Chapter 3

48 2 0
                                    

It's been a week since the party pero tahimik parin si Riley. Andami na naming ginawa para makalimot lang siya kay John pero wala padin.

Kasama ko si Riley sa school dahil pareho naman kaming walang klase. Habang naglalakad kami ay naabutan namin si Jessa na mukhang may pinagtitripan na naman. Lumapit kami para malaman kung sino yun.

Hindi ko namumukhaan yung babae, mukhang transferee ito. Maliit siya at medyo baduy manamit kaya pinuntirya nila Jessa.

"Excuse me" natigilan sila nang marinig nila ang boses ko. Lumapit sakin si Jessa at tinaasan ako ng kilay.

"What do you want bitch?" natatawa ako sa inaasta niya. Ang tapang niya.

"Mukhang kulang pa yung sampal na natanggap mo sakin last week. Gusto mo ng isa pa?" nakaamba na ang kamay ko pero tumalikod na sila at umalis. Wala naman pala siyang sinabi eh.

Tinulungan namin ni Riley yung transferee na tumayo.

"Thank you.." sinabi niya nang nakayuko.

Inangat ko ang baba niya para lumebel sa mukha namin.

"That's nothing. You okay?" tumango siya at binasa ko ang nasa name tag niya.

"Well Dean Calavar.. We have to go.. We still have class.. I'm Ree by the way, and this is Riley.." kinuha ko yung ilang gamit niya at inabot sa kanya "See you around.."

Naglakad na kami palayo. Naghiwalay na kami ng landas ni Riley dahil nasa kabilang building pa ang klase ko. Napagusapan na lang namin na magkita sa Bean and Butter. Tinext ko na din si Lory na pumunta dun.

After class ay dumiretso na kami ni Riley sa B&B para hintayin si Lory. 15 minutes kaming naghintay dun para sa kanya pero hindi siya sumipot kaya umorder na kami ni Riley.

Mag2 oras na kami sa cafe nang dumating si Lory kasama ang kuya ko at ang isang lalaking nakavarsity jacket. Umupo sila sa tapat namin.

"Sorry nalate kami, hinintay pa namin si Miko" sabay turo sa nakavarsity.

Naglahad siya ng kamay sakin "Miko Bi, pinsan ni Lory.." tinanggap ko ang kamay niya at nginitian siya.

"I'm Ree, and that's Riley" sabay turo ko kay Riley.

Nagkwentuhan lang kami dun at napagalaman kong pinsan ni Lory sa mother side si Miko. Chinito siya pero hindi kaputian. Kakagaling niya lang ng California kahapon kaya nililibot nina Lory.

"Eh ikaw kuya? Anong ginagawa mo dito?" tanong ko sa kuya ko saka ko siya nginitian ng nakakaloko.

Namula bigla ang pisngi ni kuya at nagiwas ng tingin.

Naku nahuhuli ang kuya ko. HAHAHHA. Sabi na may gusto kay Lory to eh.

Nagkwentuhan pa kami pero natigil yun nang marinig namin ang ingay ng isang grupo ng mga lalaki. The varsities of Western are here kaya malamang nandito si...

"Ree!" napalingon kaming lahat sa sumigaw na si Kevin. Lumapit siya sakin saka nagsalita uli. "Baby, are you stalking me?"

Napanganga ako sa sinabi niya. "Excuse me? Hay naku sobrang hangin" saka ko siya tinaasan ng kilay.

Natawa lang siya at umiling.

Lumapit yung ibang kasama niya sa amin at hinatak siya.

"Nakahanap ka nanaman ng target mo. HAHAHHA" sabi nung isang varsity saka siya inakbayan.

Napailing na lang ako at ininom ang nangangalahati palang na Strawberry Mousse Frappe ko.

"I hear that he's courting you?" napatingin ako kay Riley sa sinabi niya. Nanlaki ang mata ng kuya ko at tinignan ako ng matalim.

"Kuya, I have no idea about that.." saka ko tinignan si Riley.

"I was just kidding.. HAHAHHA.. Kanina pa kasi parang makakain ng buha yang kuya mo eh.." napailing na lang kami at sinabayan ang tawa niya.

Tumayo na kami uli para umalis nang harangin ako ni Kevin.

"Aww, baby, leaving so soon?" nginitian ko siya.

Nilapit ko ang mukha ko sa kanya saka ako nagsalita "Yes Kevin, I'm leaving and pwede kapag nagkita tayo next time..." nilapit ko pa lalo ang mukha ko kaya napalunok siya "Maligo ka!" sabi ko sabay labas.

Paglabas namin ng B&B ay natawa na lang kaming lahat. Inakbayan ako bigla ni kuya kaya napatingin ako sa kanya "Akala ko hahalikan mo na eh.. Yari ka sakin kapag ganun" saka kindat niya sakin.

"Aww.. Thanks kuya.." saka ko siya niyakap.

"Osya! Tigil na yan! Tara na. Uwi na tayo.." nilingon ko si Lory saka umiling.

Sasakay na dapat ako sa Ford ni kuya nang may napansin ako kay Riley. Nakatingin siya dun sa gilid ng isang Vios. Tinignan ko kung ano yung tinitignan niya at nakita ko si Jessa at ang isa sa mga varsity na kasama kanina ni Kevin.

"Tss. Slut.." yun na lang ang sinabi niya bago pinaandar ni kuya ang sasakyan niya.

Nagyaya si Riley ng inuman kaya naman sa Liberty Alley kami nagpunta.

Sunod-sunod ang pagshot ng Vodka ni Riley. Kaya lasing na lasing na siya. Hindi pa naman ako lasing pero medyo tipsy na ko. Kinalabit ako ni Lory at tinuro ang dancefloor.

Nakita ko dun si John na kasama si Jessa kaya hinatak namin agad si Riley pero mukhang nakita kami ni John dahil naabutan niya kami sa labas.

"Riley!" napalingon kami sa tumawag at nakita namin si John at nakasunod sa kanya si Jessa.

Lumapit si John pero hinawakan siya ni Jessa. Naramdaman namin naglakad si Riley palapit kay Jessa.

"Slut.." sasampalin na dapat ni Jessa si Riley nang bigla siyang sukahan nito.

"Oh my god! Arggghhhh!" diring-diri si Jessa na umatras. Kinuha ko ang tissue na hawak ni Lory at lumapit kay Jessa.

"Here.." inabot ko yun kay Jessa sabay buhos ko sa kanya nung vodka na kanina ko pa hawak.

Hinatak na namin si Riley paalis dun saka kami tumawa nang tumawa ni Lory.

"Oh my god.. She was like "Arggghhh"" at sinubukan niya pang gayahin ang itsura ni Jessa kanina.

Inuwi na lang namin si Riley at Lory saka kami umuwi ni Kuya sa bahay.

Dumiretso na ako sa kwarto ko at ilang sandali pa ay nakatulog na ako.

The Search For Mr. ImpossibleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon