Naalala mo pa ba ?

45 4 2
                                    

♡★♡★♡★♡★

Naalala mo pa ba ?

Yung unang beses mo kong ngitian ,

Nagulat ako nun kase akala ko , wala kang pake sa paligid mo ..

Naalala mo pa ba ?

Nung unang beses mo kong kinausap , grabe kinikilig ako nun , kase dun ko na realize na ang bait bait mo pala ,

Ang saya mong kausap , feeling ko nga nun sa pag uusap nating yon , parang close na close na tayo ,

Naalala mo pa ba ?

Yung mag tetest tayo , kalabitan tayo nang kalabitan , nagkokopyahan kasi tayo nun ee , kase parehas tayong hindi nagreview , Ahahaha

Tandang tanda ko pa nung nahuli tayo ni maam na nag kokopyahan ,
Nawarningan nga tayo nun ee , pero wala tayong pake nun ,

Kaya nag kokopyahan parin tayo ,kaya ayon parehas tayong nakapasa ,

Naalala mo pa ba ?

Yung nag ka sakit ako ,
Pumasok parin ako nun , kase gusto kitang makita ,

Pinipilit mo nga akong umuwi na non ee , kaso ayoko talaga

Pinagpaalam mo panga ako kay maam , para makauwi ako ,
ee may magagawa paba ako , e napaalam mo na ,

Pag katapos nun dalawang linggo akong absent ,
Kasi nag ka dengue pala ako ,

Buti nalang pina uwi mo talaga ako no ??

Naalala mo pa ba ?

Yung tuwang tuwa tayo , nung malaman natin na mag kaklase parin tayo nung grade six ,

Buti nalang kaklase parin kita non , di ko panaman kaya nang wala ka hahaha ..

Mag ka seat mate pa tayo nun, kaya nauso nanaman satin ang kopyahan ,

Naalala mo pa ba ?

Yung nauso yung larong sampal sampalok ?

Lagi tayong nag lalaro nun ,
Natatawa ako kasi , laging ako ang panalo ..

Laging lamog saakin yang pisngi mo ..

Yung unang time na nanalo ka sakin , ang hina nang sampal mo aa , parang tinapik mo lang ung pisngi ko ,

Kinililig kaya ako non , ahaha

Naalala mo pa ba ?

Nung napili ka ni sir haris para , irepresent ang school natin bilang haring kalikasan ??

Natatawa ako nun , kasi yung mukha mo para kang naiiyak ,
Kase alam ko namang ayaw na ayaw mo nang ganun , ●﹏●

pinipilit pa nga kita non ee,

Pero syempre , sumali ka parin , grades yun ee

Tapos nakapartner mo pa si tricia para sa inang kalikasan ,

Nagseselos ako nun aa !
Dapat ako yung partner mo ee , ahaha charr !

Pero syempre , full support ako sayo nun •﹏•

Naalala mo pa ba ?

Yung pagkatapos nang contest nayon , 4th place ka nga nun ee ,

Sabi mo sakin '' Crush ko na si tricia "

Ansaket dude ! Kunyare tawang tawa pa ko non sayo , kunyare suportado kita para kay tricia ,

Pero deep inside , naiiyak na ko T_T
Ahahahansaket ! Aa !

Naalala Mo Pa Ba ?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon