Basic

368 8 8
                                    

Hindi ko na'to pinaprioritize, hindi ko kasi alam kung saan ang mas importante pero tatry kong magprioritize. Inaamin ko, ang mga babanggitin ko dito ay pagkakamali ko rin, haha xD

===================================

1. BOOK COVER - Ito ang pinakaunang mapapansin sa karamihan, hindi ko alam kung lahat ba. Mukhang may iba siguro na title ang pinakaunang mapapansin. Dapat kung ano ang about sa story mo o ano ang title mo, dapat marerelate sa book cover. Hindi iyong example "An Angel" tapos ang book cover ay ang maldita ng mukha. Iyong gan'un ba. Dapat reflect para rin maiingganyo ang readers at maiintindihan kung ano ba talaga all about ng story mo. 

2. TITLE - ang title ay dapat general, I mean descriptive , hindi na mukhang phrase or sentence. 

3. RATING - huwag  pong kalimutan dahil po minsan ay kailangan ng may parental guidance or specific age ang dapat makakabasa lang nito. Kung gustong lahat ay magbasa, 'General' nalang po. Kayo na ang bahala, story niyo naman po 'yan

4. CATEGORIES  - magcategorize kung anong klase ang story mo. Kung saan d'un ang pinakamaraming scenes or just all about your story

5. DESCRIPTION - ito ang overview ng story mo. Dapat objective po, hindi subjective except kung nag-involve talaga ng subjective ang title sa story mo

6. PROLOGUE - same lang din sa description pero ang difference ay mas mataas sa description at dito na ilagay ang subjective mo na statement kung meron man

7. CAPTION/LEGEND - dapat may number ang story mo para hindi malilito ang readers kung saan naba ang nabasa nila at ang next update mo. Kung gusto mong hindi pa malilito ang readers, dapat may title ang kada chapter. 

8. BEGINNING - dapat hindi na lang puros paggising sa umaga. Try something new, hehe. Pwede namang paggising sa umaga, pero hindi 'yong palagi nalang po

 9. POV - Kung nagnarrate ka ay ang ilagay mo d'un ay 'Third Person's POV', kung ayaw mo siyang ipakilala 'Unknown's POV or Someone's POV', kung gusto mo siyang ipakilala ay 'pangalan nila's POV'

10. " " - dapat kung subjective o may nagsasalita ay ganyan ang ilagay para hindi malilito ang readers kung iniisip lang ba niya o sinasabi. Lagyan naman po ng pangngalan ang nagsasalita para hindi malilito ang readers kung sino ang nagsasalita, except nalang kung dalawang tao lang ang nag-uusap hindi na kailangan pang ipa ulit-ulit ang pangngalan

11. SONG - sa lyrics, dapat ay between those lines, may nagsasalita o alam natin kung anong ginagawa nila habang nagpapatugtog ng kanta or may kumakanta kasi naman po hindi alam ng lahat ang tuno niyan, parang baliwala lang diba kung may kanta nga at hindi naman alam. Parang nakakapagod ding basahin lalong-lalo na pa ulit-ulit nalang

12. TIME - kung ito ay past ay pakilagay ang details kung what months or years ago or later ba iyan, pwedeng 'Flashback' lang din. 'Next Day' pwede din, malilito talaga kasi ang readers na biglang mag jump out sa ibang sitwasyon

13. SPACING - huwag masyadong mataas para hindi malilito ang readers, mas malaki kasi ang percent na gamit ang mobile at sobrang loading lang din. Kung pwede iyong sakto lamang po. May iba din kasing touch screen at nakakalito.

14. PUNCTUATIONS - lagyan ng '?' sa nagtatanong, '!' sa galit at iba pa

15. SPELLING - dapat tama, lalo na ang english word. Okay lang naman na magkamali as long as naiintindihan ng readers, hahaha. I mean pwede naman po nating iproofread diba, maeedit lang naman po iyan

16. NOUN - dapat capital letter ang first letter

======================================== 

May continuation pa'to. 

Writing TipsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon