S2: Seventeenth ( II )

12.5K 469 19
                                    

Nakatingin lang ako sa nagpleplay sa white screen. Iba't-ibang picture ko ang nakikita then after noon ay picture namin ni Cyrax especially yung nasa tagaytay kami. After that picture slide, akala ko tapos na pero may video message pa. Nakita ko si Cyrax na nakaupo habang may kinakausap.

" Ayusin mo paghawak! Wag kang magalaw! " sigaw nito sa may hawak ata ng video recorder. Hindi ba nya alam na nagsisimula na yung play. Aba'y hindi na lang nya pinag-abalahang i-cut.

" Okay! Okay! " naiiritang sabi nung may hawak at kung hindi ako nagkakamali boses iyon ni Blake.

" Hello Ren " tingin na ni Cyrax sa video. Halatang nahihiya sya. " Paano ko ba sisimulan ito? " kumamot pa sya sa batok nya.

" Tito Cyrax faster! Nangangawit na ako " rinig kong sabi ni Blake kaya natawa ako. Sinamaan naman sya ng tingin ni Cyrax.

" Babe, hindi ko na nga papatagalin ito. I would like to say sorry to you. Sa lahat ng ginawa ko ng wala akong naalala sa'yo and specially na ikaw pa ang kinalimutan ko. I blamed myself for that. Besides, sorry sa lahat ng ginawa ko sa'yo na hindi mo nagugustuhan at kung may gagawin man ako in the future, nagsosorry na ako kaagad pero don't worry hanggang maaari hindi kita sasaktan. I love you Babe and Happy second anniversary Babe. Two years na tayo na napagtyatyagaan mo ako " tumawa sya ng mahina at naging seryoso uli. " Alam ko na icecelebrate pa natin ang third anniversary hanggang sa maging tenth, fifthiet, seventiet or hanggang one hundred "

" Tito Cyrax that so imposible " epal ni Blake kaya kumuha si Cyrax ng unan sa tabi nya at binato kay Blake kaya biglang nagblack yung nasa white screen.

Lumingon-lingon naman ako baka may clue ng next na gagawin pero wala. Nagdecide na akong lumabas ng makita ko si Blake na patakbo patungo sa pool kaya sinundan ko sya. Pagkarating ko roon nakita ko si Cyrax na nakatayo sa may gilid ng pool na may hawak ng isang boquet na flower habang nakangiti sa akin.

" Ren " napalingon naman ako pababa ng makita ko si Blake na may hawak na cake na kinuha ko sa ref. " Read the message " nakangiting sabi nya.

" Happy 2nd anniversary Babe. From your Hubby, Cyrax " basa ko. Waahh! Nakakatouch. Seriously, nakalimutan ko na anniversary namin ngayon kaya wala akong clue bakit may mga surprise na nakahanda paggising ko.

Tumakbo naman ako patungo kay Cyrax at niyakap sya ng mahigpit hanggang sa mawalan kami ng balance at nahulog kami sa pool.

" Hubby ko " yakap ko sa kanya kasi masyadong malalim ang nahulugan namin. Hindi ko abot yung babang sahig ng pool.

" Ren, wala sa plano ko ang magpahulog sa pool " poker face nyang sabi. " Pero anniversary naman natin, papalagpasin ko ito " nakangiti nyang sabi kaya paulit-ulit ko syang hinalikan.

" Gross " napatingin kami ng sabay ni Cyrax kay Blake na nakapokerface sa amin. Bigla ko naman syang tinampisawan ng tubig kaya ginaya na rin ako ni Cyrax. Basang-basa yung bata at sabay-sabay kaming nagtawanan. Ang saya ko ngayon grabe kaso nakakakonsenya kasi wala akong regalo para sa kanya. Ako lang ba yung taong nakakalimot sa anniverasary. Wahhh! Ang sama ko.






~

Nang makaahon na kami sa pool ay nagbanlaw na kami at nagpalit tsaka nagpatuyo. Nandito kami ngayon sa may dinning table, kinakain yung cake.

" Thank you Hubby sa surprise. Nakalimutan ko na anniversary date natin ngayon. Sorry hubby " hingi ko ng tawad.

" Okay lang. Atleast pinatawad mo na ako " ngumiti sya ng pilyo kaya hinampas ko sya ng kutsara sa ulo.

" Someday, I would like to have a boyfriend too " napaubo ako sa biglaang singit ni Blake sa amin. Nagkatinginan kami ni Cyrax na dalawa.

" Ulitin mo nga sinabi mo Blake " nagsisigurado lang ako kung tama ba ang narinig ko.

I Can Fight Him Back (BoyXBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon