Chapter 6 - Crush

6 1 0
                                    

Clarish's POV

Nakalabas na kami ni bessy sa clinic. Gusto nga niyang umuwi na muna ako sa bahay pero ako yung nagpumilit pumasok kasi naman first day kaya ayokong mag absent.


Nang makarating kami ni bessy dito sa room ay agad kaming napansin nila Clarence at Gilbert.

Clarence Saavedra, 18 years of age. Sikat sa school bukod sa magandang mukha ay matalino, mayaman at mabait din ito. Para siyang boy version ni bessy at kaibigan din namin siya simula nung grade seven kami.

Gilbert Foster, 18 years of age. Grade 9 na kami nung nag transfer siya dito sa school. Katulad ni Clarence, hindi rin maipagkakaila na may taglay din itong kagwapuhan. Kahit na mayaman ang pamilya niya ay never pa niya itong binanggit sa ibang tao. Kaya nga silang dalawa ang tinaguriang the 'Perfect Duo.'

"Goodmorning Ish!/Good morning Yan!" Pareho naman kaming napangiti ni bessy dahil sabay kaming binati nung dalawa.

"Doon na lang tayo maupo bessy oh," sabay turo dun sa upuan sa likod nila Clarence.

--------------------

Gilbert Clarence

Ariane Ako

--------------------

"Bakit ngayon lang kayo pumasok? Buti na lang at wala tayong teacher sa first subject." Tanong ni Gilbert.

Haay, buti na lang pala nakiayon si kapalaran sa amin ni bessy.

"Dinala kasi namin si bessy sa clinic kanina kas-..." Naputol na naman yung sasabihin ko ng mapasigaw silang dalawa.

Yung totoo? Uso ba ang putulan ng dialog? Kanina ko pa napapansin yan author ah.

(A/N: Wag ka nang choosy jan, ikaw naman yung bida or baka gusto mong si Ariane na lang?)

De joke lang author, masyado kang hot. Eto na ng po oh, itutuloy ko na..

"What?!/Ha??" Kitams! Uso din ang sabay magsalita diba?

Sa lakas ng sigaw nila ay napatingin tuloy yung mga classmates namin. Well mannered naman yung mga students dito kaya hindi uso ang term na 'bullying' dito. Yun din yung isa sa pinagmamalaki ng SBA.

"Sshhhh! Ano ba kayong dalawa? Tone down your voice." Saway ni Ariane.

"Ano ba kasing nangyari sayo Clarish?" tanong ni Gilbert.

"Ah-eh..wala yun, natamaan lang ako ng bola kanina hehe"

"What?? Sinong may gawa sayo nun? Okay ka lang ba? Anong masakit sayo? Gusto mo bang ihatid na muna kita inyo para makapagpahinga ka na muna?"

Luh? Mas nakakahilo pa yung mga tanong ni Clarence kesa sa nangyari sa akin kanina eh. Parang tatay lang ah?


"Hahaha easy pre, duma da-moves ka na naman kay Clarish," pang aasar naman ni Gilbert habang tinatapik siya nito sa balikat.


"Stop it! Puro talaga kayo kalokohan. At ikaw bessy, anong natamaan LANG ng bola ha? Eh halos mag good night, sweet dreams, sleep tight ka na nga kanina tapos dumugo pa yung nose mo. Saan dun yung okay, aber?"

Hahaha eto talagang si bessy, daig pa sila mama at Manang Beth. At saka okay na talaga ako, ikaw ba naman ang makakita ng real life angel diba? Hihi. Landi mode: ON.

"Hehe oo na po, hindi na po ako okay." With matching beautiful eyes pa kay bessy.


Mag sasalita pa sana si Clarence pero dumating na si ma'am kaya napaayos siya ng upo.

===============

'Cafeteria'

"Asan na ba yung dalawa bessy? Nagugutom na ko," kanina pa kasi kami naghihintay dito at malapit ng matapos yung lunch break ay wala pa din yung dalawa.

"Ayiieeh, ikaw bessy ah? Miss mo na agad si Clarence mo?" Si bessy talaga, naisingit pang mang asar if I know gutom na rin siya.

Matagal nang nagpaparamdam si Clarence sa kin pero kahit na almost perfect siya hindi ko magawang magustuhan siya katulad ng pagkagusto niya sa kin.


"Anong Clarence ko? okay ka lang? Pwede ba bessy, ilang beses ko bang sasabihin sayo na hanggang kaibigan lang talaga ang tingin ko sa kanya."


"Ikaw naman, parang binibiro lang kita. Masyado ka namang serious." Sabi niya.

*bzzt* *bzzt*

"Oh, nagtext si Gilbert. They won't eat lunch with us daw 'coz may pupuntahan daw sila ni Clarence."

What? Naghintay lang pala kami sa wala. Kawawa naman yung mga alaga ko sa tiyan at kanina pa sila nagwawala sa gutom.

"Dapat kanina pa nagtext yung Gilbert mo para kanina pa tayo nakakain."

"Bessy!" Sigaw niya habang nakanguso. Ang cute talaga niya kapag napipikon.

"Bakit, bessy? Hahaha" Tumingin pa ko sa kaniya ng nakakaloko.

"Stop it bessy, hindi nakakatawa."

"Alin yung hindi nakakatawa, yung Gilbert mo o yung ngiti mong abot heaven habang binabasa yung text niya?" Pang-aasar ko sa kanya. Hindi kasi siya aware na nakangiti siya habang nakatingin sa phone niya.

"Bessy naman, nakakahiya baka may makarinig sayo...
pleaaaaaaaassseeee?"

Nangingilid na yung luha ni bessy kaya tinigilan ko na yung pang-aasar ko sa kanya.

"Okay, okay..tama na nga at baka maiyak ka pa ng tuluyan, kanina ikaw yung nang aasar. Ngayon namang bumabawi ako iiyak ka, ang daya mo bessy ah."

"Alright, sorry na. Iba naman kasi yung sayo. Paano kung may makarinig tapos sabihin kay Gilbert? You know naman that I can't face him if nalaman niya diba?"


Matagal na kasing gusto ni YanYan si Gilbert. Simula nung nagtransfer siya dito, nagustuhan na kaagad siya ni bessy dahil 'one of a kind' daw siya. Botong boto nga ako sa kanila kasi bagay talaga silang dalawa.


"O siya, tama na nga yung drama at kumain na tayo." Sabi ko sa kanya.
 
 
 
_______________________________________

A/N: Pasensiya na at maikli itong chapter na to, under revision pa yung mga susunod na chapters so asahan niyo na within this week po yung next update.
 
 
Goodnight readers! Hugs!
 
 
 
October 27, 2015

Obsession [On Hold]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon