon. Parang lagi ko na siyang pinagdududahan.

Kung cradle snatcher si Jeff, alam ko na kung ano lang ang habol niya sa isang babae. Yun na ang--    O________________O

At hindi nga ako nagkamali. Hiniling nga niya ang pagkababae ko.Syempre hindi ko binigay. Kung para lang maka-experience, tulad ng iba, no way. Hindi ko gusto yun.

Tumanggi ako sa gusto niya at nagsimula ng manlamig sa akin. Hindi na siya nagte-text. Hindi na siya nagpakita. Hindi na siya pumupunta sa amin.

Nagpakilala na sa akin ang nag-text. Ex-girlfriend daw siya ni Jeff, at kilala niya daw ako. Kinuha niya ang number ko sa isang kaklase ko na kapitbahay nila. Matapos raw makuha ni Jeff ang gusto nitong makuha sa kanya ay iniwan na lang siya basta.

Ganun daw si Jeff, halos buwan-buwan ay nagpapalit ng girlfriend. At hindi raw ito nakikipag-girlfriend sa lampas sa edad na twenty five.

Delikado pala ako! >__________________<

Naisip kong makipag-break na lang kay Jeff, kasi nanlamig na siya sa akin mula ng tanggihan ko siyang ibigay ang isang bagay. Pero parang nalungkot rin ako. Kasi, parang napamahal na sa akin si Jeff. Pero kailangan kong maging matatag.

Iyak ako ng iyak; habang iniisip na magkakahiwalay na kami ni Jeff, na mawawalan na ako ng boyfriend. Bakit kasi ganito ang guhit ng palad ko?!

Matagal kong pinag-isipan kung makikipag-break ba ako kay Jeff. Hindi ko na kasi ramdam na mahal niya ako. Siguro nga, hindi ko na dapat hangarin na ghaganda pa ang relasyon namin. Nakipag-formal break up ako kay Jeff.

Ang sabi niya, hindi ko daw talaga siya mahal kasi ayaw ko ibigay sa kanya ang bagay na hinihingi niya. Hindi ko na siya inintindi. Hindi naman pala ganun ka-sakit ang makipaghiwalay sa kanya, na gaya ng nauuna kong inisip.

Kayang-kaya ko pala na wala siya sa buhay ko.

Nang mga sumunod na linggo, sunod-sunod ang balita na dumating sa akin. Ang tungkol sa pagiging cradle snatcher ni Jeff. Totoo pala yun, hindi lang doon sa ex niya na tumawag sa akin, kundi sa iba pa.

Mahilig pala talaga siya sa batang babae at kapag nakuha na niya ang gusto niya ay iiwan na.

Mabuti na lang, naging matalino ako kesa sa kanya. Kung hindi, kabilang ako sa mga naging biktima niya!

Thank God. He guided me para wag mapahamak sa cradle snatcher na yan!

FINALE

Cradle Snatcher (OneShot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon