Chapter 9 : I'm Lying

19.4K 282 4
                                    

Hindi pa rin ako makaget-over sa mga nangyayare sa akin. Nakakabigla kasi hindi ko pinangarap na maging ganito ang trabaho ko and beside wala na kong magagawa dahil ito na ang kapalaran ko at saka three months lang naman ako magwowork. Tatlong buwan lang naman. At isa pa kahit paano nakakatulong na ko. Nakakatulong na ko kay Mama.

Minsan naiisip ko rin mas makakabuti din na mag sinungaling. One thing I remember na sinabi sa akin ni Mama, may dalawang uri daw ng klase ng pagsisinguling. Isang nakakabuti at isang hindi maganda ang naidudulot. Para sa akin nasa mabuti ang pasisinungaling ko dahil malaki ang naitulong nito sa amin.

Hindi ko lang masabi talaga kila Mama ang sitwasyon ko.

Bahala na saka ko na lang sasabihin at ipapaliwanag sa kanila kong ano ba 'tong pinasok ko. Ayukong gumulo pa. Tama na yung ganito. Ako lang ang nakakaalam.

Pabalik balik ang tingin ko sa screen ng cellphone. Nag-aantay ng tawag o text man lang mula sa kanya. Gusto ko din kasing malaman kung ano ang susunod naming hakbang.

Pinagmasdan ko ng maigi sila Mama at si Mila. Kumakain kami ngayon ng dinner. Natutuwa ako dahil kahit paano ay masaya pa rin kami sa kung anong meron kami ngayon. Panay nga ang tanong nila sa akin tungkol sa work ko lalo na si Mama. Baka daw nahihirapan ako o masungit yung boss ko. Mag-iingat daw ako lagi. Typical na sinasabi ng isang nanay sa kanyang mga anak.

"Wag kayong mag-alala Ma. Okay naman po yung Boss ko. Hindi naman ako nahihirapan. Sa umpisa talaga naninibago ako pero okay naman ang mga kasama ko. Pasasaan bat masasanay din ako." ang sabi ko saka muling kumain.

"Basta anak, pag hindi mo na kaya sabihin mo lang?"

"Mukhang enjoy naman 'ata yang si Sisteret Ma, paano ba naman Ma, ang gwapo pala nung boss niya." singit ni Mila dahilan para pandilatan ko siya ng mata.

"Sister?" saway ko sa kanya. Tumingin naman sa akin si Mama na parang may gustong malaman.

"Naku anak, wag na wag mong gagawin yun. Alam mo naman na iisa lang ang mga bituka ng mga mayayaman na 'yan! Kaya mag-iingat ka. Makisama ka lang ng naaayon basta wag kang bibitaw." ang payo sa akin ni Mama. "Sa nga pala, ano nga pala ang work mo sa BC?"

Napatigil ako sa pagnguya at kumuha ng tiyempo kong anong isasagot ko.

"Secretary po Ma." ang mahinang sabi ko.

"Paghusayan mo dahil alam mo naman kong gaano kahirap maghanap ng trabaho dito sa Pilipinas. Galingan mo para mapromote ka." ang pahayag ni Mama.

"Opo Ma." sabi ko.

Itinuon ko na lang ang aking atensyon sa plato habang kumakain. Kung alam niyo lang kong ano ang totoo. Kung alam niyo lang kong ano ang pinasok ko for sure hindi kayo sasang-ayon sa naging pasya ko. Hindi ko pwedeng sabihin sa inyo kong ano yung ginawa ko dahil alam ko naman na hindi kayo papayag kapag oras na malaman niyo kong ano ang totoo.

Sobrang guilt ako habang kumakain. Kinukonsenya ako ng aking ginawa.

"Sa nga pala aalis ako mamaya, mag iingat kayo dito." ang sabi Mama.

"Opo Ma." sagot naman ni Mila. Iniangat ko naman ang aking tingin sa kanila.

"Ma, aalis pala kami ni Mila ngayon. Magpapasama lang ako sa kanya. Kailangan kong bumili ng damit sa office."

"Baka naman kong saan pa kayo pumunta? O sige basta wag magpapagabi. Siya, akoy aalis na. Mag-iingat kayo." ang paalam ni Mama sa amin at agad na tumayo. May kinuha siya sa kusina at agad ng lumabas ng bahay.

"Hoy Sis, wala naman tayong lakad diba?" ang tanong sa akin ni Mila ng makaalis na si Mama.

"Alam ko. I know naman na gusto mong magkwento ako sayo kasi for sure hindi mo ko tatantanan na tanungin ng kong ano ano. So naisip ko na lumabas tayo."

My Boss is a Millionaire (Completed) Under EditingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon