Fall to Pieces (one-shot)

126 5 23
                                    

Pumalakpak at nag-ingay kaming lahat nang matapos ang videoke performance ng kaklase naming si Kristof. Today's the last day of this school year kaya ginawang 'farewell party' ng principal ang araw na ito para sa'ming lahat. Grade 10 na nga pala ako at ang mga kaklase ko kaya mas dama namin ang araw na 'to kaysa sa ibang grade. Maghihiwa-hiwalay na kasi kami para sa senior high, though yung iba ay dito pa rin magg-Grade 11 tulad ko.

At ito nga, matapos ang kainan at ilang games ay kantahan ang trip ng section namin dahil may nirentahang videoke. Lahat daw kami ay kakanta. The funny thing is, by alphabetical order daw. Up until now, really?

"Sychel, ikaw na."

Agad na nabaling ang atensyon ko sa katabi kong kumausap sa'kin-- si Caden, ang bestfriend ko. Dun ko lang na-realize na oo nga pala, ako ang susunod pagkatapos ni Kristof. Boy-girl alternate kasi.

Bahagya na lang akong ngumiti sa kanya. Tinanong ako ng mga kaklase namin kung anong kakantahin ko at sinabi ko sa kanila ang song number na napili ko. Inabot sa'kin ni Caden ang mic tapos tinulak ako sa harapan. Hindi naman ako kinakabahan ngayon dahil sanay na akong kumakanta sa harapan ng mga kaklase ko.

Ilang saglit pa ay sinimulang tugtugin ng videoke ang intro ng napili kong kanta. It's "Fall to Pieces" by Avril Lavigne. Dahil alam ko naman na yung lyrics nito ay hindi ako sa videoke humarap kundi sa audience. Specially at him... sa bestfriend ko.

(a/n: nasa multimedia po yung song. Pakinggan niyo guys, ang ganda! :)

"Para 'to sa mga taong nagmamahal ng patago at hanggang dun na lang," pabirong sabi ko at mahinang tumawa bago nagsimula sa pagkanta. And by that, memories started to flash back in my mind too.

"♪♫ I looked away then I look back at you
You try to say the things that you can't undo ♫♪"

It was my first day of being a high school student. Grabe ang kabang nadarama ko sa araw na ito. Pa'no ba naman, wala akong ni isang kakilala dito sa school na pinasukan ko. I mentally chanted myself "Kaya mo yan, Sychel" for the nth time habang naglalakad ako papunta sa magiging classroom ko. Grade 7, section 1.

Nang makarating ako ay agad akong naupo sa isang upuan sa pinakadulo. May pagka-mahiyain kasi ako kaya imbes na makipag-sociable ay tinitingnan ko na lang ang mga bago kong kaklase mula sa aking kinauupuan.

Then a boy suddenly caught my eyes as he entered the classroom. I don't know why but I just stared at him hanggang sa makaupo siya sa isang upuan sa may harap. Pagkatapos ay nakangiti siyang nakipag-usap sa mga tao sa paligid niya. I then admired him for being a friendly and smiley person. Gwapo na nga, ang ganda pa ng ngiti niya.

Namalayan ko na lang ang sarili kong crush na siya. Hiniling ko rin na sana maging magkaibigan kami. Pero pa'no naman mangyayari yun kung sa upuan pa lang ay malayo na ang pagitan naming dalawa?

I think destiny heard me that time. Pagkarating kasi ng adviser namin ay inayos nito ang seating arrangement at kung sinuswerte, napalapit ako sa kanya. I was seated in the second row and him on the third row, behind me.

Nagkaroon ng introduction pagkatapos ng seating arrangement. Dun ko naman nalaman ang pangalan niya. Caden Madrigal.

"♪♫ If I had my way I'd never get over you
Today's the day I pray that we make it through ♫♪"

Dismissal that same day. Medyo malungkot ako kasi natapos ang araw nang wala akong naging kaibigan sa classroom. I sighed. Kinuha ko na lang ang bag ko at tumayo na pero sakto namang nabunggo ako mula sa likod.

"Sorry!" I felt my heart skipped a beat when I heard his voice.

Pa'no ko nalamang kay Caden? Lagi ko kasing naririnig yung boses niya dahil nasa likod ko lang siya. I looked at him and our eyes met. Kanina, puso ko lang ang nag-aabnormal. Ngayon, nakisama na sa party ang mga paniki sa tiyan ko. Mas gwapo siya sa malapitan!

Fall to Pieces (one-shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon