Chapter 1-The Beggining

29 1 0
                                    

Samantha's Pov

"Samantha!!!!!" Sigaw ng ate kong amazona

"Bakit po!? "Sigaw ko sa kanya

Dahil kasalukuyan akong nasa itaas inaayos ko ang aking sarili para sa pagpasok.

Bumaba ka na at mag breakfast na tayo.!!!! Sigaw nya.

"Opo, sandali lang!!!"sigaw ko

habang kumakain ay nag open ng topic ang ate kong amazona at pinagsabihan ako.

"Sam, pagkatapos ng klase nyo umuwi ka agad para hindi kame nag aalala sayo ! Lagi kana lng umuuwi ng gabi pano kung mapano ka dyan sa daan may tutulong ba sayo.? Umayos ayos ka. Hindi kana bata!" Sermon nya habang kumakain.

"Opo ? Alam ko na po yan ate." Malumanay kong sagot.

"Umayos ka lang ,lagi ka na lang ganyan , namimihasa kana." Sabi pa nya.

Nang makatapos ako sa pagkain ay agad na akong nagpaalam kay mama at papa, baka kase humaba pa ang sermon ng amazona kong ate. Tinalo pa nya ang mga magulang namin sa kakasermon.

Bago ang lahat magpapakilala muna ko ako si Samantha rodriguez pero tinatawag nila akong "sam" ewan ko ba kung sino nag pasimuno ng pagtawag sakin na "sam" . 15 years old na ko . 3rd year high school sa PUP .. isa akong nerd,morena, at may pagka mahiyain. Bunso ako sa aming dalawa ni ate Sandra kaya ganyan sya sakin, dahil tinuturing nila akong prinsesa ,alam ko naman na pinoprotektahan lang ako ni ate sa mga piligro. Pero hanga ako sa ate ko dahil nakapagtapos sya ng bussiness administration, at sobrang bait kahit may pagka amzona .

Habang naka sakay ako sa bus papuntang school ay di ko sinasadyang narinig ko ang isang babae na ,nagsasalita na para bang humihiling sa kawalan habang nakapikit kaya ., hindi ko na lang masyadong pinansin,dahil masyado syang weird. Baka kung ano pang mangyari.

Nang malapit na ako sa tapat ng school ay agad akong pumara at mabilis na bumaba ng bus ..

Sa di kalayuan ay agad kong napansin ang ang aking mga kaibigan, at sumigaw pa ito..

" SAM'!! sigaw ni Venus at Venice. Habang tumatakbo

"Venus! Venice"!Sigaw ko sa kambal habang papalapit at nag group hug pa kame.

Tama kayo kambal ang dalawang kaibigan ko since elementary student pa lang kasama ko na sila. Pinagkakamalan nga kame ng mga tao na "tresmarias" dahil para daw kaming magkakapatid. Si venice ang unang pinanganak sa kanya ,kaya sya ng nangangalaga pag umaalis ang mommy at daddy nila pero hanga pa rin ako sa kanya bukod sa maalaga at maasikasong kapatid ,ay mabait,maganda at matalino sya laging nasa top kaya,napakaswerte ni venus sa kanya at napaka swerte ko rin sa kanya dahil nagkaroon ako ng kaibigan na katulad nya . Si venus naman ay ganun din ang ugali kaya hindi mo talaga maitatangi na kambal talaga sila kaya sobrang thankful ako sa kanila dahil nagkaroon ako ng kaibigan na napakabait at matulungin,kaya mahal na mahal ko silang dalawa eh.

Pagkatapos namin mag group hug ay pumunta na kami sa aming room ..

Habang papunta kame ay kanya kanya kaming kwento sa isat isa .. nang makalapit na kami sa room ay saktong dating din ng aming teacher.

"Good afternoon class!" Bati nya samin

tumayo naman kami para mag bigay bati din sa kanya.

"GOOD AFTERNOON MAM"! sabay sabay naming Bati pabalik at umupo.

"Ok class our lesson for today is about biology of science.!"pagkasabi pa lang ni mam ng biology ay agad na sumarado ang utak ko . Dahil hate ko ang biology sa science.

Habang nag didiscuss si mam ay patingin tingin ako sa labas ng classroom namin . Di sinasadyang mahagip ng mata ko ang isang lalaking mistiso at feeling ko ay nakakita ako ng isang anghel kaya naman agad akong nagpaalam kay mam.

"Mam? Sabe ko sa nag aalangan na boses

" yes, Ms. Rodriguez? Sabi naman ni mam na nakataas pa ng kilay.

"Mam may we go out? Naiihi na po kase ako eh" sabe ko kay mam na umakto pa na kunwari ay naiihi talaga ako. Gusto ko kasing makilala ang lalaking yon feeling ko kasi bago sya dito sa school na to.

" ahmm ? Sige ms.rodriguez bilisan mo ah." Sabi ni mam na parang nag aalangan pa syang payagan ako.

" sge po" sabi ko kay mam at nagmamadaling lumabas dahil nawala na sa paningin ko ang lalaking may mukang anghel.

Nang hindi ko na nakita ang lalaki ay agad akong lumabas at tumakbo sa hallway at nilibot ang building para makita ko sya pero nahuli ako wala na sya nakaalis na sya. Pero kutob ko dito sya nag aaral dahil naka pang suot sya ng uniform ng lalaki na pang PUP . Nang tumingin ako sa relo ko ay break time na . Tumakbo ako pabalik sa classroom para hanapin ang kambal . Habang tumatakbo ako ay nakita ko sila sa hallway naglalakad at inaya ko na sila.

" oy! Sam san ka ba nanggaling ?tanong ni venice.

"Ah? May hinanap lang ako saglit." Sabi ko sa kanya.

"Ah ? O sge kain na tayo." Sabi ng kambal.

Habang naglalakad kami sa hallway papuntang canteen ay hindi maalis sa isip ko ang lalaking mala anghel na nakita ko . Nang nakarating na kami sa canteen ay agad akong tinanong ng dalawang kambal na kasama ko.

"sam ano kakainin mo ?" Tanong nilang dalawa

"Ahm ? Isang sandwich at isang mineral water yung lang sakin."
Sabi ko

"O sige humanap na lang kayo ni venus ng mauupuan natin . "
Sabat nya.

"Sige kami ng bahala" sabi ni venus.

Wala pang ilang minuto ay nakahanap na agad kami ng mauupuan dahil hindi naman gaano marami ang mga tao.
Habang hinihintay namin ang kambal ni venus ay nag opem sya nang topic.

"Sam san ka ba talaga nagpunta kanina? Ilang minuto ka kaya nawala . Sabi mo iihi ka lang."
Sabi pa nya na parang interesado talaga syang malaman ang totoo.

"Ah ? Ahm ? A-" nauutal na sabi ko. Dahil hindi ko alam kung sasabihin ko ang totoo sa kanya.

" ano bang nangyayari sayo sam? Kanina ka pa ganyan, una nung naglalakad tayo sa hallway papunta dito ang tahimik mo , pangalawa napapansin namin na parang wala ka sa sarili mo? Ano ba talaga ang totoo? Sabihin mo nga ano ba talaga ang nangyari sayo nang nawala ka.?" Sabi ni venus.

" ah , kasi ----"hindi ko na naituloy ang sasabihin ko ng biglang dumating na si venice at dala ang aming mga pagkain..

"Hey! Guys.! Sorry kung natagalan marami na kasing bumibili nung nawala kayo eh." Sabi nya na tumutulo pa ang pawis sa muka nya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 28, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Signs means TADHANATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon