Tiffany's POV
Aish! Late na talaga ako. Traffic pa. Tsk. Nakalimutan 'ko kasing i-set yung alarm clock 'ko. Lagot na talaga ako. Nung last, umabsent ako sa Arpan. Ngayon naman, late ako. Bawas points daw kasi yun sabi ni Sir.
Nang makarating kami sa school ay agad akong lumabas ng kotse saka tumakbo. Baka sakaling makahabol pa ako.
Takbo lang ako ng takbo hanggang sa..
*Bogsh*
Malas naman oh! May nakabangga pa akong tao. Ang mas malala, nahulog yung mga dala-dala niyang libro kaya tinulungan 'ko siya sa pagpulot.
"Tiffany?" tinignan 'ko naman kung sino yung nagsalita at nakita 'ko si Drian na naka-suot ng eyeglasses. Ang cute at hot niya tignan kapag may eyeglasses.
Nabalik ako sa mundo nung magsalita ulit siya
"Hey?"
"Ah.. Ikaw pala, D-drian. Sorry sa abala uh? Nabangga pa tuloy kita" Siya pala yung nabangga 'ko. 'Di 'ko na kasi tinignan kung sino yung nakabangga 'ko sa sobrang pagmamamadali.
"It's okay" sagot niya. Napulot na pala namin lahat ng libro na nahulog kanina
"Ge. Una na ako, late na ako" sabi 'ko. 'Di 'ko na siya hinintay na sumagot at nagmadali na akong pumunta sa room namin.
Pagdating 'ko dun, wala si Sir. Tapos na ba ang klase?
"Nasaan si Sir?" tanong 'ko sakanila
"Di pumasok si Sir" sagot naman ni Bianca. Pft. Sayang effort 'ko tumakbo papunta dito, wala naman pala si Sir. Tsk.
"Tiffany, may naghahanap sayo sa labas!" sabi nung isa 'kong kaklase kaya tumayo ako at pumunta sa labas ng room.
Paglabas 'ko, si Drian agad ang nakita 'ko. Siya ba ang naghahanap saakin?
"Anong ginagawa mo dito?" tanong 'ko sakanya
"Trip 'ko lang?" sagot naman niya
"Gaya gaya ka talaga"
"Just kidding"
"Pft. Hahahahahhaha!"
"Why are you laughing?" tanong niya
"Marunong ka palang mag-joke? Hahahahaha!" sagot 'ko.
"Whatever"
"Sorry na. Hahaha. Bakit ka nga kasi nandito?" tanong 'ko
"I'm here to give you your wallet" sabi niya sabay abot nung wallet 'ko.
BINABASA MO ANG
Stop Acting Like You Care
Teen FictionA story of a guy who became friends with his bestfriend's ex-girlfriend but he doesn't know that she's the ex girlfriend of his bestfriend.